Humarap ako sa salamin sa banyo pagkatapos ng mainit na shower. Pinunasan ko ang singaw ng mainit na tubig na kumapit dito at pinagmasdan ang sarili. Nakahabol na nga sa akin ang mga nakaraang taon. Mukhang permanente na ang eyebags na dati'y lumalabas lamang kung ako'y puyat o umiyak. Halata na rin ang mga gatla sa tabi ng aking mga mata kapag ako'y nakatawa, dala malamang ng pagkaadik sa sigarilyo. At wag na nating pag-usapan ang buhok, at baka lalo itong mausog.
Sabi nila, men age gracefully. May mga nagiging mas gwapo, mas mature, mas matikas, mas may paniwala sa sarili, o mas may personalidad. Hindi ba't maraming Hollywood actors na napapanatili o kaya'y nahihigitan ang kasikatan sa kanilang pagtanda? Pero ganito rin ba ang kalakaran sa mundong ginagalawan ng mga katulad ko?
Pumasok ang aking asawa, at naghugas ng kamay sa lababo. Pinagmasdan ko siya. May kaunting puti na sa kaniyang buhok, ilang mababaw na gatla sa noo at pagitan ng dalawang kilay, at may kutis ng isang naninigarilyo. Hinaplos ko ang kaniyang mukha. Hanggang ngayon, di ko pa rin mapigilan ang ngumiti kapag siya'y nakikita. Na sa tuwing siya'y darating ng bahay, humahangos pa rin ako sa pinto para salubungin siya at akapin.
"Pangit!" pangungutya niya sa akin habang pilyong nakangisi.
Natawa ako. Ito ang unang salitang Tagalog na itinuro ko sa kaniya, mahigit walong taon na ang nakaraan. Mula noon, nakakabit na sa akin ang palayaw na ito. Pinagmasdan kong muli ang aking sarili sa salamin. Hindi na nga ako kasimbata nang una kaming magkita, pero hanggang ngayon, ako pa rin ang nag-iisang Pangit sa kaniyang paningin.
photo credit : vietbao.vn
24 comments:
chong inggit ako sana ako din may ganyan hahaha
you are blessed po!
naks..cheesy..ako excited na umabot ang edad ko ng 40..hehe
haayyyy kasweet naman ni Kpop... kakilig much lang....
---------
ang gwapo nung nasa picture.. chinitong chinito.. lakas ng appeal.. hehehe...
TAMUH! ang saya ng household niyo ah. ano naman tawag mo sa kanya ading?
@uno: ay haha. thanks uno.
@akoni: naumay nga ako sa kakesohan nung binasa ko after kong nai-post haha! ang korni!
@egg: ay hahaha! guwapo siya pero nung nagpapayat at nagkabigote, medyo bad boy na ang dating.
@nimmy: kulitan lang hehe. tawag ko sa kanya "pinoy" sa lengwahe niya.
wow, 8 years! it's definitely not a joke! :)
hahaha ito naman ay sweet-sweetan lang,.. wahehehe... parang humahabol kayo sa kasweetan nila nimmy at leo ah..w ahehhee....
sweet!
O___O eeeeeeeeee ang saya.wahaha
wala lang sweet kasi.ahaha
Anu bayan!!ay sus!!nakakalanggam nang computer!!ahaha infairness 8 yrs na pla sila
aww...this is so sweet...napangiti ako dito sir sean...
nakakalokah, kakabasa ko lang ng blog ni mugen (sublimity of attachment) tapos etong sayo. grabehan na to sa kakiligan. damang dama ang kasiyahan.
here's to another 8, atleast.
foreigner? awww... ang sweet naman :)
Congrats! I know of a close friend, na more than 20 years na sila (since college) and they are still going strong...
blessing po siguro ang asawa nio sa inyo..dka pangit, gwapo ka prin hehe
koreano ba ang jusawa mo? pwede :)
and yes, men age gracefully. look at soltero. hot pa din si papa :)
Eeeeeeeeeeee!!! Ako na ang kinikilig Sean! Haha!
Sana eh maging pangit din ako ng sinuman. Lol. :D
nice, yan ang love!
ampapangit nyo... (greening with inggit.)
@mr. chan: haha thanks. 8 nga ambilis pala!
@kikomaxxx: ay walang makakahabol kina nimmy at leo sa kasweetan haha.
@nikki: hehe.
@kyle: ay hahaha! hey busy ka ata lately. sa love? hehe goodluck sir kyle.
@ibanez: umabot pala diyan ang langgam hehe. oo nga matagal na rin.
@pipay: ay haha! thanks pipay.
@orally: pahabol bago matapos ang feb hehe. ako rin sobra akong kinilig dun kina mugen and jc! hay!
@nowitzki: yah di siya pinoy. thanks nowitzki. btw, hope you're ok.
@mr. g: uy thanks! wow 20 years! that's very inspiring.
@emmanuelmateo: yah sobrang blessing siya sa akin. ay hehe sana magdilang anghel ka emman hehe.
@nox: ahahaha. chinito siya. yes, hot nga si papa solts! hahaha!
@louie: ahahaha! narinig ko hanggang dito, louie hehe. dapat "pogi" ang ituro mo sa kaniya haha.
@keatondrunk: hehe thanks keatondrunk.
@kiks: hahaha! galing ng banat mo kiks hehe!
ayun ang magandan.. tumatanda man sa panlabas na anyo.. ang damdamin at pag ibig nananatiling bata at mainit sa loob...
ang sweetttt... :)
I can sense cute yung pagbigkas niya ng pangit at ika'y napapangiti sa tuwing tatawagin ka niya ng ganyan. Ambilis nga ng panahon at sumusunod tayo sa pagtransform.
@istambay: ako pati isip, bata pa rin hehe. salamat banjo.
@redlan: yeah cute nga yung accent niya pag sinasabi niya yun haha.
8 years. WOW! and still so sweet and cute. cheers!
Post a Comment