Friday, December 3, 2010

Sabit


"Kapeeeeet! Kapeeeeet! Hahaha!!!" sigaw ng dalawang batang nakasabit sa likuran ng humaharurot na jeep. Hangos na humahabol ang isa pa, sabay talon at hawak sa mga baras. "Kapit kayo ng mahigpit," payo ko sa mga bata. "Hoy! Baka kayo malaglag!" sigaw naman ng drayber na napakamot na lamang ng ulo.

Ganyan rin kaming magkakalaro noon. Kung anong magustuhang gawin, ayun hahabulin. Gagawin ng walang takot, kahit na ano pang sabihin ng ibang tao. At kapag nakuha ang gusto, di mapawi ang nag-uumapaw na saya.

Habang tayo'y tumatanda, mas nagiging komplikado raw ang buhay. Hindi lahat ng pangarap ay natutupad, kaya't maraming hindi na hinahabol. Marami na ring konsiderasyon lalo na sa mga mahal mo at ibang tao sa paligid mo. Baka may malaglag, baka may masagasaan. Madalas di rin tayo masaya dahil sa bawat makamtang bagay, mas marami ang kulang.

Mas komplikado nga ba ang buhay? O tayo lang ba ang nagpapagulo rito? Hindi ko alam ang kasagutan. Ako'y kumapit ng mahigpit at nakisalo sa saya ng mga batang bagong sabit, habang tuloy ang paghaharurot ng jeep sa aming mga patutunguhan.

photo credit: taong-grasya.blogspot.com
 

8 comments:

wanderingcommuter said...

sa huli naman, ang importante ay kung papaano mo inenjoy ang byahe di ba?!

Eternal Wanderer... said...

Wandering: apir!

my-so-called-Quest said...

tayo lang ang nagpapakumplikado ng buhay, minsan gawa rin ng ibang tao pero kahit anong mangyare kapit lang sir. :D

Yj said...

basta ako sa mga ganyang biyahe eh lagi ako nasa tabi ng drayber...

mahilig ako sa kambyo eh hahahahaha

Mu[g]en said...

Magtatatlong dekada na akong nabubuhay, mahilig pa rin akong sumabit lalo na pag nagmamadali.

MkSurf8 said...

ay ayokong sumabit, gusto ko ako ang drayber para kambyo from start to finish. char!

simple lang ang life. sabi nga ni Lolo Plato "Life must be lived as play" tara laro na tayo. hehe

orally said...

nakakamiss maging bata uli. devil-may-care attitude.

and i always pray for happiness and contentment

loving this entry.. thanks.

Sean said...

@ wandering commuter & eternal wanderer : agree ako diyan.

@ doc ced : haha oo nga doc. kapit lang sa biyahe ng buhay.

@ yj : bakit naman sa tabi lang? pwede rin naman kandong sa jeep di ba? Haha!

@ mugen : ako rin mahilig sumabit. kahit sa gilid ng jeep kaya.

@ MkSurf8 : kailangan mo ng konduktor para may taga-kambyo? Haha! Yah simple nga lang dapat ang life.

@ orally : We all deserve happiness and contentment. Thanks orally.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...