Tuesday, January 11, 2011

Naipit


Minsan mo na bang naranasan na parang tumigil ang mundo mo?

Tuloy pa rin ang pag-usad ng panahon, maraming nagbabago pero para lamang sa ibang tao, at parang ikaw ay naipit sa kinalalagyan mo.

Na minsan ay napapansin mo na parang umulit na naman ang iyong karanasan.

At tinatanong mo ang iyong sarili kung nasaan ka na ba ngayon at di mo pa rin alam kung ano ang gusto mong gawin sa iyong buhay. 

Nang naging mabigat ang loob ko at nangailangan ng may mapagsasabihan, ako'y lumapit at kumausap ng isang bingi.

Dahil gusto kong kumawala sa aking pagkakaipit, ako naman ay nakinig sa mga payo ng isang pipi.

At tumulak ako sa di alam na paroroonan, at nang ako'y maligaw ay nagtanong ng tamang direksiyon sa isang bulag.

Walang nangyayari at gusto kong magmadali sa aking pupuntahan, kaya't nagpasama akong tumakbo sa isang baldado.

May naawa sa akin at nagsabing, "Mabuti pang sumakay ka na dito. Mas mabilis kang makakarating." Ako'y nagtiwala at sumakay sa kanyang tsubibo.

Kaya't heto ako. Malayo na ang nilakbay. Pero nandito pa rin.

photo credit : altfg.com
    

29 comments:

Anonymous said...

wow ang ganda. O__O naimpress na naman ako sir.

naku sir parang ako lang ito ah. :(

ang galing nung pagkakakumpara nyo dun sa tsubibo. swak na swak sir. ang galing. :D

TAMBAY said...

hindi tumitigil ang mundo, paikot okot lamang. ibig sabihin lamang siguro, kung san ka nagsimula dun din ang bagsak mo.

Naramdaman ko ring para akong kawalan. ang imposibleng bagay nagagawa ko dahil sa pagiisip. pero pagdating ng reyalidad, balik ako sa dati. at ano na ba ang pinagsasabi ko hahaha

ganda parekoy.. pak na pak

Lone wolf Milch said...

kilala ko yung nasa pic si Lee Yeong-hoon hehehhee

sana pati ang pagtanda natin pwede din pigilan at huminto hehehehe

nakakarelate din ako sa post mo ngayon

Leo said...

galing mo talaga idol... swak na swak din ito sa akin ngayon... kasi feeling ko nagmimid-life crisis ako ngayon at such a young age. hahaha.

keep it up!

James - M.I. said...

It's exactly my thoughts when I created my blog. :) Thanks for sharing Sean. We have the same sentiments.

Anonymous said...

siguro bobo talaga ang batman at di ko talaga magets... pero ang alam ko.. naexperience na ito ng batman.. pero di niya lang magets ang concept.. wahehehe

Mugen said...

Tama nga ang sabi ko, magandang subaybayan ang blog mo. Hehehe. Idol rin kita. :)

c - e - i - b - o - h said...

kasalanan ba na sumakay ka sa tsubibo?? kaya siguro njan ka pa rin.. choz!

seriously, i liked the entry. so much for me ito.. malayo na ang nilakbay pero nd2 pa rin..

Alter said...

tama si mugs.

Nimmy said...

haaaaaaay. un lang. ahihi

ang galing mo talaga manong!

jc said...

love this. sad at the same time..

Sean said...

@ kyle : ay maraming salamat :) sana tama ang spelling ng tsubibo. di ako sigurado eh

@ istambay : ako feeling back to square one lagi. thanks parekoy

@ hard : uy andami mong kilalang asian actors ah :) naiyak ako dun sa movie niyang no regret :'(

@ leo : pareho pala tayong early mid-life crisis hehe. salamat ulit :)

@ james : marami ata tayong pareho ang nararanasan ngayon :)

@ kiko : sa tingin ko, bata ka pa hehehe. enjoy life!

@ mugen : uy hindi *blush* ikaw ang idol ng blogosphere :)

@ ceiboh : ay oo nga. kaya umikot ng umikot pero di lumayo. thanks kiko!

@ alter : uy maraming salamat :)

@ nimmy : hi ading! naku nahiya naman ako.

@ jc : awww. thanks jc and welcome back!

Anonymous said...

tama ka, ganyan din ako minsan

:)

Carlo said...

very nice. i could relate ;)

red the mod said...

I do hope you realize how deeply profound this entry is. Spoken with an honest simplicity, that is as accessible as it is universal.

casado said...

wow..matalinhaga! i like! ehehehe

(akala ko nung nakita ko sa blogroll..yung NAIPIT, eh naipit ang yagbols mo LOL)

ching!

bien said...

obladi oblada.
dumadami na ang fans mo sean!

iurico said...

Ugh! Tell me about. Ako din. Feeking ko nagmi midlife crisis din ako.

my-so-called-Quest said...

hmmm... i have the same sentiments. pero trying my best to change things. malay natin pasulong na takbo natin sa susunod. optimistic lang. hehe

Sean said...

@ tr aurelius : buti hindi palagi at nakaka-move on ka naman.

@ carlo : thank you. thanks as well for visiting.

@ red the mod : thanks a lot :) appreciate the validation.

@ soltero : papa solts! kung sa yo, ipapaipit ko hahaha!

@ orally : uy mishu! tagal na kitang di nakikita online :) enjoy your vacay back home!

@ iurico : naku andami na ata natin. wala lang kasi akong pambili ng porsche. di naman ako mahilig sa mga batang pechay.

@ doc ced : uy mishu din doc. tama, dapat laging optimistic :)

Noah G said...

same here :( haaay. pero kelangan may patunguhan. at alam kong may patutunguhan :)

Sean said...

@ nowitzki : good luck. sana ay mahanap mo ang iyong patutunguhan.

egG. said...

d ko gaano nagets...

egG. said...

hmm... binasa ko ulet...

"malayo na rin ang nilakbay, pero andito pa rin"

naemo naman ako sa linyang iyon.. parang istatwang di gumagalaw... at andun lang habang panahon... hay..

sori 4 my koment :)

Lone wolf Milch said...

yup sean marami ako kilalang asian actors mahilig kasi ako sa asian movies like korean, japanese and thai

Sean said...

@ egG : ok lang yun. ang emo no?

@ hard : ikaw pala ang expert. dapat magpa-recommend ako ng good movies sa iyo. hilig ko rin kasi yan pero di ko alam kung ano na ang mga lumabas.

Lone wolf Milch said...

yup sean expert ako diyan sa asian movies

sa japanese movies maganda yung waterboys, the handsome suit, mezon de himiko (about golden gays)

sa korean, my wife is gangster, no regrets, lovers vanished,

pwede mo siya panoorin dito www.mysoju.com

Sean said...

@ hard : uy salamat sa mga recommendations at sa link na binigay mo :)

hard.ass.kisser said...

ateh sean... super relate naman ako sa sinulat mo...
feeling ko nasa quarter-life crisis ako.
swak na swak talaga ang mga katagang
"malayo na rin ang nilakbay, pero andito pa rin"
kelangan na yatang pumasok sa loob ng jeep at palitan si manong driver. sa gayon ay tugma ang landas na iyong tatahakin at di lang nakaasa sa iba.
i thank you bow!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...