Sunday, May 8, 2011

Bulong


Gusto sana kitang bilhan ng isang dosenang bulaklak. Kahit na mahal. Kahit na hindi ka mahilig dito. At mag-iipit ako ng isang sweet na love note para sa iyo. Sasamahan ko na rin ng tissue, dahil tulad ko, mababaw ang luha mo.

Bibili rin tayo ng magarang damit, at dadaan sa suki mong parlor. Para maganda ka pag tayo'y namasyal. Ipagmamaneho kita buong araw, at tayo'y o-order sa mga paborito mong kainan. Kahit na mga bawal sa iyo, di kita pipigilan.

Mamamakyaw tayo ng mga pasalubong sa mga apong spoiled sa iyo. Bibisita rin tayo kina Tita, dahil siguradong nami-miss ka na niya. At bago umuwi, dadalaw tayo kay Papa para mag-alay ng dasal.

Kaya Ma, sana nama'y makabangon ka na. Mamulat na'ng iyong mga mata. Maramdaman kong muli ang iyong haplos. Mapakinggan ang iyong tawa. Sa kabila ng matagal mong pagkakaidlip, sana'y naririnig mo pa rin ako. Nakikilala.

Andito lang ako. Naghihintay.

photo credit: flickr - atilay

14 comments:

Juan der Last said...

Happy Mama's Day, Papa Sean! I'll pray for your mom today. :)

Mr. G said...

O dear! Naiiyak na naman ako...

Kyle said...

naiiyak na ko... :'(

RJ said...

:((

Sean said...

@juan der last: thanks for the prayers juan. happy mother's day to your mom as well.

@mr. g: hi mr. g. welcome back!

@kyle: sad nga...

@rj: :'(

Louie said...

This is very touching Sean, naluha ako. Iba talaga ang epekto sa akin pag nanay na pinaguusapan.

Happy Mother's day to your mom.

Nimmy said...

Napaiyak mo nanaman ako ading...

Kiks said...

Gurl, warmest, tightest hugs to you and your Ma.

Sean said...

@louie: salamat louie. same to your mom.

@nimmy: hay ading...

@kiks: thank you sis.

Desperate Houseboy said...

syete miyo. nakakaiyak naman to. yung sa iba nangingilid lang luha ko pero eto nakapagpatulo.:(

emmanuelmateo said...

dont worry manong sean.,,everything is in Gods control.all we have to do is to trust in him. read Proverbs 3:5

green breaker said...

i believe in what the guy above me has to say.

everyday should be a day for our moms. happy mother's day to her.

daniel said...

Sweet! Happy mothers day!

Sean said...

@desperate houseboy: aww... salamat sa empathy.

@emmanuelmateo: salamat emman. oo nga, i should have more faith.

@green breaker: thanks gb. that's true, we should make it every day.

@daniel: salamat sis.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...