Saturday, February 26, 2011

Paano Nga Ba Ang Mag-Move On?


May mga pagkakataon na tumitigil ang ating mundo. Madalas dahil may nawala sa ating buhay. Pagpanaw ng minamahal, nasirang pagsasama, paglisan sa trabaho. Biglaang paglaho ng mga bagay na importante sa buhay ng isang tao. At dahil may nagbago, hindi natin alam kung paano magpapatuloy nang may kulang, at kusa na lang itong tumitigil.

Nakipag-inuman ako kagabi na puro babae ang kasama. Lahat sila'y may baong payo para sa kaibigang diniborsyo ng asawa at ngayo'y nalamang may anak na sa bago nitong pamilya:
- Try to forgive and forget. 
- Hold on to your faith, which will help you through this difficult time.
- You can move on, but you have to push yourself.
- Believe that tomorrow will be better.
- Things will get better. Iikot din ang iyong kapalaran.

Alam kong tuloy ang takbo ng buhay, at kailangang nating bumangon at sumabay. Pero tinanong ko rin ang aking sarili, paano nga ba ako dati nagsimula uli?

Noon una'y gusto ko ring burahin ang bakas ng nakaraan. Lumuhod ako at pilit itong pinunasan ng isang basahan. Ngunit di matanggal ang madilim na nakaraang nakakabit sa akin. Sinubukan kong tumakbo at magtago, pero andiyan pa rin ang aninong nakasunod sa akin.

Sinubukan ko rin itong isulat, nang ito'y aking matuldukan. Pero humaba lang nang humaba ang aking mga liham, dala ng pag-agos ng mga damdaming matagal nang pinipigilan. Kaya't ako'y kumapit sa aking pananampalataya, nang di tuluyang maanod. Pero naitanong ko rin sa aking sarili, ano nga ba ang masasalat ng aking mga palad sa pananalig na pilit kinakapitan?

At tulad nga ng sinabi nila, kailangan daw itulak ang sarili. Pero kung iisipin mo, gamit ang sariling mga braso at kamay, maari mo nga ba talagang maitulak ang iyong sarili? Humarap ako sa salamin at itinulak ang aking aninag. Pero ibinalik lang nito ang pagdiin ng aking mga bisig at mga palad.

Sinubukan kong tanawin ang bukas na may kaunting pag-asa. Pero mahirap gawin yun sa kalendaryo, kung matagal mo nang di alam kung anong araw na ngayon. Di bale, umiikot daw ang gulong ng kapalaran, kaya siguradong aangat din ako sa aking kinalalagyan. Pero gaano ba katotoo na bilog nga ang hugis nito?

Tahimik lang ako. Sa totoo lang, hindi ako magaling magpayo. Andiyan lang ako, makikinig, makikiramay, sasabayan kang uminom, sisiguruhing makakauwi ka ng bahay. Nagsalin ako ng alak sa baso ng aking kaibigan. Hindi ko maalala kung paano, pero tulad ko, alam kong darating ang araw na malalampasan rin niya ito. Ngayon, kailangan lang niya ng kaunting alak at mga karamay para sa sakit na nararamdaman.

photo credit : dongdrama.com

13 comments:

egG. said...

may naalala naman ako sa post mo na to nung panahon na ako eh sawi...

parang ang sagot eh... BAGONG MUNDO... nung panahon na yun nagkaroon ako ng bagong mundo ayun parang nabura lahat... at naging masigla ulet ako...

siguro sa ngaun kelangan mo na niyang namnamin ang lahat ng sakit/pain para kapag nakamove on na siya kailanman di na babalik yung sakit na yun kahit alalahanin pa niya....

salamat sa entry sean... hayyyy :)

Lalaking Palaban said...

Moving on doesn't have to mean that you forget the whole thing.

It is learning to live your life even if you are aching/hurting/dying. And having the courage to face each day relying on the love of other people around you.

Hindi porke wala na ang mga taong mahal natin ay titigl na tayo sa pagkain. Tatandaan lang na hindi hawak ng mga taong nanakit satin ang plato para hindi tayo makakain. May sarili kang kamay, paa at katawan para ayusin mo ang buhay mo.

Wag rin nating kalimutan ang mga taong natira na nagmamahal satin. Mga kaibigan, kamag-anak at mga unsolicited lovers.

Anonymous said...

dalawang bagay na alam ko para solusyunan ito...

...learn to let go and acceptance.

Yj said...

pagdating diyan ay wala din akong alam, bilang bilanggo parin ako ng sumpa ng nakaraan ko.

Pero tungkol sa gulong na umiikot, eto lang masasabi ko, kapag naramdaman mong nasa taas ka na, KALSUHAN na!

Lone wolf Milch said...

it really takes time to move on

and its part of it pagnagmahal siempre masasaktan ka

Noah G said...

tama si Kuya Kyle and Kuya Milch :) it takes time to let go, move on and accept things :)

Anonymous said...

napakaganda Sean. just in time sa mga nangyayare sakin ngaun! hehehe...

:)

Im moving on for a broken friendship, na ako ang nag cause. it's a 3 way action reaction pa, some close friends have broken my trust. :)

wish me luck and I know just like you said, I will learn to live and move on :)

Little Nikki said...

moving on: keep calm and take it like a champ.

masakit, pero it's a continuous learning experience for everyone. and sometimes, even the person who gives advice, needs some good advice as well. :)

Anonymous said...

hahaha apir chong ako din eh di ko alam kung nakamove on na ba ako or kung nakamove on na ano ba ang ginawa ko basta sinikmura ko lang ang pait at alam kong nahirapan ako nun pero ano ito ako ngayon masaya naman... :)

V1nC3 said...

More than the advice, I think people should really learn the fact that sometimes, when u're in trouble, all you want is for somebody to listen as you tell your story. Nothing more. And that putting the other party down doesn't really make you feel better about yourself. =) Dahil jan, gudjab ka!

Allan P said...

share ko lang yung sinabi ng isang FM DJ about moving on... Na wala naman talgang word na move-on sa love.. dahil hindi naman talaga tayo nakakalimot sa nagdaang pag-ibig/ sakit ng kahapon bagkus ay na-immune o nasasanay lang tayo sa sakit. na sa sobrang sakit ay manhid na tayo o wala na tayong nararamdaman.

kaya advice ko lang. Kung nasasaktan ka po, then show it to the world na nasasaktan ka. umiyak ka kung naiiyak ka. sumigaw ka kung gusto mong sumigaw. dahil saan pa't paroroon ay mapapagod rin tayong umiyak at masaktan.

uno said...

chong! sir sean...

this line...

"lumuhod ako at pilit kong punasan ng basahan"

wow! kakaiba chong ang agling ng atake

Sean said...

@egG: i'm glad na-overcome mo nung ikaw ang nasa mahirap na sitwasyon. thanks eg.

@lalaking palaban: thanks for this lp. oo nga, it's the people around us who will help us through our difficult times.

@kyle: that is so true sir kyle. thanks.

@yj: haha! tama nga! dapat makalsuhan habang nasa taas. hey, i hope you're ok - just read your post :(

@hard2getxxx: yeah i think we should all give it time and sooner or later ok na tayo.

@nowitzki: yeah that's true nowitzki.

@mr. chan: thank you :) hey, i hope you're ok with whatever's happening between you and your friends. i hope things work out for the best. take care mr. chan.

@nikki: yeah, that's true. haha oo nga. minsan yung magaling mag-advice siya yung di alam ang gagawin when faced with the same situation.

@kikomaxxx: i'm glad na naka-move on ka batman and masaya na. akala ko kasi dati baka hindi pa.

@v1nc3: haha thanks. oo nga sometimes, we just need to be there.

@iamapv: that's very enlightening allan. thanks for sharing.

@uno: salamat uno hehe.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...