Thursday, February 10, 2011

Tuldok


College kami noon. Sinundo ako ng mga kabakarda sa bahay, at inabutang lasing. Dadalawin daw namin si JR, isang matalik na kaibigan mula pagkabata. Malapit siya sa maraming tao dahil siya ang peer counselor ng batch namin. At sa tulad kong problemado sa pamilya at maagang nalulong sa bisyo, suki ako ng lahat ng uri ng counselling sa paaralan.

"Bili tayo ng prutas para sa kanya," sabi ko sa nagmamaneho. Walang kumibo. Nagkibit balikat ako at umidlip sandali upang mawala ang tama. Umabot kami ng Araneta at ipinarada ang sasakyan. Nakita ko ang pangalan niya sa talaan sa labas. Baka tatay niya kako, tutal Junior siya. Sumunod kami sa maikling linya at inakbayan ako ng aking best friend.

Dumungaw ako sa munting bintana ng kahong nakapagitna at nagulat. Napa-ungol daw ako nang napakalakas bago nahandusay, pero di ko ito maalala. Iilan lang din ang natatandaan ko. Si JR, baril, sarili, ulo, sa kwarto. Hindi alam ng pamilya kung bakit.

Malungkot isipin na marami siyang natulungan, pero di niya kinaya ang sariling dinadala. Masakit na hindi namin nalaman na meron siyang problema. Na hindi namin siya nadamayan. Ilang araw na puno ang punerarya ng mga kaibigan at pamilya. Hindi dapat ikinamamatay ng sino man ang pag-iisa.

photo credit : bilerico.com

- Posted using BlogPress from my iPad

33 comments:

Anonymous said...

:'(

kuya sean napansin ko din iyon. kung sino pa ang magaling at takbuhan ng lahat ay siya yung may problemang malaki.

may naalala akong taong malapit sa akin dati...

Aris said...

nakakalungkot naman. *sigh!*

TAMBAY said...

hindi solusyon ang pagkitil ng sarili sa ano mang problema. hindi ito maituturing na katapangan bagkus karuwagan. walang karapatan ang sinuman na kumitil ng buhay maging ito ay sarili.

ang tao puno ng problema. ang iniisip ay problema, hindi ang solusyon.

mapalad pa din tayo kesa iba na mas mabigat ang problemang dinadala..

gandang araw parekoy.. galing ng post po..

Lone wolf Milch said...

so depressing oh well kahit si gen reyes nga eh nagsuicide din

pero based sa ating religion bawal ang magpakamatay

Leo said...

so sad... :(

my-so-called-Quest said...

this is sad.

i remember yesterday's homily from novena. the priest said. "what defies us, are not the things that we take in but the things that comes out from our mouth and the things we do for others."

let's include him in our prayers later.

Yj said...

as i have said,

we all carry our own hell.

:(

SweetIsh said...

ang sad naman.... :(

naalala ko everytime nakakarinig ako na may nagsu2icide... iniisip ko palagi na sana andun ako...kahit hindi ko siya kakilala kasi everytime na depressed ang isang tao kailangan nya ng kausap at feeling ko naman maco2mfort ko siya and magagamit ko ang pagiging "little miss psychology ko"...

egG. said...

ang sad naman neto...

naaalala ko tuloy dati nung depressed ako gusto ko din pakamatay... pero naisip ko na wag na lang.. ibaling ko na lang sa ibat ibang bagay atensyon ko...

anyway hi-way... dapat talaga nilalabas talaga naten ang sama ng loob di yung puro kimkim...

la lang.. comment lang...

c - e - i - b - o - h said...

aawww...

:(

Ms. Chuniverse said...

nakaka-relate ako...

VICTOR said...

"Hindi dapat ikinamamatay ng sino man ang pag-iisa." Very beautifully said. I think you should write more in Filipino. :)

nyabach0i said...

naiintindihan ko siya. ganun talaga. may mga bagay talaga na mahirap iexplain. basta. haaay. nalungkot ako. kelangan ko ng gwapo ngayon na.

eMPi said...

Hindi niya siguro nakayanan kung ano man yong dinadala niya.
Sigh!

Xprosaic said...

Aw! Sapul ako dun ah... siguro kasi madalas kang tinatanungan ng mga problema ng iba pero sarili mong problema wala kang mahingahan...

May naalala ako sa pic na yan... nakita ko na rin yan somewhere... hehehehhe

Anonymous said...

base on my experience char... wahehhe katulad din natin ang mga counselors kahit sa tingin nating kaya nila ang mga prob nila kasi ang galing nilang mag-advise pero they too need advises... kakalungkot...

Nimmy said...

awwwwwwwwwwwww :(

yan ang mahirap kapag nasa loob ang kulo. tsk tsk tsk

Unknown said...

sad story, bakit nga ba ganun mdaling magadvise sa ibang tao pero di mai-apply sa sarili

uno said...

haaaay minsan tlga kung sino pa yung akala natin eh kayang kaya ang laht yun pala ang unang bibigay

Kapitan Potpot said...

May isang kaibigan din na eksperto sa larangan ng buhay ang muntikan ng kitilin ang sariling buhay. Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang madalas nating makitang matapang sa laban ng buhay ang siyang unang bumibigay.

Nawa'y mahanap niya ang kapayapaan. :(

red the mod said...

My ex-bestfriend tried to kill himself before. Thrice.

I was unraveling from the paranoia and trauma it brought me. But later on realized, putting what he went through in context, his reasons for trying to take his own life was trivial and superficial compared to the tribulations I went through.

And I never considered suicide.

Down the line, its a matter of strength of character, and a good support system (i.e friends, family, counseling, what-have-you). We have to choose to transcend the problem, distance ourselves so we can make sense of things. Being knee-deep in depression is a spiraling threat.

By the way, the Catholic church looks down upon suicides. Those who commit this are refused to be given the last sacrament, and is expected to fall into the middle ring of the Seventh Circle (Circle of the Violent).

I, however, am agnostic. :)

Maldito said...

nalungkot ako...

kaya nga tumigil na ako sa pagtratrabaho bilang support group..

hindi madali ang tumulong sa problema ng iba..

bien said...

sad.

"suicide is a permanent solution to a temporary problem"p.donahue

and congratulations sa iPad. ang taray. wala lang. maiba lang. depressing kasi tong entry

Anonymous said...

This is very tragic...

kalimitan kasi kapag ikaw yung nilalapitan ng lahat, hindi na iniisip ng ibang tao na may sarili ding mga problema yung taong tinutulungan nila. kailangan lahat in moderation and if you're truly a friend, you would somehow show concern and care. :)

sobrang nakakarelate ako :)

emmanuelmateo said...

ganyan po yung couzin ko,mapagparaya siya.inuuna niya kami kesa sa sarili pero namatay siya way back 2009.

Sean said...

@kyle: sad no sir kyle? bakit nga madalas na ganun?

@aris: hay oo nga...

@istambay: galing mo talagang magpayo parekoy. gandang umaga din sa iyo. salamat!

@hard2getxxx: yah nabasa ko nga yung suicide niya kaya naalala ko yung kaibigan ko.

@leo: yeah :(

@my-so-called-quest: that's nice, doc ced. thanks for including him in your prayers.

@yj: i agree :(

@sweetish: yeah if only we can always be there for them no?

@egG: dapat nga ilabas o pag-usapan para di kinikimkim. eg wag ka nang mag-isip ng ganun. i-blog mo na lang ang feelings mo. andami namin ditong makikinig.

@ceiboh: :(

@victor: thanks for the compliment victor! :)

@nyabach0i: hahaha! tara rampa na tayo sis! humanda sila!

@empi: yeah ang hirap no?

@xprosaic:oo nga parang mas feeling alone ka kung ganun ano? hehe sa google ko lang nakuha yan.

@kikomaxxx: kakalungkot nga. and aba ikaw na ang experienced!

@nimmy: oo nga dapat ilabas!

@keatondrunk: yah madalas nga ganun di ko alam kung bakit.

@louie: oo nga. i think siguro dahil di na sila objective dahil malapit sila sa sitwasyon. thanks louie.

@red the mod: omg! that must have been hard on you. certain people tend to magnify their problems without realizing it because they are too close to it and lose objectivity. i believe more in God's goodness over what the church says. :)

@maldito: mahirap nga dahil minsan nadadala mo pag-uwi.

@orally: sad but true yang quote. natawa naman ako sa ipad comment haha. nakikigamit lang sa asawa ko. bobo kasi ako sa gadgets at tini-train niya ako haha.

@mr. chan: yeah mahirap nga kung ikaw ang puntahan ng mga tao. siguro in your case mr. chan mabait ka and magaling magpayo hehe.

@emmanuelmateo: sad. condolence sa cousin mo emman.

red the mod said...

It was. Later on, I realized he was a social vampire, feeding off my own positivism. It was depressing. I agree, on believing in God's goodness and greatness, but not necessarily the church's. There is a difference between religiosity and spirituality. And a world of difference between agnostic and atheistic. :)

Allan P said...

nakaka-sad naman...
bakit kaya ganun, kapag sa iba ang galing-galing natin magbigay ng advice o mag-solve ng problema pero 'pag tayo na ang tinamaan ng problema...nawiwindang na tayo.

wanderingcommuter said...

you never fail to make me think in every last line of y our entry...

condolences...

Kiks said...

maganda ang pagkakasulat. tagalog. maiksi pero swak sa panlasa.

natigatig ako. pero ayokong malungkot. ikalawang blogpost ito sa araw na to na magpapalungkot sa akin.

ayokong malungkot.

at dahil don, masaya ako. masaya kasi me bagong blog na naman akong mababasa. blog ng isang taong hindi hubad na torso ang nakalagay sa profile.

Sean said...

@red the mod: positivism usually helps dispel negativism in others, but at times can pollute the former. you really have a good way of expressing things, red. i agree that agnostic is not equivalent to atheistic. :)

@iamAPv: oo nga. siguro for some people madaling tumulong pero mahirap humingi ng tulong.

@wandering commuter: thanks ewik!

@kiks: salamat kiks. haha! pareho nga tayong animation ang avatar eh.

Jag said...

Tragic...so sad...ang bigat sa pakiramdam...if we are contemplating a difficult problem, suicide is not the answer...

Kung nasaan man xa ngayon sana mapayapa na siya... :(

Sean said...

@jag: that's true. it's also cruel to the people who love you. sana nga mapayapa na siya. thanks jag!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...