Tuesday, February 8, 2011
Isang Ordinaryong Araw
Buong araw kaming magkasamang dalawa. Walang plano. Naglakad lang mula sa bahay hanggang kung saan man kami mapadpad. Masayang pinagsasaluhan ang araw, habang nagkukuwentuhan.
Marami ang nag-iisip kung ano ba ang kahihinatnan sa isang pagsasamang katulad ng sa amin. May mga nagsasabing hindi daw nagtatagal ang relasyon ng dalawang lalake. Walang kasal na maaaring maganap. Di rin ito mabibiyayaan ng anak. Parehong basbas na posibleng higit daw na magbibigkis sa dalawa, at siyang maaaring sumagip sa isang relasyon kung ito'y manghina.
Ngunit ang kasal o pag-aanak ba ang siyang layunin ng isang pagsasama? O di kaya'y mga milyahe lamang na maaaring hintuan ng dalawang sabay na naglalakbay? Na may mga basbas man o wala, ang tanging maiiwang naglalakad nang magkasama sa dapit-hapon ay ang dalawang tumulak noong umaga.
Saan nga ba papunta ang mga katulad namin? May nakakaalam ba? Bakit hindi na lang masayang pagsaluhan ang bawat araw, habang nagkukuwentuhan. Hanggang isang araw, malalaman niyo na lang sa inyong paglingon na malayo na pala ang inyong narating.
photo credit : jonathanorbuda.blogspot.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
33 comments:
"Bakit hindi na lang masayang pagsaluhan ang bawat araw, habang nagkukuwentuhan. Hanggang isang araw, malalaman niyo na lang sa inyong paglingon na malayo na pala ang inyong narating"
isang malaking LIKE!!! sayang walang like button...
enjoy enjoy enjoy!!!! buti ka pa me kasama ka palage hahaha.. basta enjoy phooowwwzzzzzzzz... :D
super like sino yung nasa picture?
super like sino yung nasa picture?
uu nga sean. sino yung nasa picture... ask ko din..
@egG: hahaha! thank you sa pagpindot ng imaginary LIKE button :)
@marhk: salamat din. sina chaiwat tongsang and rattaballung toesawat yung nasa picture. sila yung actors sa bangkok love story.
wow nice. naging ganon din ang aking pananaw. i mean, halos lahat ng tao iyon ang nakikita nilang kahalagahan, ang magkaroon ng pamilya, anak, kasal, etc. pero kahit nga straight relationships ay nasisira, nabubuwag.
iyon ba ang ideal?
pero pareho lang naman e. ang pagkakaiba nga lang pareho kayong lalaki or parehong babae. iisa parin ang bottomline, kundi yung pag-ibig niyo sa isa't-isa. kung paano kayo magtatagal.
hindi lang kasi mulat ang ibang tao sa nangyayari sa kanilang paligid.
ang sweet naman ng post na to..minsan mas masaya nga na din magplano, i-enjoy lang ang bawat araw..
as long as you have each other... i think that's all that matters. ;-)
I think... TRUE LOVE ang nagpapatagal sa isang relasyon. At hindi lang basta kasal... kasi madaming nagpapakasal na hindi naman nila mahal ang isa't isa...kaya ang ending... divorce or annulment.
I agree with MsChuni, pero Sean gusto nyo rin bang makasal? or magka-baby?
at nanikip ang dibdib ko dyan sa bangkok love story na yan
Ang mahalaga, kasama niyo ang isat isa. sweet. :)
haaaaay lahat nm tayo tinatanong ang mga bagay na yan... para anu nga ba ang nagyayri sa atin... san tayo patungo...
but what is important kung sino ung nasa tabi at the end of your journey...
sana magtagal kayo
parang up to sawa ata yan.. wahehhe.. hanggang sa magsawa.. di ko alam.. wahehhe
akala ko ikaw na yung nsa PIC! hehehe
nasa thailand ka ba? I owe u a picture frame magnet. let me know where to send it with my love note! LOL
Enjoy your life Sean! :D
oh shoot! I just got goosebumps - the nice kind of goosebumps.
I like the lines "Saan nga ba papunta ang mga katulad namin? May nakakaalam ba? Bakit hindi na lang masayang pagsaluhan ang bawat araw, habang nagkukuwentuhan. Hanggang isang araw, malalaman niyo na lang sa inyong paglingon na malayo na pala ang inyong narating."
Hits a mark in my heart...
BRAVO ading! BRAVO!!!!! :D
bangkok love story ung pic dibey???
Aww, sweet! I always tell my peeps, love is universal. Sexual preference is not important, it doesn't matter. Like yer post so much! :D
wla nga nakakaalam ng hinaharap,so enjoy nalang kung ano ang anjan ngayon...
sana magtagal pa kayo at sana di na ako mainggit sa inyo~choz!
siguro may kanikanyang layunin ang bawat pagsasama, sa mag-asawa, maaring anak ang kanilang layunin.. isa yan syempre, sa magkasintahan, ang sila'y makasal. sa relasyon ng babae sa babae at lalaki sa lalaki, nalalayon din naman yan syempre ng ganon.. pero imposible diba? pero importante pa ba yun, sa ganang sakin, mas importante ang bukal na pagibig na nararamdaman ng bawat isa..
:)
pag ganito naman ang binabasa ko, sus parang ang sarap sarap mainlove nag paulit-ulit...i-Enjoy lang bawat sandali...
SO TRUE! kahit kailan hindi dapat maging measurable ang love. as long as na masya kayo at nandun yung commitment niu sa isat isa yun ang importante.. :)
may mga straight couples nga na walang anak
pero sa ngayon may countries that allow gay marriage and may countries din na nagallow ng child adoption sa gay couples.
ang importante eh masaya ka and your lucky sean kasi may minamahal ka and complete ang valentines mo.
bangkok love story pala yung nasa pic. di ko nakilala.... pero i hate dat movie... ang saklap nun ending... ayun di ko na pinanuod ulet.....
sarap naman mainlove... kaso di ko na yan mararanasan pa everrrrr.... youre lucky sean :D
sensya na dami kong comment sa post mo hehehe :)
OWVER! pwede ko tong e relate sa kaibigan kong nagmamahal ng kapwa niya babae. tsk tsk
@kyle: salamat :) wow sir kyle mukhang expert kayo ah. pag kailangan ko ng advice lalapitan ko kayo.
@zaizai: oo nga tutal lifa always surprises us naman.
@ms. chuniverse: aww...thanks ms. chuni! pag may nakikita akong naka motorsiklo, ewan pero ikaw ang naaalala ko.
@iamAPv: tingin ko rin. ikaw ang bata bata mo pa ang dami mong alam ha. joke!
@orally: baby hindi talaga. kasal, dati minsan naiisip pero hindi naman kailangan. oo nga bien naiyak ako diyan sa movie.
@desperate houseboy: thanks dhouseboy :)
@uno: oo nga tama ka na mas importante yung biyahe. salamat!
@kikomaxxx: hahaha! oo nga pangmatagalan.
@mr. chan: may hawig hahaha! wow ikaw na ang pangalawa kay will as galanteng blogger. sige will visit your blog again to check. salamat!
@iurico: wow goosebumps! buti kinlaro mo na good kind at hindi dahil sa kilabot haha. na-touch naman ako sa comment mo, thanks!
@nimmy: hi ading. salamat. yup galing nga sa bangkok love story.
@iprovoked: yah love is universal. thanks you!
@mac callister: naku salamat mac. haha wag nang mainggit dahil darating din yan!
@istambay: banjo ang galing mo talaga mag-isip. salamat!
@bleeding angel: haha dala na rin ng season of the month.
@sweetish: yeah you're right. kahit wala yung traditional things like papel at anak, happy and committed naman kami sa isat isa.
@hard2getxxx: makapag-migrate na nga dun haha! thanks papa hard. may ilang araw pa para humabol hehe.
@egG: yah ang sad nung movie no? bakit naman di mo mararanasan ever? i'm sure darating yan. thanks and lagi ko na-appreciate mga comments sobra! salamat!!!
@ester yaje: haha oo nga makaka-relate siya diyan. good luck sa studies at job hunting ester!
nga pala reto ko lang sayo.. yung ETERNAL SUMMER... super favorite ko kasi yung movie na yon...
baka kasi di mo pa napapanuod... one of da besstttt :D
-----
ah basta d ko na mararanasan ang love.. basta enjoy ko na lang buhay ko eh hehehe :D
dami ko ng comment.. kakahiya naaaa...
@egG: uy tamang tama kasi kakatapos ko lang i-download ito. kino-convert ko lang yung format para mapanood ko tonight. salamat sa recommendation. comment ka lang kasi i appreciate it :)
haha! naririnig ko lang po sa matatanda. :)
siya po ba yung ksama nio nun..lam mo po ramdam ko rin yan lalo na sa binanggit mo sa huli.
ang mahalaga, minamahal at nagmamahal. wala talagang makapagsasabi kung ano ang tama at mali kung walang lubos na pag-unawa. :)
@iamAPv: hahaha! joke lang!
@emmanuelmateo: matagal na kaming nagsasama emman :)
@aris: oo nga aris. salamat! :)
sana nga... sya nawa.
sana nga... sya nawa.
Post a Comment