Monday, January 17, 2011
Hosto
Habang humihithit ng sigarilyo, naalala ko nung ako ang pinakamabentang hosto sa isang klab na nagpapanggap na malaking kumpanya sa may Ayala. Sapat ang kita, at masaya naman sa aking ginagawa. Araw araw na paglalandi sa mga parokyano, pagsasalsal ng utak sa harap ng kompyuter, at pakikipagkantutan sa mga katrabaho para makabuo ng mga solusyong kinakailangan.
Nagbago ang lahat nang ipinamana ako ng dati kong bugaw sa iba. Hindi maganda ang samahan namin ng bagong bugaw. Bawat salitang bitawan niya ay pang-iinsulto sa aking dangal. Galing sa basang dilang walang sawa sa pagsibasib sa aking tenga at nag-iiwan ng panis na laway sa aking pagkatao.
Araw araw kung ako'y kaniyang halayin. Luhod, bukaka, tuwad at tambling ay ginawa ko nang lahat, pero sa kaniya ay kulang pa rin. Maraming beses din akong tumayo at lumaban, ngunit unti-unti pa ring nagupo ang aking kalooban. Kasabay nito ay ang paglamlam ng dati kong angking kinang.
Tuwing katapusan, aking binibilang ang sweldong tumutustos sa pangangailangan ng katawan. Perang katumbas ng nawawalang respeto sa sarili at katinuan. Marangal nga ang aking trabaho, pero ganito ang aking pakiramdam.
Huling hithit bago ko tinapakan ang sindi ng upos ng sigarilyo. Hinubad ko ang aking kurbata at ipinalit ang natitirang puri. Nagsimula akong lumakad papalayo sa anino ng mga naglalakihang gusali upang hanapin ang aking sarili.
photcredit : bedstory.blogspot.com
Labels:
how i became a housewife,
work
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
34 comments:
nice one Sean. Naramdaman ko din yan dati. At least nakahinga ka na ng maluwag. Magfull time housewife na lang kaya tayu? este full time houseboy :) Mwah
Ito ang maaring buhay na aking kakaharapin sa mga susunod na buwan...
There's a poignant realism to this entry, like a memory of a not-so-long-ago pain. Disappointment brewing from a life of routinary exhaustion, devoid of meaning and satisfaction. I'm sure you're in a better place now.
There are nights, too often to enumerate, that I emphatise with the very same sentiment. Piquant, and haunting. Not for what it represents, but for the fact that tomorrow only promises the same.
You have a gift Sean, of vividly distilling meaning into such quotidian language.
*stunned: ang galing.
susundan ko ang iyong kuwento, sa'n ka man tangayin ng hangin. :)
paano ba ako magkokoment dito?hahaha di pa ako nagiging bugaw e.hahaha joke.
tama okay na naman kayo ngayon di ba? :)
you alright sean?
:?
Mahirap talaga maging hosto. Pero mas maganda kung nagdialog ka kay boss na..
"Serbisyo ko lang ang binabayaran mo, hindi ang pagkatao ko! I'm fired!"
hahaha i fire daw ba ang sarili? sabay walk out. hehehehe..
good atleast you decide na bago mawalan ng dignidad eh umalis nalang... hahah at weee parang sa kababasa ko sa mga patalinghagnag post mo chong unti-unti ako nakakaintindi..w ahehehe
ganda ng neck tie :)
ganda ng pagkaka kwento mo..
love ett!
bakit ganun tumutugtog ang bed of roses habang binabasa ko to? hehe. ang galing mo magsulat ateng! haylavit!
before anything else... congrats i know your happy now...
and more blessing to come... i know makakahanap ka pa ng ibang work...
i was moved! ramdam ko bawat salita ng pos mo... :(
nakaagulat ang mga terminology!hahaha
di ako maka salita!LOL
pero buti nalang you're leading a new life now..and goodluck.
nakarelat ako bigla hahaha
hmmm. am speechless.
pero magaling pa rin. You have succeeded in relating your sincerest remarks about this matter :)
nung nagdecide ka na tumalikod upang lumayo, giant step na yun in redeeming yourself. hanga ako sa mga taong katulad mo sean :) humahanga talaga ako...
teh, nakikiuso sa award award. eto ang sayo. http://nyabach0i.blogspot.com/2011/01/award.html
may kahawig yan sa buhay ng aking kumpanya, ibinubugaw ng sariling anak.. tsk tsk...
ang lalim parekoy...
And this week's episode ay pinamagatang... Kinantot ng Tadhana... hehehe...
how you present reality is just way way beyond description....
sa wakas nakadalaw ulit ako dito... at mamaya ay babalik, pasok muna ako sa eskwela at baka matutunan ko kung pano magsulat gaya mo... yaiy
di ko nagets ang lalim... akala ko about HOSTO talaga yun pala about sa work..
matalinhaga ka sean... basahin ko ulet :)
@ desperate : haha oo fulltime housewife ako ngayon
@ mugen : baka magkita tayo diyan sa tabi-tabi :)
@ red the mod : yes i feel better now. awww, thanks red for the kind words :)
@ alter : maraming salamat :)
@ kyle : ok naman ako ngayon, salamat.
@ theo : i'm ok naman, thanks
@ nielz : haha parang ganun na nga nangyari. talagang may walk out hehe.
@ kiko : wow ang galeng naman ng batman hehe.
@ adang : salamat sa pagdalaw. naku ser, hindi nyo ata expected na ganito itong blog na ito hehe.
@ russ : thank you ser :)
@ nyabach0i : mas bagay ang bed of roses pag suot ko ang aking pekpek shorts at cowboy boots.
@ uno : maraming salamat sa good wishes.
@ mac : haha napipi ka dyan. salamat mac.
@ conio : sa trabaho o sa kahalayan. from your entries, pareho haha. wish you well din.
@ nowitzki : thanks ;)
@ nyabach0i : uy namaaan! congrats and salamat ha! naglakad ka ba sa stage suot ang iyong korona habang kumakaway kaway sa aming mga fans mo?
@ istambay : naku baka dati tayong magkasama sa trabaho.
@ glentot : comedy ka talaga glenn. I lavveeet!
@ yj : salamat sa pagdalaw, and thanks for the kind words :)
@ egG : hahaha! nakuha mo naman pala eh pero sige isang basa pa chong.
napakahusay ng wika at pili ng mga salita!!!
indeed a piece! kudos!
shiyet. mali pala ako ng interpretation. ako literal na hosto ka sean. tungkol pala sa work. tsss.
ikaw na! ikaw na ang magaling sa talinghaga! ahaha! sa pangalawang basa ko ako mas humanga! XD
ang ganda naman ng job na yan kung puro kaputahan at kahalayan ang ginagawa..joke lang.ahaha..
burnt out na? I can feel you..yan din ang reason bakit ako magreresign.ahehehe
PS: Hindi pa ba tapos ang new post? nakita ko kasi sa google reader ko..pero putol.
idol, nagback-read ako ng mga posts mo from last week... i can't help but be amazed and be moved by all entries. ang galing galing mo talaga... paturo naman! hehe.
take care always. :)
@ wandering : wow maraming salamat sir :)
@ nowitzki : haha! salamat ulit :)
@ maldito : ngek nagloloko keyboard ko at na-post ito by accident sorry. just posted another one.
@ leo : ay hehehe salamat. take care din, leo.
uhm, ano ung "hosto"?
sensya...ngayon ko lang nakaenkwentro ung salita... at sa pagkakasulat at pagkakalarawan mo e di ko alam kung figurative lang ba o literal. :|
this post is written with wit, passion and i can imagine how u've been in the past! :)
ang tagal ko na rin binabalak tumigil at baguhin ang landas na tinatakbo ko. wala lang akong lakas ng loob.
@ viktor : siya yung lalakeng counterpart ng isang babaeng hostess na inalalako ang sarili. figuratively lang naman pero baka di ka mag-agree hehe
@ mr. chan : thank you :)
@ carlo : ako rin matagal nag-ipon ng lakas ng loob hanggang bigla na lang akong sumabog
akala ko ibang lengwahe. iba ang dating ng pananagalog mo. nasa galing ng nagsusulat lang talaga.
wow your blog was nice...
hosto = lalaking hostess. as defined,
Machos vs Hostos
hindi naman talaga sila nakikipag kantutan sa customer. entertainment value lang. hehe.
i also thought literal na hosto ka. =)
GB Goer
http://machosandhostos.blogspot.com
Post a Comment