Monday, February 7, 2011

Ideal Man


Meron ka bang ideal man? Yung naiisip mong tipo ng taong makakasama mo habambuhay? Nung binata pa ako, ang gusto kong mapangasawa ay gwapo at mabait. Simple lang ang aking standards, kasi sa tingin ko noon, ito lang ang importante. Yung "mabait", naririnig ko sa mga pangaral ng  aking auntie sa mga nakatatandang pinsan ko. Yung "gwapo", aba mangangarap ka na rin lang, bakit naman yung chaka pa.

Tuwing dumadaan ako sa isang relasyon, may mga nadadagdag na criteria. Dapat yung hindi ako lolokohin, may respeto sa akin, totoong magmahal, priority ako, hindi nakakasakal ang pagkaseloso, kayang maging masaya sa aking personal na paglago. Naku medyo mahaba ang listahan ng mga nadagdag na katangian, mga sangkap na kinulang sa mga naging matabang na pagsasama.

Eksakto ba sa aking ideal man ang aking napangasawa? Meron din namang pagkukulang. Kapos siya ng ilang inches... sa height. Hindi siya kasing-gwapo ni Takeshi Kaneshiro. Isa lang ang kaniyang ab. Lahat, mga bagay na hindi pala ganun ka-importante sa akin. Sa amin.

Sa katunayan, habang tumatagal ang aming pagsasama, marami akong nakikitang katangian sa kaniya na dapat matagal ko nang hinanap sa isang ulirang asawa. At ang mga katangiang hinahanap ko ay yumabong na rin pala sa aking sarili. Nang dahil sa kaniya, at sa kagustuhang pagtibayin ang aming pagsasama, ako man ay naging ang huwarang ako.

photo credit: ah-utt.blogspot.com
  

33 comments:

Mac Callister said...

sweet!!! maganda yan, may magagandang influences kayo sa isat isa

iurico said...

ayiiiiii, isa na rin ito sa mga sinusubaybayan kong lovelife. hahaha

ang sweet ng "isa lang ang ab." hahaha

uno said...

haaaaaay... lahat nmn tayo may sariling standards tlgang sa pag ibig wala talga hehehe

nyabach0i said...

ang gwapo nung nasa picture! pwedeng isama sa nakakabading list! woohoo!

Anonymous said...

hindi ako makarelate kasi ako kasi ang ideal man ko.. hahhaa... narcissism.. hahha joke lang chong...

Anonymous said...

ibang-iba ang ideal man ko sa asawa ko ngayon. but who cares? ganon yata talaga mr. sean. in my case, nagbago ang pananaw ko when i met my asawa. ganon yata talaga pag mahal mo ang isang tao. "screw standards, i love him so damn much."

Mugen said...

Kilala ako bilang isang mandirigma sa larangan ng kariran. Akala ng mga hindi tunay na nakakakilala sa akin ay sobrang taas ng aking standards. Samantalang ang mga nakakainuman ko naman ay nagsasabing taasan ko naman daw ang standards ko.

Either way, ano man ang dikta ng labi, wala itong panama kapag puso na ang nagsalita.

Isa sa aking binitawang proklamasyon ay hindi ako makikipagrelasyon sa isang mas bata sa akin.

Ang kinalabasan, limang taong mas bata sa akin ang aking kabiyak.

Anonymous said...

ang cute kuya sean. (wahehehe adik kuya naman ngayon, ginaya mo ako e.joke) lalo na yung "Isa lang ang kaniyang ab" dahil meron din ako nyan.hahahaha

tama yung mga nakasulat dito kuya sean. sa simula may mga bgay tayo na gusto para sa ating magiging kabiyak, ngunit sa paglaon ng panahon natututo talaga tayo sa mga bagay na mas higit nating kailangan.

minsan di natin maiiwasan ang hanapin ang mga bagay na magpapabusog lamang sa ating mga paningin, kundi yung mga bagay na magpapabusog sa ating puso.

tulad mo, isa lang naman ang gusto ko, ang makahanap ng isang taong magiging masaya ako at huwaran para sa kanya.

gaganda ng entries nyo ngayon, pati kay boss suplado ganda din. nagpasaya sa madaling-araw kong matamlay. bwahahaha drama much.LOL

Ms. Chuniverse said...

Pag pag-ibig na ang nag dikta, nasisira na talaga ang standards.

Pero aanhin mo naman ang standards, kung hindi mo naman mahal.

Kaya paging Derek Ramsey, kahit hindi ka pasado sa standards ko. Tanggap na kita... kasi mahal na kita. char.

Bleeding Angel said...

this post makes me want to fall in love again harharhar!

NOX said...

hay

long-term relationship

buti pa kayo merun nyan

=(

Kapitan Potpot said...

Minsan, may mga bagay tayo na gusto. Na kahit wala sa karelasyon natin ay nasusuklian ng ilang magagandang bagay na mas mainam pa sa kung ano ang hinahanap natin.

Kinilig ako sa deskripsyon mo sa asawa mo. Nagbabasa ba sya ng blog mo? Naku matutuwa siguro siya kung mababasa niya to. Ang tunay na pag-ibig nga naman. :)

Lone wolf Milch said...

kaya nga may tinatawag na unconditional love eh.

you accept the person sa mga shortcummings niya at weaknesses kasi mahal mo siya


speaking of Takeshi Kaneshiro single pa rin siya hanggang ngayon hahahha

TAMBAY said...

ung hinahangaan mo, ginagaya mo.. ganda yan.. ako walang ideal man.. kasi aako ang ideal nila. ahehehe joke lang.. napakalaking joke.. :)

my meanong ito.. :)

Yj said...

letse... lalo akong na pressure... magbabalentayms na...

puro kakesuhan na ang mga posts na nababasa ko...

pero ang ideal man ko ay si:

http://boyacads.blogspot.com

ahahahahahaha hang kyut niya noh?

SweetIsh said...

ang cute sean!!!! ako rin naalala ko standards ko ideal guy ko rin pero as time goes by nagiiba yung standards ko... mas nung gradeschool ako and highschool mas more on physical attributes pero ngaun hindi na... siguro nga sa umpisa ganun lang talaga yun.. :)

Anonymous said...

mabuti at natagpuan mo na sha :)

egG. said...

ideal man ko??? wala... kasi sa panaginip ko lang yun makikita lol hahaha :D

anyway highway... buti at OK kayo ng asawa mo at tanggap na tanggap nyo ang isa't isa (strength/weaknesses) ... kaya dapat mahalin nyo ang isat isa at magpakarami hehehe peace brad!!! hahaha :D

red the mod said...

As I have said countless times before, you can never be perfect for someone, but you can be perfect for each other. We define our own parameters, and like all human constructs, it is subject to interpretation. And, alteration.

There is perfection is love, and when it is real, everything else seems to be just that, perfect. Great post, as usual. :)

Anonymous said...

At my age (40), I have no "ideal man". Kahit sino na lang, basta may dumating, haha. I have never had a bf. Mahiyan kasi, and not in the open.

But, wamm, out of the blue, dumating eh. Yummy -- sa height, sa body, sa butt (haha)...pero, I am 20 years older!! But we don't look like father and son naman. More like a kuya-bunso.

He is ok with the age gap. Ako naman ngayon ang nagdadalawang isip.

Is there any "future" in this May-August (hehe) affair?

Guyrony said...

Everyone has ideals.

This is what makes us a person worthy of loving and worthy to be loved.

I am glad you found yours.

Sean said...

@mac callister: oo nga. sobrang dami kong natutunan at natututunan sa kaniya at sa aming dalawa.

@iurico: hahaha! baka ma-preysyur ang mga sinusubaybayan mo. isang malaking ab hahaha!

@uno: oo nga di naman natin napipili kung kanino tayo magfo-fall di ba?

@nyabachoi: can you believe 1973 siya pinanganak? siya si utt panichkul from thailand. feeling ko maraming gustong magpa-utt-utt sa kaniya. ang wafu!

@kikomaxxx: hahaha! sige pag ideal woman ang post, tatanungin kita ulit.

@pipay: "screw standards, i love him so damn much" - i love this! it's so true.

@mu[g]en: oo nga standards are relative. at lagi naman tayong binubulaga ng buhay di ba mugs. aakalain mo nga ba noon na siya ang magiging iyong kabiyak? btw, ako baliktad. over 4 years older si hubby sa akin :)

@kyle: aba kuya na ako ngayon sir kyle hehe. oo nga continuous namang nafo-form ang standards natin, and i think at the end hindi naman natin talaga alam kung ano definitely yun hanggang nahanap na natin siya. deserving ka talagang manalo sa madrama award!

@ms. chuniverse: ay ang wafu niyang si derek hahaha! ang taas pala ng standards mo ha charot!

@bleeding angel: hahaha! i think bigla ka na lang mabubulaga at nandiyan na pala!

@nox: aww... darating din yan :)

@louie: naku tama nga yan louiepot kasi minsan hindi mo nga alam kung ano hinahanap mo hanggang nasa harap mo na pala. ay yung first two entries nabasa niya kaso tinukso niya ako ng sobra. he's not into blogging, facebook, etc. tinagalog ko na tuloy para di niya maintindihan, pero minsan tina-translate ko sa kaniya hehehe.

@hard2getxxx: ganun din siya sa akin. he accepts me for all my shortcomings. aba parang gusto kong karirin yang si takeshi. baka ako na lang pala ang inaantay hehehe.

@istambay: hahaha! pareho kayo ni batman. pag ideal woman pala ang pinag-uusapan, tatanungin kita ulit :)

@yj: chineck ko nga yung blog niya. cute siya bagay kayo (kahit may watermark yung mga mukha mo sa photos na nakita ko). supportive much hahaha!

@sweetish: ganoon nga ata talaga habang mas nag-mamature. pero ok din naman kung uber masculado ang kanyang katawan ahahaha!

@mr. chan: oo nga. actually sobra akong thankful :)

@egG: haha! matagal na rin kasi siguro kami kaya sobrang kabisado na namin ang isa't isa. magparami? sabagay in the spirit of the year of the rabbit...

@red the mod: i always love how you express things. thanks red!

@anonymous: hey pakilala ka sana :) i'm so happy for you! life is indeed full of surprises no? i don't think physical age matters, and what's more important is that you guys understand each other. wag -pressure ang sarili at ang relasyon. just love what you have right now. kwento mo sa amin kung may blog ka :)

@guyrony: aww, thank you G! :)

Anonymous said...

hindi naman kaya ako nagdrama sa comment ko, kuya sean.hahaha

nabasa ko comment mo kay louie, so foreigner pala yung labidabs mo?lol intsik siguro.hahaha

Sean said...

@kyle: ay pwede rin namang ilocano o chavacano siya hahaha!

bien said...

tingnan ko uli yung zodiac/ horoscope ko kung anong ideal man ko, pwede na rin sakin yung picture sa taas

Sean said...

@orally: gwapo niya kaso di ko ma-pronounce yung name niyang thai. tawagin na lang natin siyang "mahal".

Anonymous said...

hahaha talagang di pa sinabi.lol gandang tuesday kuya sean

emmanuelmateo said...

we have ol ideal man po peo bka sa ngaun ayaw pang dumating.hehe

glentot said...

Nice naman mukhang inlove ka... hehehehe...

Sean said...

@kyle: hehehe. gandang tuesday din sa iyo kyle.

@emmanuelmateo: antay antay lang emman.

@glentot: haha oo nga.

Anonymous said...

sure hihintayin ko yang post na yan..w ahehehe

Aris said...

naalala ko lang ang isang quote: "i love you not for who you are but for who i am when i am with you." or something like that. in a way relevant kasi sa post na ito. :)

Sean said...

@kikomaxxx: hahaha!

@aris: swak yang quote na yan sa post na ito! thanks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...