Tuesday, March 1, 2011
Little White Lie
Nabanggit ko dati na halos lahat ng aking ex ay naging kaibigan ko rin. Kaya't normal lang sa akin na makatanggap ng text mula sa kanila. Tulad ng aking ex na nakiusap kanina na may asikasuhin ako para sa kaniyang negosyo. Siyempre nagkuwentuhan na rin kami tungkol sa mga kapwa kakilala.
Nagtanong ang aking asawa kung sinong ka-text ko. Hindi siya selosong tao, pero natigilan ako. Dati ko kasing nabanggit na si ex ay pinsan ko. Hindi pang-uuto, ayaw ko lang maungkat ang aming nakaraan. Siguro mali at dapat ang sinabi ko'y kaibigan, pero nataranta ako. Isa siyang kink sa aking personality.
Pero dapat bang malaman ng asawa ang nakaraan ng kaniyang kabiyak? Hindi ko ugaling magtanong. Ilang din akong pag-usapan ang sino, ilan, at dahilan ng hiwalayan - akin man o kanya. Dahil siguro ayaw kong maimpluwensiyahan ng dati ang ngayon.
Itinuwid ko ang aking kasinungalingan at pigil-hiningang inantay ang bugso ng galit at paninibugho. Pero natawa lang siya at sinabing wala akong kailangang baguhin sa nakaraan. Hinarap niya ako at sinimulan naming pag-usapan ang pagtulong na aming gagawin para sa kaibigang nangangailangan.
photo credit: peterfever.com
Labels:
friendship,
love,
scheduled post
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
that's great...
sana may ganyan din akong asawa.
hehehe
speaking of ex ako din ipopost ko yung xtx nya s akin hahaha
what had happened sa uspaan nmin hahahha
napaka understanding naman nang asawa mo.. ingatan mo yan konti na lang ang ganyan.. as in sobrang RARE.
endangered specie kung baga...
hehe :)
nice one sir :)
mahalaga eh naitama :)
hay sana di ako seloso. halos iyon yung issue sakin kasi.hay
pero i think healthy din yun makakapagusap kayo about your past kahit papaano. i think makakatulong din yun sa present. tulad nalang sakin, i know seloso ako (ako na nga, payag na), gusto kong honest kasi yung partner ko pero dont judge me, hindi naman ako yung taong lahat ng bagay ay uungkatin ko sa iyo.
i know my limitations and ang tanging concern ko lang naman ay yung about saming relationship.
hay kuya sean pwede ba kitang maging guide (parang guidance councelor).hahaha
no need to lie about the past. di mo naman kelangan ikwento in advance, kapag lang lumitaw ang past, saka mo na kwento. hehehe.
Ako, kasama sa getting to know phase namin yung pagtatanung ko about:
his exes, bakit nag break, anu status nila etc
his fantasies
his sexcapades
Gusto ko kasi makita kung meron bang "trending" kumbaga. Gusto ko lang din maging comfortable na alam ko na yung mga ganung bagay at makita kong talagang naka move on ka na din
me too im friends with all my ex
una sa lahat, ang macho ng nasa picture..hehe
hindi lahat ng ex ko ay friends ko, un iba galit sa akin till now, pero naiitindihan ko...hehe..swerte ka understanding ang asawa mo, parang ako, sobrang understanding ang asawa ko..
hindi ako nagkukwento ng past ko sa kanya..hehe...i leave it all behind. hindi ko rin siya tinatanonng about past niya. quits lang, sa tingin ko mas maganda un.
@uno: thanks uno. look forward to your post regarding your ex's text hehe.
@shenanigans: yeah mabait talaga siya. ako nga naiinis minsan kasi walang jealous bone at all haha.
@desperate houseboy: thanks dhouseboy. oo nga naitama rin.
@kyle: seloso ka pala sir. pareho tayo kaya wala akong karapatan maging guidance counselor hahaha! salamat sa mga insights. ikaw ata dapat ang mag-counsel sa akin hehe.
@jc: i'll take that to heart hehe. na di kailangan magvolunteer in advance ng full disclosure, as and when kailangan na lang, thanks! :)
@seth: yeah marami ka ngang makukuhang insights from these questions. for me though, hindi ako mature enough to make distinctions and baka lahat doomed na from the start. thanks seth!
@imnotsoconio: good for you, conio.
@akoni: haha that's peter le. boldstar pero ngayon nasa reality tv na rin. swerte pala tayo dahil understanding pareho ang asawa haha. sa di pagkwento, pareho tayo ng style.
yet another show of how love brings the best within every person. :)
at talagang tinawanan ka lang! hehehe. mature na mature talaga ang relationship niyo. love it! :D
awww...sng sweet naman ng baby mo...sana makahanap din ako ng gaya nya...
:-)
i have an ex who threatened me with suicide when i broke up with him. natakot aketch. hindi ko akalaing ganoon katindi ang impact ng gandah ko sa kanya.
It's good he understands you. Ex's are complicated stuff for some. But for others, kebs lang.
ayos.. yun ang magaling.. past is past.. hindi na mababago yan.. kaya ok lang diba? ang importante eh ang ngayon.. sa case nyo, nakatagpo ka ng tunay na nagmamahal sayo.. :)
haayyy ang sweet naman ng asawa mong Kpop... kahit anong nakalipas mo eh naiintindihan ka niya at balewala sa kanya ang nakaraan... kunsabagay ang nakaraan ay nakaraan na at di na muling babalik pa.. bakit pang kelangan ungkatin or balikan pa... kaya hayaan na lang ibaon sa limot lol
-----
kakaiba ang relationship.. and imagine 8years tama ba? kabisado nyo ang isa't isa... hope magtagal pa kayo. yung matagal na matagal....
-----
and youre a true friend ah.. imagine ah.. willing nyo tulungan ang ex mo.. di ba... hope madami pang blessing kang tanggapin at marami k pang matulungan... basta sempre me limitations... lol baka matukso ha.. hahaha
ang dami kong sinabi.... wala lang... eto lang ang laman ng aking immature na isipan pagkatapos ko mabasa ang entry.... hehehe... :D
hay naku, pesteng mga ex yan. ginugulo pa din ako. at tinatakam pa din. shet lang. ayoko na.
sensya na ha. may pinaghuhugutan lang. ahhahaha!
sabi ko nga dvah..forgive and forget.pede naman natin silang mging kaibigan muli..
please read my new post at www.angbuhayayhindibitin.blogspot.com
ang bait naman,, agn sweeet... haaay,, lucky to have "asawa"
ehehehehe
you guys are very matured :)
Having the right one after being with the wrong people is an achievement :D
awww :)
@spiral prince: thanks sp :)
@nimmy: oo nga bwisit haha! thanks nims.
@mac: hahaha oo nga sweet siya minsan. thanks mac.
@ms. chuniverse: hahaha! grabe ikaw ata si medusa.
@xall perce: oo nga buti understanding siya. baka ako pa ang hindi hehe.
@istambay: yeah banjo, hindi na nga mababago and buti he understands.
@egg: yup more than 8 na nga. oo gusto kong tumutulong sa kaibigan kahit na ex ko siya dati. salamat eg. hey, don't put yourself down :)
@emmanuelmateo: i always appreciate friendships. oo nga may pinagsamahan naman kami kasi.
@ceiboh: yeah i'm lucky to have him hehe.
@mr.chan: siya lang ata ang mature. ako madalas batang isip pa rin hehe. it's a blessing. thanks mr. chan.
@nowitzki: :)
Post a Comment