Wednesday, June 8, 2011
Gamit
Pagkauwi ng bahay, nag-unpack ako ng aking maleta. Tumulong ang aking asawa sa pag-aayos ng kalat. Tulad ng inaasahan, nag-monologue na naman ito sa dami ng gamit sa masikip naming apartment. Nag-umaapaw nga naman kasi. Hindi tulad nung sa dati kong kasama.
Araw-araw siyang nagdadala ng damit at nag-uuwi ng pinagbihisan. Walang siyang iniimbak sa mga drawer at cabinet sa bahay. Lahat ng kaniyang gamit, nasa kotse lang. Kaya nang ako'y kaniyang iniwan, ang bilis niyang naglaho. Walang mga gamit na kailangang iimpake, at mga kahong bibitbitin palabas.
Pinagmasdan ko ang bahay nang siya'y makaalis. Dati na ang mga kasangkapan. Akin ang mga damit na nakasalansan. Walang bakas ng kanyang pag-alis. Wala ring bakas ng aming pagsasama. Tulala akong nahiga, na ang tanging pinanghahawakan sa aming nakaraan ay ang amoy ng kaniyang unan.
Natapos rin naming mag-asawa ang pagliligpit. Pinagmasdan ko ang aming flat. Ito at lahat ng kasangkapan ay magkasama naming ipinundar at pinili. Magulo, pero may sariling kaayusan. Masikip, pero hindi nakakasakal. Simple lang, pero alam mong pili at pinaghirapan.
Parang kami lang.
photo from here
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
20 comments:
Nice. :)
kamusta naman ang kubyertos na pilak?
Choz. :)
awww...
simple lang, pero alam mong pili at pinaghirapan..
ang taray naman nun.. clap clap clap...
tagos sa puso ang huling bahagi. napabuntonghininga na lang ako sabay wish na sana may ganyan din ako. :)
"Fack" and go pala yung dati...hehehe...dito din sa bahay, magulo. daming books. daming kalat. pero makakasanayan mo din. at pag nailigpit, hahanap-hanapin mo ang mga ito na nawawala sa lugar nya.
You have a way with metaphors, as always. If I had a flat with my partner, the first thing required would be a decent bookshelf. A good, sturdy, open one where all the books could be seen. Because my books are like my children. Cherished and memorable.
ang sweett langgggg......
saya lang ng buhay mo koya sean :)
Pak! Isang relasyong balanse ang aspeto ng buhay :)
Leche ka, Sean. Leche ka! Hehehe.
Hey! just stopped by to drop off my pants. Nice blog.
They come and go. Some won't even leave a trace. Yet others tend to stay. And we hope that one of them stays longer than usual. Or for good. Shet umiinglez
Haaaay.
Kuya Sean, this made me smile, and wishful...and hopeful. :)
Awww... suwwweeettt... ;-)
makaka move on ka din, tuloy ang buhay.
JUSKO NAKAKAINGGIT!!sarap sunugin ang earth(ahah bitter bitteran)ahaha
wow, ang amoy ng unan. pwede nang gawan ng garden of memories wahaha.
teka di ko nagets. ang slow ko lang. naghiwalay kayo or naglipat lang ng house?
tamang sweet-sweetan lang. hihi
kinagagalak kong mabasa ang maiksing panulat na ito.
Balang araw, ako'y umaasang may makakasama akong makalat, ngunit katuwang sa paglilinis. Balang araw...
:)
patweetums?! LOL
well, iba yung feeling na iniimagine mo at ung nangyayare na sa totoong buhay.
Priceless! :D
ang di ko lang naintindihan eh kung bakit di niya nilalagay ang kanyang gamit sa drawer... ang pangit naman ng kung anytime alis eh parang wala lang... heheh sorry chong ha.. hehehe
@ms. chuni: thanks ms. chuni. ayun pina-reset ko at ginawang dangling earrings.
@ceiboh: haha thanks kiko.
@aris: aww, thank you idol.
@mr. g: yeah gunun na nga hahaha. that's true, pag nailigpit, di ko na alam kung nasaan.
@red the mod: thank you red. i can imagine you as one with a study with walls lined up with books. all first edition collector's items hehehe.
@egg: aww, thanks eg!
@carrie: haha salamat sis.
@juan der last: hahaha. thanks juan.
@^travis: thanks travis.
@orally: bien, that is soooo poetic. stress on the poet ay! very nice :)
@spiral prince: aww, thanks sp, my other idol.
@shawn.discreetyuppies: thanks shawn!
@elpidio: hi elpidio. thanks for visiting.
@ibanez: ay hahahaha! kumusta na ibanez?
@the green breaker: yung sa ex naghiwalay, yung sa asawa ko, nag-unpack ng maleta ko after kong dumating from a short trip to pinas.
@iamallan: hey, kumusta ka na?
@viktor saudad: awww, thanks viktor.
@mr. chan: hindi ata bagay ang patweetums no hahaha!
@kikomaxxx: welcome back. ay si ex yung di nag-iiwan ng gamit before hehehe.
Post a Comment