Malamig ang tubig na dumadausdos sa aking katawan, ngunit di nito mapawi ang init na aking nararamdaman. Mula sa kabilang panig ng nakapagitang salamin, pinagmasdan ko ang kanyang aninag na naghihintay, nakatutok sa TV habang nakaupo sa kama.
Pagkatuyo ng sarili sa di na kaputiang twalya, tinawid ko nang nakayapak ang madilim na kwarto. Sa bawat hakbang, kumapit ang dumi ng sahig sa aking hubad na mga paa. Tumabi ako sa kaniya at binasa ang nakatatak na pangalan sa nagninisnis nang kobre kama.
Tahimik naming sinimulan ang dahilan ng aming pagparito. Pinagmasdan ko kaming dalawa. Na nasa ulunan ng kama. Sa gilid nito. Sa kisame. Nagmamadali. Hanggang sa ako ay malito kung sino ang sino, at nangibabaw ang singaw ng init sa lamig ng aircon.
May natitira pang oras, pero nagbihis na siya at nagpaalam. Nagsindi ako ng sigarilyo, ngunit di napawi ang natitirang gutom. Umorder ako, at saglit lang at ito'y naubos. Pinagmasdan ko ang magulong kama, ang nasimot na pagkain, ang upos ng sigarilyo.
Parang may kulang pa rin.
photo credit: roblang.photoshelter.com
16 comments:
Minsan naramdaman ko din ang kahungkagan ng pinaggagagawa ko...did I look for what I need in the wrong places? yes.
I was like Oh No. Huli ko na nabasa na this happened in the past.
there will come a time when the afterglow of casual sex ceases to come, pun not intended! it's one of the reasons why doing the deed with someone special is by and large better. :)
'bat ka ba napaisip uli nito? are you feeling alone lately?
You'll find fulfillment elsewhere, I swear. The world outside the bathroom and the bedroom is far more vast and there are a lot to discover aside from exploring the foreign bodies of other human beings.. It's more happier too!
Hehehe.
Youa re really matured. What's important is NOW. The past doesn't define the person. It's always NOW.
Quench your thirst :D
ang kulang - tubig.
kailangan nating lunukin ang hindi-miminsang ang mga ganitong kalagayan.
at kapag di natin kinaya, kailangan natin ng tubig.
ang talinhaga..
d ko nagets... nanlalake ka o nambabae koya sean??? hehehe....
dapat loyal lolz.. :P
sapagkat ikaw lamang ang tanging nakaka-alam sa papawi sa nararamdamang gutom.
ay natututo akong maging matalinghaga.
Kaya kahit kailan ay hindi ko nakitang solusyon ang panandaliang aliw. Isa lamang itong distraction upang sana, and susunod ay hindi na panandalian lang.
baka naman hindi ka uminom ng tubig kung bakit ang pakiramdam mo e kulang pa rin.. hehehe.. ching lang!
and i agree with sir mugen, hindi solusyon ang panandaliang aliw, yes, it makes us happy for a certain period, but after, what's next.. haaayz..
It will never quench somebody's thirst kung ganyan lang ang mangyayari. katawan lang ang nabusog ngunit hindi ang iyong damdamin...
Very graphic. I imagined it the way you described it.
It's like drinking beer when you're very thirsty. Sobrang sarap but it will make you more dehydrated.
alam mo chong di nahahanap ang uhaw at gutom ng laman sa mga temptasyon sa daan... ito ay nakukuha lamang sa taong alam mong mahal mo at mahal ka... kaya be loyal ha.. hehehe
Ang panandaliang aliw ay madalas nagdadala sa atin ng mga mapapait na paghihinagpis sa mga bagay na kulang sa atin.
Mabuti na lamang at natagpuan niyo na ng kabiyak mo ang isa't isa.
@mr. g: i always felt that way before until dumating yung mga taong nagmahal sa akin.
@orally: hi bien. ay sorry di ko masyado na-clarify agad.
@spiral prince: lol at the pun. i'm concerned na pag natuloy kaming maging LDR babalik ako sa ganung buhay.
@canonista: that's true. this happened regularly before because i was bored with my life then.
@mr. chan: i completely agree mr. chan. thanks!
@kiks: hahaha oo nga kailangan ng panulak. at tubig panlinis.
@emman: hehe thanks
@egg: dati pa yan eg nung binata pa ako. naisip ko lang kasi baka kung matuloy kami sa LDR, baka mabalik ako sa ganyan pag naging marupok ako.
@ms. chuni: i agree and wow! ms. chuni matalinghaga nga hehe.
@mu[g]en: you're right. natutunan ko nga rin sa mga pinagdaanan.
@ceiboh: hahaha! oo nga uhaw lang pala yun!
@kyle: that's true kyle. uy bago uli profile pic mo ha!
@xall perce: thanks xall. that's a good metaphor.
@kikomaxxx: hahaha. salamat sa paaalala batman. loyal pa naman. baka pag natuloy ang LDR, maging marupok ako. oh no.
@louie: you're right louie, and oo nga buti at dumating siya.
Post a Comment