Wednesday, December 15, 2010

Namamahay


Ako'y napabalikwas sa kama.

Madilim. Malamig. May marahang ihip ng hangin na nagmumula sa maingay na aircon.

"Gising, Sean, gising..." bulong ko sa aking sarili.

Unti-unting nasanay ang aking mga mata sa dilim, ngunit hindi humabol ang kalinawan ng pag-iisip. Hindi ko pa rin alam kung nasaan ako. Pigil ang umuusbong na takot, hinawi ko ang kumot upang umupo at binuksan ang nakapang munting ilaw sa tabi ng kama.

"Sean, come back to bed," lambing ng pamilyar na boses.

Nahawi ang dilim sa kwarto. Bagong lipat sa mas malaking bahay. Kaniya ang mga di pamilyar na kasangkapan. Isang buntong hininga at pinatay ko ang ilaw.

Ako'y bumalik sa kama at sumiksik sa ilalim ng makapal na kumot. Niyakap ako ng aking asawa. Pamilyar ang init ng kaniyang katawan, ang amoy ng kaniyang buhok, ang marahang hilik, ang magaspang niyang kamay, ang aming posisyon sa pagtulog. Ako'y napalagay at unti-unting nakatulog sa aming bagong tahanan ngunit pamilyar naming pagsasama.

photo credit: geekologie.com
 

9 comments:

Nimmy said...

"aming bagong tahanan ngunit pamilyar naming pagsasama."

awwwwwwwwwwww. nakaka-relate ako ng todo dito sean! you are really one heck of a writer. :D

Marhk said...

ay mainit pala ang pasko ko teh! hehehe

Sean said...

@ nimmy : tenchu - sobrang nakakataba ng puso :)

@ marhk : ay mainit din pasko mo? congrats!

Mu[g]en said...

"Ako'y napalagay at unti-unting nakatulog sa aming bagong tahanan ngunit pamilyar naming pagsasama."

Ang galing!

Sean said...

@ mugen : naku maraming salamat :) at happy happy nga pala sa iyo! have a good one!

orally said...

kinilig naman ako

Ester Yaje said...

i've changed my url. kindly save my link. thanks

melovesflying said...

Ang sweet ng entry na to. :)

Btw, I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. :) I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks! :)

Sean said...

@ orally : haha thanks. ako pag kinikilig naiihi.

@ ester : i've been wondering why i can't access your blog!

@ melovesflying : thank you for visiting.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...