Tuesday, February 15, 2011

Kutsaritang Asukal, Kapirasong Keso


Hindi likas na malambing na tao ang aking asawa. 

Ni minsan ay hindi pa ako nakatanggap ng bulaklak. Sapilitan din bago niya ako bilhan ng tsokolate.  Kahit na greeting card nga ata wala. Kapag inaakbayan ko o patagong hinahawakan ang kamay sa labas, parang sinisilaban sa pagka-conscious. At pag Valentine's, mayaya mo mang kumain sa mataong lugar, halos atakihin ang mokong dahil baka kami mahalata. Ok lang naman sa akin. Siguro dahil hindi siya lumaking Pinoy at ganyan ang kaniyang pagkatao.

Pero nang magkakilala kami, siya yung nag-aral ng wikang banyaga para daw mas maintindihan niya ako. Siya yung nag-aalala sa lahi naming diabetes kapag napipilit ko siyang bumili ng tsokolate. Siya yung natutong magsimba at araw-araw na ipagdasal kami kahit hindi siya Kristiyano. Siya yung kumakanta sa akin ng banyagang love songs kahit di ko naiintindihan ito. Siya yung gumigising sa gabi para tingnan kung sakop pa ng kumot ang likod ko.

Ginabi ako ng uwi nung Valentine's, pero niyaya pa rin niya akong kumain sa labas. Puno ng magkasintahan ang lugar, pero pinilit niyang di mahiya. Hindi rin niya inalis ang pagkakaakbay ko sa kaniya hanggang kami'y makauwi. Malugod rin niya akong binati kahit na lampas na nang hatinggabi. Hindi likas na malambing na tao ang aking asawa, pero natutunaw ang puso ko sa kaniyang pagsisikap.

photo credit : big5.ce.cn
     

29 comments:

NOX said...

papa, kpop ba ang iyong jusawa? i like :))

and yes, it's cheesy. we love you for it :)

Anonymous said...

kuya sean ang sweet. alam mo para sakin mas sweet ang taong ginagawa niya yung lahat na makakaya niya kahit na hindi talaga siya natural na ganong tao.

belated happy valentines kuya sean...

Anonymous said...

hahaha... lalabas din pala ang kasweetan ng mga passive na tao ano.. hahaha... nice day... :)

TAMBAY said...

may taong hindi malambing tulad ko eheheh.. oo ako na, wala akong kalambing lambing sa katawan.. pero hindi dun ang sukatan diba? ang importante sa sarili ko, nandun ang love na walang makakakuha kahit sino.. sa simpleng paraan napaparamdam ko un sa asawa ko.. :)

ang layo yata, pero nakarelate ako dito..

magandang araw.. :)

Seth said...

like!

egG. said...

ang sweet ang dami tuloy langgam... at least nakapagcelebrate kayo ng asawa mo ng BALEMTAYMS... yung magkasama kayo.. OKS PATOKS na yon!!! happy valentines senyong 2 na belated..

anyway hiway.. I LIKE YOUR PIC. above si Jonathan at Shane ng Eternal Summer.. actually happy ending yung movie na yun brad... kasi yung ending non eh yung umpisa... e d ba mas pinili ni shane si jonathan... kakatuwa nga panuodin kasi from their childhood magbestfriend talaga sila di ba.. haayyyy lang....

Shenanigans said...

aawwww... ang sweet!

how i wish...

Lone wolf Milch said...

nice! ang importante lang naman minsan eh yung presence ng mahal mo or andun siya sa tabi mo

ok na kahit walang chocolates or flowers

Lone wolf Milch said...

nice! ang importante lang naman minsan eh yung presence ng mahal mo or andun siya sa tabi mo

ok na kahit walang chocolates or flowers

Allan P said...

ang sweet naman. hihihihi

Pen Ginez said...

sweet naman..
jan pa lang, delikado na ang taong diabetic.. hihhi

V1nC3 said...

this is cute and sweet... =)

~Carrie~ said...

Nasabi na nila. :) Ume-effort sy, at yun ang sweet sa ginagawa nya. Grabe. Inlababo is in the air! LOL

Ms. Chuniverse said...

ikaw na ang Ms. International.

;p

jc said...

awwww. A for effort si partner. hehe. sweet! :)

Nimmy said...

panalo ka sa partner ading! simple ang style pero panalong panalo! :D

Unknown said...

gusto ko mas maging appreciative like you ^_^

OT: favorite ko Eternal Summer. Crush ko si Joseph Chang. Hehe

SweetIsh said...

ang sweet naman sean!!! kahit hindi siya yung typical na sweet na tao pero dahil sa ginagawa niya mas nadaig niya pa yun...he became more extraordinarily sweet!!! :)

Anonymous said...

wow...ok lang yan sir sean...keri lang na hindi showy...basta kita mo naman ang mga efforts niya para sa inyo...ahihi...happy puso po sa inyo!!! ahihi... :D

Desperate Houseboy said...

Sweet. Cge, mang inggit ka pa. Ching, im happy for you bro.

emmanuelmateo said...

siguro ipinapakita po niya na karapat-dapat siya para sa yo..

Sean said...

@nox: chinito siya. cheesy nga haha!

@kyle: kung ganun sweet nga siya hehe. super bait siya. pag walang mens haha. happy v-day din sir kyle!

@kikomaxxx: oo iba ang kanyang pagka-sweet hehe.

@istambay: uy sa ibang bagay ka pala bumabawi ng ka-sweetan banjo. g'day mate.

@seth: haha thanks!

@egG: buti di ka nakagat haha. salamat at happy v-day din eg! yeah ikaw nag-recommend ng movie di ba? top favorite gay themed film ko na siya. pinanuod ko ulit, oo nga! di na ko masyado sad pero iyakin talaga ako hehe. ang gwapo niya no?

@shenanigans: haha thanks. belated happy v-day ulit.

@hard2getxxx: thanks papa hard. oo nga lagi naman niyang pinaparamdam ang kanyang love and support.

@iamAPv: nangilo ka ba sa tamis? happy v-day allan.

@renz bacani ginez: ahaha! oo nga. penge nga ng insulin dali.

@v1nc3: thanks vince. belated happy v-day to you.

@carrie: oo nga effort talaga sa kanya. he tries hard and i love him for it hehe. honga! inlababo mga tao lol!

@ms. chuniverse: haha! saba-gay, long legged legs naman aketch hehe.

@jc: haha effort nga siya. thanks jc. happy v-day ulit sa inyo ni mugen :)

@nimmy: haha! san kayo nag-date ni leo nims?

@pipo: hehe sobrang bait kasi siya, di ko lang ma-express in words. fave gay-themed movie ko rin siya. dunno nga kung bakit last week ko lang na-discover through another blogger. ang gwapo nga niya! barumbado pa gumalaw.

@sweetish: haha! oo nga sobrang na-appreciate ko yung ginagawa niya. sobrang bait na tao. belated happy v-day!

@pipay: oo nga kasi he tries naman. tapos bawing bawi sa kabaitan at ibang ways of showing that he loves me. happy puso din pipay!

@desperate houseboy: ay haha! salamat desperate. belated happy v-day!

@emmanuelmateo: minsan nga nahihiya ako na baka ako kulang yung naipapakita ko. happy v-day emman!

Anonymous said...

naimagine ko yung kinukumutan. haaaay... ang sweet lang.

foreigner ang asawa ha, infair. hehehe.

love love love, sean :)

JoboFlores said...

ayna ayna nagsuwit kayo man! makapaapal hehehe

bien said...

sweeeeeet!
nakakainggit hahahaha
belated happy vday sa yo at sa asawa mo sean

Kiks said...

he speaks afrikaan? chos!

ibang kakiligan ito, becks.

Sean said...

@jepoy dee: gabi-gabi nga niya inaayos yung kumot haha. thanks jepoy.

@jobologist: ay wen ading, sweet isu na hahaha.

@orally: hahaha! belated happy v-day to you too bien. thank you :)

@kiks: haha. sobrang international na yan ha! nakaka-ihi ba hehe.

bn said...

ayiiiii kainggit!!ahahaha kakilig nang bongga

Victor Saudad said...

I feel the love in this entry...sigh.
^___________________^

and I really like this one.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...