Friday, November 19, 2010
Biyahe
Puno na ang jeep pagkasakay naming dalawa. Sobrang haba ng pila kaya't sabay kaming napabuntung-hininga pagkaupo sa makintab na linoleum.
"Buti na lang may upuan pa. Pagod na ang aking mga paa," ngisi niya sa akin.
"Ako rin. Salamat naman at lumarga na. Di bale, masahe lang ang katapat niyan," baling ko sa kaniya.
Matagal din kaming nakatayo sa init kanina. Marahang hinaplos ng kaniyang dila ang kaniyang mapulang mga labi. "Magaling ako diyan."
"Haha! Siraulo," bawi ko.
Medyo nahiya ako kaya't ibinaling ko ang aking tingin sa bintana, ngunit di ko matiis na muling tumitig sa kaniyang mapangusap na mga mata at mapanuksong mga labi. Hindi pa ganap na tuyo ang kaniyang t-shirt kaya't bakat pa rin ang kaniyang matipunong dibdib.
Gusto kong punitin ang kaniyang t-shirt at sibasibin ang kaniyang katawan habang siya's nakalambitin sa mga baras ng bubong ng sasakyan. Wari'y nabasa niya ang aking iniisip, at siya'y napaubo ng kaunti.
"Wag dito. Antay ka lang ng kaunti," kindat niya sa akin.
At dahil trapik, mabagal ang aming biyahe at lalong naipon ang aming pagnanasa sa isa't isa. Nang malapit na sa Quiapo, halos di na ako makapagpigil at siya'y nahabag sa nagmamakaawa kong mga mata.
Kasabay ng isang matamis na ngiti, inabot niya sa akin ang kaniyang kamay.
Nagliwanag ang aking mukha, at akin ring inabot ang aking kamay sa kaniya. Marahan niyang idinantay ang aming mga palad at kahit siksikan, parang kaming dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan.
Kumalansing ang sukling iniabot niya sa aking palad, at siya'y bumaba kasabay ng paghinto ng sasakyan. Siya ay marahang lumakad patungong Plaza Miranda, at muling humarurot ang sasakyan. Nakatingin lamang ako habang unti-unti kaming pinaglayo ng taong minahal ko sa kahabaan ng aming biyahe papuntang Quiapo.
photo credit: kamalayan - flickr.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Ang lungkot naman.
"sibasibin" - ano ibigsabihin nito?
@ mugen: sad ba? pa-comfort naman, haha.
@ urbandenizen: ibig sabihin pupugin ng halik in an animalistic way. o kaya papakin.
good gracious! i like this much.
.
.
and good thing it's in quiapo!
@ Desole Boy : Thank you.
ay bakit walang nangyari? hihihi!
@ Mike : salamat sa pagdaan. haha na mis-read ko yung signs.
Post a Comment