Thursday, January 27, 2011

Threesome


Pangalawa sa aking asawa, sila ang pinaka-minahal ko sa buong buhay ko. Oo, tama ang basa mo. Sila. Dalawa. At sabay ko silang minahal noon. Sabay-sabay naming minahal ang isa't isa.

Maraming magsasabing libog lang yun. Pero hindi. Ayaw ko ring tanggapin sa sarili ko noong una, lalo na't bagong mulat ako sa aking pagkatao. Doon ko nalaman na maaari ka ngang magmahal at mahalin ng higit sa isa. Na posible ang tatlong magkabiyak. Na may mga pagkakataong mabubuo lamang ang kumpleto sa tatlo.

Mas malaya kami noon sa pamumuna ng iba. Sweet man kami, mukha lang kaming magkakabarkada. Sa dalawa, may maaamoy ka. Sa tatlo, ikaw na ang malisyoso. Pwede pa naman kaming mapagkamalang magkakapatid.

Pero ang relasyon namin ay likas na pang-tatlo. At nang naglaho ang pagmamahal ng isa, hindi ito nakayang itaguyod ng natitirang dalawa. Tuluyan na rin siyang gumuho. At yun ay halos hindi ko kinaya.

Maraming huhusga na abnormal ang isang threesome. Malamang nga abnormal ito. Hindi. Dapat ay abnormal siya. Dahil gaano man kaganda ang tatlong pagmamahalan, walang dapat dumaan sa ganoon kasakit na hiwalayan.

photo credit : faheykleingallery.com

32 comments:

citybuoy said...

I love! You know, your topics are becoming more and more interesting! Have you seen A Home at the End of the World? It reminded me of this.

I guess regular people (like me!) will never understand situations like that. It takes a certain kind of open-mindedness to fully grasp the concept.

Noah G said...

agree ako kay citybuoy. i never thought this was even possible until you made this post. well, actually sayu ko to unang narinig. quite interesting :)

Desperate Houseboy said...

Masarap magmahal ng isa. pero mas masarap magmahal ng marami. pero ang masakit, yung magpaalam sa isa. pero mas masakit magpaalam sa dalawa. Love this post. :)

Anonymous said...

complicated. but you're right, nobody should have to go through such pain. you write of such complex ideas yet so simply, so effortless.

Anonymous said...

ngayon ko lang nalaman na pwede pala yun, anyway.... im sure nman nobody wants to be hurt....pero i think,
you were hurt for a reason,

:)

Eternal Wanderer... said...

tatsulok kung tasulok ang labanan! :p

TAMBAY said...

risky masyado ang threesome, never been there sa relasyon pero sa tingin ko, napakaunfair sa bawat isa unless nandun ang understanding. masarap nga siguro, oo perop masakit nga pag dumating sa punto ng hiwalayan..

Mac Callister said...

you mean, alam nun other one na may isa ka pa din bf?as in its an open 3some?wow! thats just amazing!

sayang naman,di nagtagal...

emmanuelmateo said...

wlang pnipili ang love. ang muslim nga higit pa sa lima ang asawa hehe.
pero mhirap din sa huli lalo kpag ngkahiwalay.

Canonista said...

Ang kapangyarihan ng pag-ibig ay higit pa sa nakikita natin o nasasaklaw ng moralidad ng bawat isa sa atin.

SweetIsh said...

Grabe! Ang hirap ng ganyang situation masarap sa una kaso pagnalaon maramadaman mo na rin na in some point hindi talaga magwo2rkout kasi hindi kayo magi2ng fair sa isat isa..

Kapitan Potpot said...

Perhaps, there is always an exception to the stereotypical insights about threesome relationships. This is one of those.

Ang galing. Syempre, napahanga na naman ako Sean! :)

nOx said...

you made a threesome sound more interesting than usual. good job!

and yeah, A Home at the End of the World is a great movie :)

nyabach0i said...

at least pag tatlo, may fulcrum sa gitna. mas stable. sabi sa physics. :)

Anonymous said...

hehehe dahil sa sobrang metaphorical lagi yung post nyo ay inisip ko talaga na there's a beyond meaning to this.hahaha naparanoid.LOL

but then, dapat pala bumalik ako sa simple/root form message ng post na ito at dapat literal ang pagkaka-decode ng meaning.hahaha

galing mo talaga sir sean. o__o

joelmcvie said...

Bravo! I always thought that threesomes are possible, except that no one writes about them. Is it really that inconceivable for most? I guess it's because of the constant bombardment of the usual and the acceptable.

As for the hurt--well, the hurt is equal to the depth of feelings. That just means the three of you loved one another deeply. Hurt happens; hurt is a part of life. If in the end there is hurt, then so be it. Sean, you're still alive and kicking and loving. That which didn't kill you made you stronger.

egG. said...

grabe lang........ me ganyan pala...
la lang swerte mu lang hahaha....

sensya na sa koment me heheh :D

Anonymous said...

weee.. for me na di pa nakakaintindi ng mga ganitong bagay ay di nga normal pero di rin naman ako mangingialam kasi sariling buhay nila iyon.. wahehehe pero sayang nga lang at di nagtagal...

Allan P said...

"Sa dalawa, may maaamoy ka. Sa tatlo, ikaw na ang malisyoso. "

--ou nga nuh. ngayon ko lang na-realize. haha

c - e - i - b - o - h said...

sabi nga nila e kanya-kanya lang yan... kung doon ka nakahanap ng tunay mong kaligayahan di ba? walang magagawa ang iba,,,

pero in fairness, nag-isip ako kung paano un.,.. hmmm.. jirap..

Xprosaic said...

Naks! kakaiba ka! threesome... hehehehehehe

Mugen said...

Marahil ay tinuruan ako ng lipunan na sundin lamang ang tanggap nito. Subalit kung tatanungin ko ang aking puso, lantarang sasabihin nito:

Hindi mo kaya magmahal ng dalawa. Dahil ikaw mismo ay hindi kaya magmahal ng may kahati.

Sean said...

@ citybuoy : thanks nyl :) i haven't seen it. i googled it and it looks interesting. i'm trying to find a copy.

i took a leap of faith (and love) then not knowing whether it was right or wrong.

@ nowitzki : akala ko din dati ganun.

@ desperate : yah. kumbaga sa baboy, double death ako noon. thanks dh!

@ rising mark : i wouldn't wish the same pain on anyone. thanks rising mark.

@ theo : yah. hindi talaga ukol, but i guess it has made me stronger, more giving, more open...

@ ternie : ahaha! sabay kanta ng pyramid by charice.

@ istambay : yah. masakit nga siya pag dumating sa ganun.

@ mac : oo alam niya at sila rin namang dalawa magbf din. in our case di namin na-feel ang selos, na may kahati, etc. parang pareho lang ng feeling ng 2 kaso 3 kami. hirap explain... it ended pero nagtagal din kami.

@ emmanuel : haha oo nga no? yah mahirap yung point na naghiwalay.

@ canon : i love that statement. thanks for that.

@ sweetish : di ko alam i-explain pero hindi siya nag-workout dahil nawala yung isa. and it was meant to be the 3 of us not just 2. heartbreaking for both of us na naiwan nung nawala yung isa at di kami naka-recover from that.

@ louie : yah. i'm usually restricted by soiety's norms kaya nga closeted ako, and di ko rin talaga inexpect na there could be such a thing. pero ganun. thanks louie!

@ nox : thank you. it does look interesting! i saw the trailer in youtube. i'm looking for a copy of the movie.

@ nyabach0i : haha! aba may kaibigan pala akong genius!

@ kyle : haha oo nga sorry! thanks kyle.

@ joel : i was actually apprehensive about posting it. i don't think that i am sufficiently capable of explaining it. you are right. i survived and was able to love again. thanks joel.

@ egG : haha. salamat chong.

@ kikomaxx : hehe open minded si batman. salamat parekoy.

@ allan : ching hahaha!

@ ceiboh : oo maligaya talaga ako noon. haha! ang hirap din i-explain from my end.

@ xprosaic : hey there. salamat sa pagdalaw.

@ mugen : akala ko rin hindi ko kaya dahil likas akong seloso. pero nung panahon na yun, hindi ko alam pero di ko na-feel na may kahati o pinaghahatian. parang same feeling pag 2 pero nagkataon na 3 kami. di ko lang alam kung paano i-explain. :)

dark_knight said...

Ang lawak ng saklaw ng pag ibig. Mauunawaan m lang to kung sasabay ka sa pagtuklas nito o maging saksi ng tunay na hiwaga nito. Mas effort ata magmahal ng 2.

bien said...

I've seen A Home at the End of the World, interesting film just like this entry. If my memory serves me right the couple survived when the 3rd left.
Sa sex pinaka-gusto ko ang 3some, pero sa relationship baka di ko rin kayanin

Nimmy said...

wow! ang lalim ng history mo manong! grabe! astig! :)

casado said...

oh shit di pako nakaka experience ng ganun, lalo na ng ganyang setup na kagaya mo...

pero nagmahal na rin ako ng sabay ng higit sa isa hehe

Anonymous said...

hindi ko pa naranasan ang 3some. Wholesome kasi ako! hehehe...

Nice post, daming nakarelate oH! :)

Sean said...

@ dark knight : oo nga. bago nito, hindi ko alam na posible pala siya. doble effort siguro pero doble rin ang balik.

@ orally : kaka-download ko lang sa kanya. excited din akong panoorin dahil andun pala si colin farrell haha! nakakaiyak ba siya?

@ soltero : uy kwento mo naman kung anong nangyari!

@ nimmy : hey ingat kayo ni leo sa biyahe. enjoy kayo sa inyong honeymoon!

@ mr. chan : ahaha! wholesome pa rin ba pag lasheng? juk!

Lone wolf Milch said...

parang kanta "sana dalawa ang puso ko hindi na sana .... hihihihi

uno said...

sean... in some point naiintindihan ko ung nararamdaman... but sa pag-ibg db minsan you have to stop and thnk what is going on... kung san patungo ito db... siguro kailangan mangyari ang bagay na yun kasi kahit nagmamahal kayo kahit papano we have to choose what is right and better for all... peace!

Sean said...

@ hard : hahaha! comedy ka talaga hard!

@ uno : oo nga, naniniwala rin ako na things happen for a reason. minsan nga lang di ko pa rin maintindihan yung reason. balang araw...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...