Wednesday, February 2, 2011

Subo


Tahimik lang siya. Ang matalik kong kaibigan. Nakakunot ang noo. Nag-iisip.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang makulay na pambalot at itinabi ito.

Tumambad ang makapal na balat. Pinunasan niya ito at unti-unting tinalupan.

Hinati niya ang hubad na laman, at isa-isang isinantabi ang mga buto.

Hinimay niya ito, at matiyagang tinanggal ang mga nakatagong tinik.

Kumuha siya ng kapiraso. Pagkatapos ng mahabang sandali, may pag-aalalang isinubo ito sa akin.

Mapait. Halos bumara sa aking lalamunan. Lumabo ang aking paningin.

Basa na ang aking mga pisngi nang makuha kong lunukin ang katotohanan.

photo credit : photobucket - serpentshade
  

19 comments:

Carlo said...

mapait na katotohanan. madalas nga mahirap lunukin. pero walang choice pero lunukin.

Anonymous said...

AMPALAYA! lol

TAMBAY said...

basta sir, magpakatotoo sa sarili, madaling tanggapin ang katotohanan. mahihirapan lang tayo sa nakapaligid sa atin. pero wapakels diba? ang impportante totoo tayo sa ating sarili..

yun ba un?

kung hindi nga sir eh AMPALAYA nga hehe.. pero may tinik eh..

emmanuelmateo said...

we dont have choice but to accept it.

Anonymous said...

tama nga sir sean sila sa comment nila. sa comment nilang ampalaya.wahahaha joke

ang lalim pero parang nahuhulaan ko. di ako sure sa tinutukoy nyo but i'm guessing and specifically nahirapan kayo sir tanggapin ang katotohanang ganyan kayo dati?

:(

Ms. Chuniverse said...

Ganyan ang buhay, may pait at tinik...

At yun nga, wala tayong choice minsan kundi isubo at lunukin...

bago mo mamalayan... nasanay ka na pala sa pait at tinik.

Ms. Chuniverse said...

Ganyan ang buhay, may pait at tinik...

At yun nga, wala tayong choice minsan kundi isubo at lunukin...

bago mo mamalayan... nasanay ka na pala sa pait at tinik.

Pen Ginez said...

pagkatapos ng pait, may tamis namans susunod eh...

pagkatapos ng tamis, may pait na naman.. pero ganuntalaga..parte na ng buhay..

Allan P said...

tama si @renz... hindi palaging pait...minsan may tamis naman... PERO MADALAS ANG PAIT. JOKE!

Lone wolf Milch said...

parang yung kanta ni selina na nilunok ko na lahat hehehe

Desperate Houseboy said...

yeah, mahirap, masakit, mapait. pero di naman sa lahat ng pagkakataon di ba?

egG. said...

ayjosko di ko siya nagets... ang gagaling ng mga commenter dito... lawak ng isip lol.. hehehe :D

Xprosaic said...

Aw! anglalim naman nito... wehehehehehe... dumugo ang utak ko... wala akong maisip... ampalaya na lang... may buto eh... hilaw na amplaya... lol

uno said...

hehehe hulaan blues... ang galing mo tlga sa genre nato...

Nimmy said...

naka-bakasyon pa utak ko manong sean! sobrang lalim! ehehe

Anonymous said...

yan kasi eh.. wahehhe... makakabangon ka rin tol.. hmm sa tingin ko hindi ampalaya ang pinakain sa iyu kundi bangus na hindi kinuha ang apdo kaya mapait.. wahhee

Maldito said...

buti nalang at may mga readers na madaling maka gets....hindi ko pa binuksan ang comment page sa pagbabakasakaling mahulaan ko kung ano ang pinakain sayo.ahaahahhaha..

Noah G said...

deep. anu kayang prutas/gulay yan? may tinik???

mikhaelangel said...

Hahah// nyc one Dud! parang medyu nkakabitin lang.. ano kaya ang isnubo nun.. hmmp.. sana nman healthy foods yun.. heheh.. thanks for sharing man.. I think this article is interesting -

Chocolates

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...