Saturday, February 5, 2011

Pamamanhikan


Ilang beses ko na ring naranasan ang unang pakikipagkita sa mga in-laws. May excitement. May kaba. Pero lagi akong confident na magugustuhan nila ako, dahil likas naman akong charming na tao at may itsura kahit papaano (asus!). Mabenta nga ako sa lahat ng naging biyenan at hipag ko. Laging ako ang paborito nilang naging BFF ng kanilang anak o kapatid.

Maliban dun sa huli. Sa kahabaan ng pagtitipon, tagaktak ang aking pawis sa lamig ng pakikitungo nila sa akin. Bago pa man matapos ang gabi, alam ko nang hindi ako pumasa. Doon kami nagsimulang pinaglayo. Pinili niya ang kanyang pamilya, at nanaig ang gusto nito na siya'y mag-asawa. Doon ko napatunayan na mas malakas ang lukso ng dugo sa tilamsik ng tamod. Pero ok lang, matagal na yun.

Ngayon, pangatlong araw ng Chinese New Year, at may handa ang pamilya ng aking asawa. Nakahiga lang ako sa kama habang siya'y nagbibihis. Alam niyang iwas na ako sa mga in-laws. Alam ko ring walang alam sa kaniyang itinatagong pagkatao ang tradisyonal niyang pamilya.

"Sorry hindi kita maisama. Hindi nila alam na ako'y... Hindi pa sila handa," katwiran niya sa akin. "Pero ikaw ang aking pamilya. Magulang at kapatid ko lang sila."

Matagal na kaming nagsasama, at maraming bagay na hindi na namin kailangang sabihin at ipaliwanag sa isa't isa. Minsan nga lang, may mga bagay na mas masarap pa ring mapakinggan.

photo credit : korea.net
     

28 comments:

my-so-called-Quest said...

you know the saying "you can't please everyone"

eventually when his "family" finally accepts who he is. baka dumating ang time maging maayos na rin lahat.

let's cross our fingers.

and isn't he sweet when he said you're his real family. ahii!

Lone wolf Milch said...

ouch!! yan ang mahirap minsan mga inlaws. at kadalasan sila ang kontrabida lagi

Ms. Chuniverse said...

Matatanggap ka rin nila ng buong-buo...

bigyan mo lang sila ng APO.

char.

NOX said...

dreadful nga yang meet the parents ek ek. lalo na sating mga PLU. chot! keri mae lang yan. as he had put it, ikaw ang pamilya nya.

ikaw na! leche ka! hehe

-=K=- said...

I feel you bro, i feel you! Hehe! Ang hirap nga nyan pero I like what she said, ikaw ang pamilya nya at sila magulang lang nya. It made me go AWWWWWWW :)

Sean said...

@my-so-called-quest: sana nga doc. lovable pa naman akong manugang hihi! and yes he is super sweet! pag walang topak haha.

@hard2getxxx: hay kontrabida nga minsan. pero yung mga dati, sobra naming love ang isa't isa. umiyak pa nga sila nung naghiwalay kami.

@ms. chuniverse: sige. ititigil ko na ang pag-inom ng pills. char! ayoko mapuneeet!

@nox: stressful nga ang meet d peyrents. ahahay salamat! minsan lang yan sweet kaya na-appreciate ko. madalas masunget haha!

Sean said...

@k: ahaha oo nga. nahipo ako dun sa sinabi niyang yun :)

paci said...

ako yata ang kaagad nakakasundo ng mga ipinakilalang bf o gf ng mga kapatid ko..
pero pagdating sa friends ko, ako ang kinatatakutan. har har.

sabi dati ng kapatid ko, as much as possible pipiliin niya yung makakasundo ng pamilya namin. lalo na sa aming extended-family na setting. mahirap kalaban ang mga tao. may point siya.

pero di naman lahat ng pamilya ay tulad ng sa amin.

wow ang daldal ko tuloy.

Anonymous said...

kakalungkot naman kasi nasa coward stage pa siya... but the very nice thing sa asawa mo is he knows what you are in his life... grabe ilang taon nga ba talaga ako? hahaha

Bleeding Angel said...

in due time magiging okay din yan. Some circumstances just sthrengthen the your companionship and love for each other. Best wishes:)

egG. said...

ang sakit nga niyan... anyway.. sabi nga ni calledquest...

"you cant please everyone"

basta kung san na lang kayo masaya ng asawa mu... kung mahal na mahal nyo ang isa't isa ipaglaban nyo kahit against the world pa ang drama.. and sempre enjoy na din... life is so short di ba... happy happy lang... :D

Anonymous said...

Well knowing and feeling na mahal ka ng asawa mo ay sobrang nakakataba ng puso :)

And we must not forget na kahit magpartner kayo, may kanya kanya pa rin kayong buhay outside the relationship

Mugen said...

Sa dalas ng pagtulog ng aking kabiyak sa aking kuwarto, hindi ako nagtataka na kilala na siya sa pamilya. Yun nga lang, matagal ang adjustment period. Nasanay sila sa nakaraan.

uno said...

ang importante kasama mo sya at mahal nyo ang isat isa

hindi nmn sila your in laws ang magpapasaya sayo db.. kundi asawa mo kaya cheer up po

Anonymous said...

haaay...ganon talaga ang buhay mr. sean...yung asawa ko naman, open sa mga kapatid niya, pero sa mga parents niya hindi...and it's true, may mga bagay na mas masarap pa rin na mapakinggan...malay mo one day di'ba?

Sean said...

@paci: tama nga naman. natanggap ko na rin na yung family ng ex ko were trying to protect him based dun sa standards na sa tingin nila mas makabubuti sa kanya. appreciate ko nga ang maraming sinasabi eh :) thanks paci

@kikomaxxx: grabe ang mature naman ng batman! salamat parekoy :)

@bleeding angel: i believe they do. thanks for the positive reinforcement!

@egG: salamat din parekoy. oo nga dapat happy lagi.

@thecuriouscat: yeah sobra ngang nakaka-touch and tama ka dapat ngang i-acknowledge yan. thanks!

@Mu[g]en: buti ka pa understanding ang family. siguro they can also see how happy you are. on a separate note, i hope hindi ka magha-hiatus. araw araw pa namana akong nagche-check ng posts.

@uno: thanks for the kind words uno. oo nga naman. i should be content.

@pipay: hay ganon nga talaga. i hope ok ka naman sa mga kapatid ng asawa mo.

Allan P said...

ganyan talaga...palaging may hadlang sa mga taong nagmamahalan.

mas sweet kaya yun. para kayong nasa movie. ikaw ang bida at sila ang kontrabida. hehe.

Desperate Houseboy said...

Baby Sean, hindi pa ba okay tong line na to from him? "Pero ikaw ang aking pamilya. Magulang at kapatid ko lang sila."

Hongsweet.

Unknown said...

Nag wonder ako, ilan na ba lahat ng in laws meron ka? hahahaha.

Alter said...

punan mo ang lahat ng bagay na sa tingin mo ay kulang ng mga bagay na alam mong ikaw lang ang mayroon. :)

bien said...

ikaw naman ang kasiping nya...

Anonymous said...

ika nga sa litanya ni oreo sa blog nya. "happy valentines, sige inggitin niyo ako."nyahahaha

ikaw na nga. ikaw na nangiinggt sir sean. :(

nyahahaha

eMPi said...

nakakalungkot naman.... pero okey lng yan at least alam mong mahal ka nya :)

Nimmy said...

nalungkot naman ako dun ading. malay mo one day makakamit mo din ang pangarap na bituin. :D

V1nC3 said...

No matter how we downplay that fact & say you are each other's family - mas okay pa rin talaga yung tanggap ng pamilya yung relasyon no? I have a friend who's like that and I somehow cringe pag nakikita ko sila with their respective families, out as a couple. Mahirap lang pag na-attach ymung family asyado dun sa tao, tapos nakailang BFs ka na, yung dati pa rin ang hinahanap. Hahaha. =)

Sean said...

@iamAPv: sabi na nga ba pang-hollywood ang beauty ko. chos! thanks allan. talagang natuwa ako dito.

@desperate houseboy: hay oo nga sobrang sweet yung sinabi niyang yun natuwa ako :)

@tim: nabibilang pa naman sa daliri ng aking kamay. at paa. joke! hahaha!

@alter: i love this! thanks for this alter!

@orally: hay ang sweet naman niyan!

@kyle: ahahaha! katawa naman yang si oreo.

@empi: honga. but naisip niyang sabihin. minsan kailangan pa rin ng validation.

@nimmy: ahaha ang drama ng linya. ako na si ate sharon hehe.

@v1nc3: yeah sana nga eventually matanggap nila. ay mahirap nga yun hehe :)

Maldito said...

pabayaan mo na yung pamilya...ang importante naman ay masaya kayo sa piling ng isa't-isa. Hindi naman sila ang kasiping mo eh. kaya okay lang. pero iba naman talaga yung tinatawag na may "blessing".

ikaw na ang mahaba ang hair. ahahaha..

Sean said...

@maldito: feeling ko nga baka hindi na magka-blessing kasi matatanda na sila lahat. pero tama, masaya kami sa piling ng isa't-isa. thank you sa hair extensions haha!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...