Saturday, February 12, 2011

Romeo and Julio


May sasabihin ako sa iyo, Sean. Malapit na ang Valentine's, at mukhang aabot ako. Sobra kaming compatible. Iisa ang aming mga hilig. Pareho rin ang aming mga paboritong pelikula at kanta, pati na mga nabasang libro. Naku buti na lang dinagdagan ko yung mga nakalista sa profile ko. Kinopya ko lang sa FB mo.

At sobrang gwapo pa niya! Carbon copy ni Dennis Trillo, pati na yung amerikanang suot niya sa pelikulang Rosario. At sabi niya, cute din daw ako. Buti na lang si Hideo Muraoka yung in-upload kong profile pic. Napansin din tuloy niya yung abs ko.

Hay, isa pang gusto ko sa kaniya, yung ngiti niya. Nakakatunaw kasi. Tuwing may sinasabi siya sa akin, laging may kasamang matamis na ngiti. Demo ko, ganito lang *;-)*. Dali, tingnan mo sa comment niya sa post ko.

Di lang yung smile. Sweet talaga siyang tao. Pagkagising ko pa lang, may bati na yan. Ganoon din bago matulog. At napaka-gentleman niyang manligaw. Lagi siyang dumadaan sa bahay. Eto, pakita ko sa yo sa chatbox ko.

Actually, may nangyari na sa amin. Napansin kasi niyang malungkot ako noon. Niyakap niya ako nang mahigpit, tapos hinalikan. Hinding hindi ko ito makakalimutan, February 11, 2011 11:59 PM.  Siyempre nag-type din ako ng *hugs* at "mwah back at you!"

Kailan kami magkikita? Nagkakayayaan na nga ang grupo ng EB eh. Pero kami, hindi ko pa alam. Malapit na ang Valentine's, pero ayoko munang masira ang aming ilusyong blog-ibig.

photo credit :  corbisimages.com
    

22 comments:

egG. said...

ay ano ba yan.... gusto ko sana magreact.. kaso nakakahiya lol...

parang ako lang... nag-iilusyon ng pag-ibig...madalas sa panaginip... pero yun nga sabi ng isa kong virtual friend.. ang LOVE sa totoong buhay lang nangyayari at HINDI sa internet....

hayyy lang... gud day sean! LOL

Kyle said...

di ko nagets kung tunay o fiction siya.lol

happy weekends kuya sean...

uno said...

happy weekend... ingat po... hehehe
hay ilusyon nga naman

Yj said...

at napa

I throw my hands up in the air sometimes....

lang ako.

nyahahahahaha happy balentayms Sean. sumama na sa EB para makanching na ang boylet na yan hahahahahaha

Mr. Chan said...

diko din nagets. hehehe

HAPPY PUSO! sean

Miguel said...

Hahaha. PAK! Relate!

That's why I've resolved to going out with a guy after meeting him online para malaman kung may fireworks *speaking of which, katy perry mode* at wala nang ilusyong mabubuo na gusto niyo ang dalawa sa chat o text tapos plakda ka lang pala pag totohanan na.

Gusto ko yung word na yun... blog-ibig. pwede rin chat-ibig kaya hang korni na. LOL.

T.R.Aurelius said...

same hir, nagiilusyon din ako with someone, hehe

:D

KikomaxXx said...

weee.... kahit anong ilusyon pa yan basta ikaw chong support ako..wahehehe happy pag-ibig day na malapit na..w ahhe

Sean said...

@egG: ay react ka lang kasi i appreciate your views. yun nga ang tina-try kong kunan ng opinion. kaya ba ang online relationship or kailangan tumawid beyond the virtual world. salamat!

@kyle: haha! adik lang. happy weekend sir kyle!

@uno: happy weekend uno! di ko alam kung kaya ang isang relationship na purely virtual or kailangan somehow maitawid ito.

@yj: happy balentayms yj! naku e di kailangan nga ng EB. hahaha!

@mr. chan: haha labo ba? siguro dahil gutom ako nung ginawa ko o sabog lang talaga ako palagi haha! happy puso mr. chan.

@miguel: salamat! i guess going out lessens the pretensions and allows both parties to determine if there is chemistry and if they can take this forward. chat-ibig haha!

@t.r.aurelius: haha baka di naman ilusyon. malay mo mag-bloom?

@kikomaxxx: naks nadalaw ang rocker! happy pag-ibig day din batman.

Nimmy said...

internet love affair! hot! hehehehe

tim said...

Anu ba yan? Sayang. Try mo kaya, masarap eh. hehehehehe..

Désolé Boy said...

gusto ko...gusto kong mag-comment...
.
.
pero wag na lang..hehe
.
.
soree
.
.
go na sa EB!

Mu[g]en said...

Minsan ay kailangan mo makuryente upang maappreciate kung ano ang tunay sa imahinasyon.

Kiks said...

i love the word blog-ibig. it takes to a higher state ang konsepto ng cybersex,er, cyberlove.

Sean said...

@nimmy & @tim: ay hehehe!

@desole boy: mukhang malaman yung iyong 'no comment', db. comment lang hehe. btw, exaggeration yung post ha (see tag).

@mu[g]en: hi master mugs! negative conditioning as a way of learning. magiging mas maingat na after.

@kiks: haha bagong tagalog word.

Marhk said...

ay EB na dali hehehe
pero ok yan sa cyber love exciting at may kilig! hay naala ko tuloy ang mga papa ko sa internet hahaha

Happy Valentines!!

my-so-called-Quest said...

i read, fiction lang pala to. ahehe. ingat lang! baka madapa at magising..

emmanuelmateo said...

gabi-gabi ako gumagawa ng illusion sa love.haha

happy hearts day!!

red the mod said...

I would offer a word of caution. There is an immense discrepancy between the image of a person online, and how he is in reality. I know this, I've experienced it firsthand. How one can be so misleadingly affectionate in a breath, and totally disloyal behind your back. Truth is, there is always the risk of falling for the idea of a man, not the man per se. A mere version of himself chosen to illicit a specific reaction towards an explicit demographic.

Before it gets any deeper, meet him. And see how he really is, and not some idealized image projected in you-topia.

Oreo said...

Happy Valentines! :)

Kyle said...

happy valentines kuya sean. :D

Sean said...

@marhk: happy valentines! wag masyadong magpaka-busy sa work, papa. sa boys na lang haha!

@my-so-called-quest: haha salamat doc ced! happy valentines!

@emmanuelmateo: happy hearts day din emman! malay mo magising ka na lang, hindi na pala ilusyon hehe.

@red the mod: thanks red! one should really be careful. i can always claim online that i am brad pitt or anyone that suits the fantasies of the other person no? happy valentines!

@oreo: happy valentines day to you too!

@kyle: happy valentines din sir kyle! :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...