Monday, March 28, 2011
Homebody
Tulog na siya. Nakainom ng kaunti at napagod.
Madaling-araw na kasi nang ako'y makauwi. Ilang araw kaming di nagkita kaya't pareho kaming excited. Alanganin na nga lang ang oras para gumayak pa at lumabas ng bahay para mag-celebrate. Nagbukas na lang ako ng bote ng alak, at masaya kaming nagkwentuhan.
Nagpatugtog din ako ng club music mula sa aking telepono. Para na rin kaming nasa bar kako. May mga pinindot siya rito at nalipat sa aming mga speakers ang masayang tugtog. Ramdam mo ang bawat kabog. Nice. Mahilig siya sa gadgets at nagpapakitang gilas ang loko.
Tumayo siya at nagsimulang umindak. Natawa ako. Pinatay ko ang ilang ilaw para mas akma ang ambiance, bago sumabay sa kanyang galaw, sayaw, kanta, tawa. Dalawang mukhang tanga, medyo lasing, at parang kung anong tinira. Parehong masaya kapag magkasama.
Umupo ako sa kaniyang tabi, inuubos ang natitirang alak bago umidlip. Para kaming mag-asawang may edad na. Simple ang buhay, kuntento na kahit nasa bahay. Dahil naniniwala kami na ang isang pangkaraniwang araw o gabi, kadalasan ay siya pa ngang nagiging bukod-tangi.
photo credit: bedstory.blogspot.com
- Posted using BlogPress from my iPad
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
Naiyak ako.
A lot of us have to relentlessly pursue futile attempts at relationships to experience these simple joys.
Sayaw, kanta, tawa.
Yours is one of those relationships I pray would last.
awwwwwwwwwwwww. how sweet!!! idol ko kayo kuya :)
waaaaaaa koya sean ang gandang moment...
parang alam mo yun ung lage kang may kasama.... at may ngiti sa labi mo... at di ka nag-iisa...
kaingget much ka!!!!!!!!!
Parang naalala ko yung mga hapon na sinasayaw ako ni Baabaa sa kuwarto. Ang ganda ng pagkasulat.
galing mo sa pagsusulat ng mga ganito...nakangiti akong binabasa...nakakainggit at nakakatuwa.
Tamang trip. Tamang tambay. Sakto lang! Pero Sweet...kinikilig ako!
Ang saya niyo, kuya sean. :)
There's a sense of profundity in the simplest things. The sort that an aggravated struggle to make sure things work can easily overlook. Sometimes, the most beautiful moments happen when we don't even try to do anything, and just let life happen.
This reminded me of a certain evening, not so long ago. :)
Kayo ang mabuting ehemplo ng magandang pagsasama. Isa ako sa mga tagahanga ninyo.
Naluha at nangingiti ako habang binabasa ito. ;)
i echo iurico. nakakakilig na nakakainggit.loving the last line
Haayyyyy......... =)
good...good..
sweet and romantic
sana sumama ako hehe..
tama si hard..
romantic kayo.gnagawa niyong special ang bawat araw at gabi.
masyado ko sxang navivisualize na sobra akong kinikilig ahaha
For simplicity can outshine even the most opulent and eccentric of all.
In life and in love.
parang natuwa ako ng magkita kayo.. parang telenobela lang.. hehehe...
sweet... ang perfect ng moment... :)
@iurico: thanks iurico. i also hope and pray that it will last.
@nimmy: idol ko rin kayo ni leo :)
@egg: haha! oo nga masarap ang may kasama.
@mugen: club music din ba ang sinasayaw niyo ni baabaa or sweet music? thanks idol.
@akoni: naku maraming salamat akoni.
@mr. g: haha! thanks mr. g.
@spiral prince: oo nga. masaya pag pareho kayong baliw hehe.
@red the mod: hi red. that's true. you have to tell me about this particular evening :)
@louie: haha! naku baliw lang talaga kami louie. thank you :)
@orally: hi bien. haha thank you :)
@ms. chuni: hahaha :)
@desole boy: thanks
@ hard2getxxx: oo nga papa hard.
@emman: ganyan kami kasi inaatake lagi ng pagkasira ng ulo.
@ibanez: ahahaha! thanks ibanez.
@guyrony: i agree. thanks g.
@kikomaxxx: oo nga pang telenobela. di bale artistahin naman kami eh :P
@arjee: haha thanks arjee :)
Post a Comment