Thursday, March 3, 2011

Halik


Hinaplos ng aking dila ang kaniyang malambot na labi. Nang-aakit. Hanggang unti-unting bumigay ang pagkakatikom nito. At malasap ko ang tamis na kanina'y kaniyang ipinagkakait. Ang dating mababaw na pagsisid ay lumalim. Hanggang masuyo ko ang dila niya sa aking laro. At ito'y nagsumamo at sumamang tumikim ng angkin kong tamis.

Nagulat siya sa bigla kong pagkalas. Gumapang ang aking mga labi sa kaniyang pisngi. Tinawid nito ang bagong-tubong balbas sa kaniyang panga, at dahan-dahang bumaba sa kaniyang leeg. Hindi niya naitago ang banayad na halinghing, at nag-iwan ang aking dila ng basa nitong bakas paakyat sa kaniyang tenga. 

Mahina kong ibinulong sa kaniya, "O, akala ko ba ayaw mo na..."

Tumalikod ako at iniwan sa kaniyang kinatatayuan ang aking naging unang guro sa mga aralin ng mundong ito. Di ko mapigilan ang mapaklang ngiti, dahil nalaman ko na kaya ko nang gawin pati na ang pinakamasakit niyang naituro sa akin. 

photo credit : gay-kiss-paradise.blogspot.com
       

21 comments:

Aris said...

wow, i so love this. napakaganda. :)

Kyle said...

kuya sean ano yung tinuro niya sayo? seriously? or di ko lang nagets?hahaha

uno said...

love this one sir sean...

parang alam ko yang itinuro nya nagawa ko n yan ilang beses...

Nimmy said...

*snap snap*

hehehe. go kuya sean! wooot wooot!

Akoni said...

(copy paste comment of kyle here)

nakatingin lang kasi ako sa litrato..hehe

Mr. Chan said...

hahaha.

natawa ako sa last comment, pero ang galing! :)

Mr. G said...

nice!

Sean said...

@aris: thanks aris. coming from one of my fave writers/bloggers, i am very much humbled.

@kyle: ay hahaha! nangyayari din sa tuwid na mundo yan. pero wag sana sa yo :)

@uno: thanks uno! naku ikaw pala ang expert haha.

@nimmy: i love the snaps! hahaha!

@akoni: naku sana di kita naiskandalo akoni haha!

@mr. chan: naku thank you ulit mr. chan

@mr. g: thank you :)

린코 said...

that certainly deserves an applause! hot and sexy, still classy. this has got my seal of approval!

Kiks said...

ayokong makatikim ng ganitong ganti.

dapat minu-minuto ang ganting salakay.

hard2getxxx said...

the best part is yung kissing kasi masarap

Oreo said...

naks lalim ng mga talinghaga...

Louie said...

Tumingin ako sa labels at napa-aaahh ako. Buti n lng na decipher ko din, kung hindi kung ano ano na namang kalokohan sasabihin ko. Lol. Joke lng.

Pero seryoso, sana tama ang pagkaka-decipher ko. Haha!

Happy weekend Sean!!! :)

ISTAMBAY said...

gumaganti ah... hindi naman siguro ang itinturo nya sayo ang naging kasangkapan mo.. maaring nakita mo rin ang kanyang kahinaan. :)

Nowitzki Tramonto said...

whoa...

c - e - i - b - o - h said...

pa-kiss naman jan.. char!!

wink wink..

egG. said...

di ko nagets... namulat ka sa kamunduhan am ryt??? lol

V1nC3 said...

Gustung gusto ko kung paano mo ito isinulat. Kung paanong kaming mga nagbabasa e napapaisip na parang ewan. Haha. *like*

nOx said...

ako din, pa-kiss! charoz!

Sean said...

@린코: thanks nikki!

@kiks: hindi ka naman siguro nang-agrabyado kaya walang gaganti hehe.

@hard2getxxx: agree! masarap nga.

@oreo: oo nga, malalim yung ibang tagalog words

@louie: hahaha! ay binata pa ako niyan louie. :)

@istambay: maaari nga :)

@nowitzki: oh...

@ceiboh: hahaha! mwah!

@egg: ang dating pinaasa at iniwanan ay siya namang nagpaasa at nang-iwan.

@vince: hahaha thank you.

@nox: hahaha! isang basang mwah!

emmanuel said...

wow this blog was nice!!!!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...