Isa, dalawa, tatlo, hinga ng malalim. Relaaaksss... Ayaw pa rin. Itinulak ko siya palayo mula sa aking ulo, pero bumara naman sa aking lalamunan, hanggang sa di ako makahinga. Inom ng kaunting tubig para mahimasmasan at maitulak ito pababa.
Pero doon naman kumapit sa aking puso. Mas masakit. Para akong aatakihin. Naiyak na rin ako ng kaunti sa galit. Medyo nakatulong ito, dahil lumuwang ang kanyang kapit. Hindi na sa puso, pero nandiyan pa rin.
Bumaba na ng tiyan. Para akong sinikmuraan. Namilipit ako sa sakit. Sinubukan ko siyang itulak palabas ng aking sistema. Harumph! Ire! Para akong mapupunit, pero siguro malaki siyang galit o talagang malalim ang kapit. Nang ito'y sumilip, maga na ang aking mga almoranas. Ito'y humulagpos at tumilapon sa duguang tubig ng inidoro. Sa wakas!
Pinindot ko ang flush at bumuhos ang tubig. Kulang na lang ay bahain ang kasilyas, pero andiyan pa rin siya. Maya't maya'y lumulutang. Nanunuya.
Taena!
Heto ako't muling umupo. Baka mas makatulong ang pagsulat ko dito.
(Pasensya na at graphic. Biglaan at walang kwentang kasulatan para lang maibsan ang nararamdaman.)
photo credit : flickr - down town studios
20 comments:
di na ako magpapayo kasi alam kong kinaya mo ngang ilabas kahit masakit ang malimutan pa kaya... basta boss kung ang tanging maitulong ko lang para maibsan yan ay damayan ka sa pamamagitan ng pagbasa eh gagawin ko yan.. wahehehe
wow ang ganda ng comment ni batman.hehehe
oo siguro ito na nga lang ang maitutulong namin bilang cyber readers mo sir sean.
yun nga lang medyo nadiri ata ako dun sa part na hindi sumama sa flush yung dumi.wahahaha
i feel your pain, di rin ako magaadivise, its better to be by your side.
:)
nosebleed aketch sa entry na itech lol hahaha :D
-----
hanapin ko na lang yung poging drummer ng banda 12 para sayo... hahaha joke...
---
hope youre OKAY sean... enjoy lang and be happy ika nga ni pareng jollibee :)
Sa yo ko pare. Kung anuman yan, nawa eh makayanan mo lampasan.
damang dama ko te! hahahah
ano bahhhhhhhhhhhhhhh! LOL
hahaha, actually astig yung imagery, i liked it, :D
kaya yan parekoy... hindi yan literal na tungkol nga jan sa subject mo.. may pinaghuhugutan ka no..
pero TIBE ba hehehe.. joke..
kaya yan.. :)
may times na kailangan natin magdasal para bigyan tayo ng dios ng peace of mind
madali namang magpatawad eh..una,ask the lord to guide you na sana bigyan ka niya ng wisdon to forgive.Pagpapatawad ang susi upang tayoy maging malaya sa ating mga nraramdamang sakit/.
@kiko: maraming salamat batman. sobra akong nahipo sa comment mo, thanks :)
@kyle: galing nga ng batman no? feeling ko tuloy ako ang pinakabata sa atin na pinagpapayuhan niyo. haha oo nga kadiri yung image no?
@t.r.aurelius: thanks for empathizing with me theo. good luck nga pala sa studies and see you soon sa blog.
@egG: ahaha! buti nose hindi ibang part. sige nga bigyan mo ko ng drummer boy paramparampam to comfort me hehe. i feel better today, maraming salamat. appreciate it!
@desperate houseboy: salamat dhouseboy sa iyong empathy. nakipag-eb ka daw with suplado ob. i hope enjoy yung gimik niyo.
@uno: haha! very raw nga. tuloy tuloy kong isunulat para mailabas lang sabay post agad. nilagyan ko lang ngayon ng space ang paragraph para mas madaling basahin.
@mac callister: ahahaha! tawa naman ako sa yo!
@iprovoked: haha uy maraming salamat pare :)
@istambay: yeah meron ngang pinaghuhugutan ang metaphor. haha TIBE nga! salamat!
@hard2getxxx: thanks papa hard. oo nga Siya ang laging takbuhan. minsan nga lang, nakakaligtaan ko rin. salamat sa pagpapaalala.
@emmanuelmateo: thanks emman. tama ka. minsan nga lang hindi ko alam kung bakit napakahirap. sana ma-receive ko yung grace na ito from Him.
haha..natuwa naman ako sa pagkakalahad mu neto..:)
grabe.. gumagana ang aking malikhaing imahinasyon.
bawas sa fiber!!! hahaha!
napaisip ako ng bongga dito ading! relaaaaks lang! inom ng tubig! relaaaaaks! hihi
nakatulong naman ba ung pagsulat mo??? :)
teka ano kaya tunay na problema! dont worry everything will be settled, upo ka lang hehe
@renz bacani ginez: ahaha. kumusta na pen?
@iamapv: uy fertile ang imagination natin ha. kumusta ang school?
@wanderingcommuter: haha oo nga lalo na sa saging.
@nimmy: welcome back ading! haha kailangan ko rin ata ng bonggang vacay like yours para mag-relaks. nakatulong rin naman ang pagsusulat, di na high blood.
@keatondrunk: naku maraming salamat parekoy. eto try wag nang ma-high blood
wag na lang masyadong magpa-affect sa kanila... hayaan mu na,..
smile..
@ceiboh: thanks kiko! :)
Post a Comment