Sunday, February 20, 2011

Couple's Massage


Mabisa raw na gamot para sa lungkot ang retail therapy. Kaya naman lumarga kaming mag-asawa para maglustay ng kaunting pera para sa panandaliang aliw.

"Dalawa. Yung magkapatid na lalake," ang sabi ko sa counter sabay turo sa kanilang litrato na nasa manipis na photo album.

"Sir, umuwi sila ng probinsiya," sagot ng bantay sa akin.

"Sige. Kahit sino na lang, basta yung magaling," baling ko sa kaniya.

Hindi naman kami namalengke ng lalake. Matapos mag-shopping ay dumeretso kami sa aming suking masahista. Couples massage, iisang kwarto, may salamin ang pinto, kita sa labas, walang hanky-panky.

Naligo, nagpapawis sa sauna, nagbihis, at dumeretso sa kwarto. Bitbit ng isang bantay ang dalawang lalakeng masahista, bago lang daw pero magaling. Dumapa na kami at inialay ang aming mga murang katawan.

Marunong ngang humagod ang aking masahista. Alam niya kung asan ang mga buhol sa aking kalamnan. Humihilik na ang aking asawa kaya't mukhang bihasa rin ang natoka sa kaniya. Halos makatulog na ako nang may maramdaman akong idinudunggol sa aking kamay.

Inilipat ko ang mga kamay at braso sa aking tagiliran, pero nangyari na naman nang pumuwesto ang masahista sa tabi ko. Umiwas ako, ngunit kinuha niya ang aking braso para masahihin at inilapag ang aking kamay sa kaniyang harapan. Malakas ang loob, kahit maraming tao sa loob at labas ng kwarto.

Nang di ako kumagat, pinatihaya na niya ako at kinumutan. Inuna ang mga paa, at sa ilalim ng kumot, gumapang ang kaniyang mga kamay paakyat. Pinigilan ko ang mga ito nang nagsimulang maging Lingam massage ang serbisyo.

Matiwasay na ring natapos ang masahe, at umalis na ang dalawang therapist. Itinulak ko ang makitid na kama hanggang mailapat ito sa kinalalagyan ng aking kasama. Inilatag ko ang kumot sa ibabaw namin at umakap sa kaniya. Doon ako nagpaubaya at sumamang mangarap sa aking humihilik na asawa.

photo credit : iboysky.com
 

22 comments:

린코 said...

pardon my ignorance but what is Lingam? haha, i seriously dont know what that means...

Anonymous said...

lingam- an indian word which refers to male piano charot! organ pala! hahaha.

sana tama ako.. naaalala ko pa kc bumili ng kama sutra ang isa namin babaeng kaklase. tapos, yan na ang tawag namin sa class namin. ang "14 lingam, 36 yoni".

Louie said...

Lingam, as they say is very popular in Cebu, mejo nahahaluan nga lang daw ng kalaswaan because some use it as a means of prostitution which is not entirely the essence of it.

Sana ay nakapagrelax ka ng mabuti sa pagpapamasahe mo kasama ang iyong asawa. I also hope it helped at least to ease the tension you felt the past few days.

Happy Sunday Sean! :)

Akoni said...

parang gusto kong masubokan ang lingam massage...

Akoni said...

parang gusto kong masubokan ang lingam massage...

egG. said...

ay grabe..... inosente ako sa mga ganito ah.. lol... never pa kasi ako nagpapamasahe..

me ganyan pa lang aktibidad... parang ang sarap tuloy magpamasahe lol...

pero sana sa babae na lang kayo nagpamasahe yung sa seksi... para di talo lol joke....

-----------

congrats ah.. ang loyal sa asawa.... beri gud!!! :) buti at di mo pinatulan si kuya masahista.. hehehe.. buti di ka bumigay...

berigud...

(tama ba pagkakaintindi ko sa entry mo?)

uno said...

gusto ko ng magpamasahe

Miguel said...

Damn that's sweet. Clap clap, sean. Clap clap.

T.R.Aurelius said...

never heard of lingam...hehe

matry nga hahaha nyuk!

:D

Lalaki Daw Po said...

ay makapagpamasahe nga din ng lingam na yan haha

Nowitzki Tramonto said...

like ko yung last na paragraph :) ang sweet kasi. at buti hinde ka kumagat. nice. wagas ang iyong pag-ibig sa iyong kapareha... haypayb!

Kyle said...

isang dalisay at tunay na pag-ibig talaga ang iyong alay kuya sean sa asawa mo. :D

KikomaxXx said...

sarap naman... parang kailangan ko narin ata ng masahe... di pa ako nakakaexperience ng masahi mula nung lagnatin ako... 5 years ago.. hahaha.. hilot pala.. hahaha

emmanuelmateo said...

nakakrelax kaya yun..napanood nio na ba ung indie film na serbis?ganun na ganun ata..dko lng alam kung paano gawin.

Mr. Chan said...

hehehe... ako thai massage lng na experience ko at yung traditional hilot :)

hard2getxxx said...

ako never ako naging fan ng masahe ewan ko ba hehehehe

ISTAMBAY said...

hindi pa ko nakakaranas ng ganyan na magpamasahe sa iba... inosente ko sa ganyan hehehe...

Kiks said...

san ba ang best place para magpa-lingam?

and as for the happy ending, syempre, with the one you love (kahit hindi naghihilik...)

~Carrie~ said...

Yan ang susunod na aktibidades na gagawin ko with my boylalet. Thanks for sharing

Sean said...

@린코: anony's answer below is correct.

@anonymous: thanks for the technical definition. sana pakilala ka anon hehe.

@louie: yeah it's popular in cebu. thanks louie, nakatulong nga siya sa akin. hope you had a good weekend too!

@akoni: haha subukan mo nga at sabihin sa amin kung ok.

@egG: ay haha. virgin ka pala sa masahe. naranasan ko rin yang masahe with a sexy girl. lalong mas aggressive haha. oo tama, di ako bumigay hehe.

@uno: go na! kakarelax.

@miguel: haha thanks miguel.

@theo and @lalaki daw po: nyahaha! sige i-try niyo at mag-report back sa amin.

@@nowitzki: ahaha. thanks nowitzki. sana nga di rin ako matukso sa mga susunod na pagsubok. apir.

@kyle: sir thanks. ang lalim ng tagalog natin. may kaibigan ako dati na ang pangalan dalisay. sabi ko sa kaniya, paano pag di ka na virgin, dapat palitan mo na pangalan mo haha.

@kikomaxxx: ay hilot pala haha. meron din akong suking hilot massage sa bulag na sobrang relaxing.

@emman: ay di ko pa napapanood yan. sige check ko nga. mukhang interesting.

@mr. chan: nakikiliti ako for some reason sa thai massage kasi stretching siya. gusto ko rin yung hilot!

@hard2getxxx: baka dahil nakakapagod antayin yung extra service. joooke! uy bago avatar natin?

@istambay: virgin ka rin pala banjo sa masahe hehe.

@kiks: sa cebu marami ata hehe. dun sa pinuntahan namin wala dapat, ewan lang dun sa therapist.

@carrie: balitaan mo kami kung ok yung massage para makapunta din diyan. sg ba o manila?

shenanigans said...

at saan naman tong massage parlor na itey?

mapuntahan nga!

ang HOT nung nasa pic ah!

c - e - i - b - o - h said...

ay uu nga ,, saan ito?? ahahaha
hongsarap kaya tlgang magp-massage,, kawala na stress ng ktawan.. hehehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...