Saturday, April 16, 2011

My Sandwich Guy

Una kaming nagkita sa isang dating tambayan. Nakatayo siya sa isang sulok na may bahagyang liwanag. Tulad ko, siya'y nag-iisa, nag-aabang, nangingilatis, at kinikilatis. Napansin namin ang isa't isa dahil pareho kaming may stubbles. Bahagyang pagtango, makahulugang ngisi, at nagkaintindihan na kami.

Bihasa siyang humalik. Pareho kaming halos mabaliw sa paglalaro ng aming mga dila. Ngunit bitin. Hindi pala kami tugma nang higit pa rito. Pareho na lang kaming natawa, at mabilis na nagpaalam sa isa't isa. Pero doon nagsimula ang di inaasahang pagkakaibigan ng dalawang anino sa dilim.

Ibang gabi, ibang tambayan. Tanaw namin ang isa't isa, kapwa nagtanguan. Meron siyang pinopormahan, ngunit pumalag, kumawala. Lumapit ako't ngumiti sa mailap na loko. Kinilatis ako nito, bago hinawakan ang aking palad. Kinuha ko rin ang kamay ng aking kaibigan, at tatlo kaming humayo sa dilim.

Ganyan kami kung aksidenteng magkita. Sino man ang makasilo, o pag sabay na nangaso, laging pinagsasaluhan. Ngunit mula nang ako'y mag-asawa, hindi ko na siya nakita. Wala na rin sa diet ko ang sandwich. May asawa na rin kaya siya? Nakahanap ng bagong partner in crime?

Minsan may nasasalubong ako sa labas na kamukha niya. Hindi nga lang ako makasiguro. Dahil sa ilalim ng liwanag, mahirap mamukhaan ang mga nakilala mo sa dilim.

He's a cross between the two guys above. 

photo credit: loveadonis.blogspot.com, tarantino.info.com

23 comments:

린코 said...

oh crap he must have been really hot... why don't i see people like those?? hahaha

Kiks said...

delicious... entry. ;-)

KikomaxXx said...

weeee... di nga ?! hahaha... im not against or something chong ha pero di ba nakakatakot pag-alam mong callboy yun eh di ba prone din yun sa sakit.. haha ako na ang sanitary freak.. hehehe

Spiral Prince said...

I rather like the last line, kuya sean. :) There's something magical and profound about it. hahaha. Over-analysis again.

orally said...

napa-reminisce ako bigla.

i love sandwiches, hot or cold, open or closed LOL

"sharing is believing"

Leo said...

when i read entries like this, parang naririnig ko ang voice-over sa background, parang indie film na maguuwi ng awards mula sa cannes film festival. super galing mo idol. wala kang katulad. very sensual ito. :)

Kyle said...

agree ako kay kuya leo. parang indie film nga. pwede ka na talaga writer sa mga ganon kuya.

Mac Callister said...

hot siya kung hawig jan!hehehe

Nimmy said...

nag-iba ang panlasa mo ading. hehehe.

gwapo ha! KPOP! :)

egG. said...

ikaw na ang busog sa makadilimang gawain.. ay char char ko lang...

ang lalim eh.. di ko gaano nagets.. hehehe.. pero penge nga sandwich lol hehehe..


joke lang po sir sean. hehehe kornicks lang lol

uno said...

partner in crime wow ah...

well wish him well that he may find also his own happiness by settling down down soon...

mahirap din ang palaboy laboy di ba hanap dito hanap doon ....

hard2getxxx said...

kilala ko yung guy sa rigth si joe odagiri

hmm sandwich kala ko pagkain iba pala hihihihi

Mr. Chan said...

andami mong narereminisce :) hehehe

c - e - i - b - o - h said...

wow... kakaiba naman ito.. hehehe
parang ang hirap naman mag-cross ng looks dun sa 2 pic kasi halos magkamukha para sa akin.. hihih

daniel said...

Ang pogi niya, kung ako rin yun di ko rin siya makakalimutan. :)

nOx said...

mahilig ka talaga sa chinito ateng :))

Sean said...

@nikki: hahaha! pareho pala tayo ng taste.

@kiks: hehe. sana nabusog ka, kiks.

@kikomaxxx: kiko, di siya callboy. slut lang. like me then hehe.

@spiral prince: aw, thanks sp. you're very kind. :)

@orally: dapat clubhouse sandwich pare maraming sahog at maghahati hati lol.

@leo: ay maraming salamat leo hehe. indie film na maraming naghuhubad.

@kyle: salamat din kyle haha. hope you're ok na.

@mac callister: hot nga siya haha! at least for me. pero mas hot kaming dalawa haha! noon.

@nimmy: oo nga kpop! medyo bad boy onti dahil sa stubbles.

@egg: ay hahaha! tama ka sa makadilimang gawain. ganda naman ng pagkakasabi mo nun!

@uno: yeah siya ang dati kong nameless na partner in crime. sana nga nag-settle down na rin siya.

@hard2getxxx: papa milch ikaw talaga ang expert sa asian cinema. ikaw ang pan-asian version ni boy abunda hahaha! naka-try ka na ba ng sandwich? mabubusog ka ;)

@mr. chan: haha marami nga. ibig mo ata sabihin, malandi ako dati. :P

@ceiboh: oo nga halos magkamukha. mas yung kaliwa pero mata nung nasa kanan hehehe.

@daniel: ay pareho pala tayo ng taste daniel. ako kaya, naaalala pa niya (feeling guwapo much? jk)

@nox: hahaha! oo nga nox sobra! chinito ka ba? joooooke!!!

nOx said...

u-huh! i'm chinita kaya like heart evangelista. lalo na pag bagong gising. choz!

Sean said...

@nox: hahaha! kaya pala you hide behind those shades. marami masyadong mame-mesmerize sa iyong heart evangelista eyes hehe.

nOx said...

ayan, nagpalit na ako ng fecture. pero nakapikit pa din. hahahaha!

Sean said...

oo nga nakapikit pa rin hahaha! para nga di masyadong maraming maakit hehehe!

린코 said...

i'm in love with our asian features. asians are my weakness lol

hard2getxxx said...

never ko pa natry ang sandwich hahahaha and im not refering sandwhich na pagkain

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...