Saturday, May 14, 2011

Binatilyo


Pasimple kong iminulat ang isang mata para silipin kung gising pa siya. Ang hirap din palang magkunwaring tulog. Sana'y di niya napansin ang di ko mapigilang pagkurap at pekeng paghinga nang malalim. Nakapikit siya. Nakaidlip na nga kaya o tulad kong nakikiramdam, naghihintay.

Dalawa kaming Southeast Asians na nasali sa maikling programa ng isang paaralan sa kabilang dulo ng mundo. Ilang buwan na kaming magkaibigang matalik at pareho kaming malungkot sa nalalapit nang pag-uwi. Naisipan naming uminom nang gabing iyon, at nang makauwi ay parehong may tama.

Umungol siya. Bumangon ako't umupo sa kaniyang kama. Inilapat ko ang aking kamay sa kanyang noo para tingnan kung siya'y nilalagnat. In-adjust ko ang thermostat bago nahiga sa kaniyang tabi. Hindi pa rin ako makatulog. Nag-iisip nang nakapikit. Hanggang sa lumapit siya at humarap sa akin.

Walang umiimik, ngunit parehong nagungusap ang aming mga mata. Lumakas ang kabog sa aking dibdib, at alam kong ganoon din sa kaniya. Inakap niya ako, namin ang isa't isa. Dalawang bagong mulat, parehong di sigurado sa kanilang gagawin. Parehong nagkasya sa pag-idlip nang magkayakap, magkasama.

Nagising ako na excited siyang nakaturo sa bintana. Nagliwanag ang aking mukha at nag-unahan kami palabas. Tiningala namin ang langit at pinanood ang marahang pagbagsak ng puting pulbo sa aming mukha, palad, katawan. Sa gitna ng busilak na kapaligiran, di mapigilan ang ngiti ng dalawang binatilyong nagsasalo sa kanilang unang karanasan.

photo from here

20 comments:

imsonotconio said...

who are those guys?

ZiP Reid said...

nice.. :)

Mugen said...

Iba talaga ang first time. Hindi ba hinanap hanap yun nung dalawang binata pagkatapos mangyari ang pagniniig?

Mac Callister said...

siya ba bf mo now? :-0

my-so-called-Quest said...

very nice. the first time i'll see a snow, i'll make it memorable too. and that's soon! :D

Spiral Prince said...

Ang ganda.:) Matagal ko na ring gusto makakita ng niyebe.:)

Desperate Houseboy said...

Feel na feel ko tong post mo. Kaso, hindi pa ko nakakakita ng snow :(

Kapitan Potpot said...

Same question with idol Mugen. Haha!

Beautiful, kahit ako, nais ko ring makakita ng niyebe. :)

Nimmy said...

Gusto ko din makakita ng snow kasama ng taong malapit sa puso ko... Eeeeeeeee.

egG. said...

snow pala ang tinutukoy sa kwento...

lalim lang talaga... hanep..

akala ko me bago kang nadiscover then.. you know.. yun lang bow.. hehehe :)

bien said...

nakakakilig naman ang first time nila.

zeke said...

pag malamig maraming pwedeng mangyari! wahaha :p nice one.

dario the jagged little egg said...

Ganda ng pagkakasulat sis' naiimagine ko yung senario : )

Anonymous said...

fition na naman ba ito chong ? hehehhe

Anonymous said...

galing! :)

iniimagine ko ikaw un. LOL

Sean said...

@conio: napulot ko lang sa net, conio.

@zip reid: thanks :)

@mugen: hahaha! hindi naman. siguro parehong inexperienced kasi.

@mac callister: hindi pero pareho sila ng pinanggalingang bansa.

@doc ced: thanks. i'm sure it will be a magical experience. i'm excited for you.

@spiral prince: thank you :) wag lang blizzard.

@desperate houseboy: salamat dh. balang araw?

@louie: hahaha! parehong di marunong kaya siguro di hinahanap. thanks and balang araw :)

@nimmy: hahaha! planuhin ang trip with leo hehe.

@egg: tama ka rin naman. parehong nangyari :)

@orally: haha. parang ang tagal tagal na...

@green breaker: tama ka diyan hehe.

@daniel: salamat sis :)

@kikomaxxx: true to life naman batman hehehe.

Sean said...

@mr. chan: sir, ako nga yung isa dun :)

Blakrabit said...

Nice one! :) ang sweet naman. So, first time mo talaga yun?

Sean said...

@blakrabit: thank you :) puppy love, bitin na first time haha.

enzo said...

ganda...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...