Tuesday, May 10, 2011

Kisap


Matapos itaktak ang stick ng yosi sa kaha nito, isinubo ko ang dulo ng filter at ikinasa ang lighter. Kumisap ito ngunit hindi nagliyab.

Pinagmasdan ko siya. Kanina lang ay ang saya naming dalawa. Kailan lang nagkakilala pero mabilis nakagaanan ng loob, makahulugan ang usapan, may katatawanan. Hanggang sa humantong sa inaasahang kapusukan. Kasunod nga lang ay ang bigla naming pagkapagod.

Nakakapagod. Ang ngumiti. Maging sharp at witty. Mag-ayos. Mag-gym. Maging kaakit-akit. Hanapin ang kaniyang kiliti. Ipaalam kung saan ang sa akin. Tantiyahin kung gusto niya ng dirty talk. Impit ba o ungol. Marahan o marahas. Magpaasa. Umasa.

Pinanood ko siyang magbihis. Sa bawat saplot na kaniyang isinuot, unti-unting nanumbalik ang itsura niya nang kami'y magkakilala. Kanina'y hello at kumusta. Sa ilang saglit nga lang, isa na namang pamamaalam.

Makailang beses kong inalog ang walang kwentang lighter bago ito muling ikinasa. Tulad ng dati, kumisap lamang ito, ngunit hindi tuluyang nagliyab.

photo credit: shgay.com

22 comments:

peripheralviews said...

:)

it was a nice read. down and cryptic but it said a lot.

thanks for sharing.

Toilet Thoughts said...

Walang fire.

The lighter said it all.

cool allegory. (nakarelate ng sobra si peripheralviews, haha)

Juan der Last said...

Baka pagod na ang lighter kaya di na siya nagliliyab. Kagaya ko. Chos. Hehehe.

Ang galing nga, Sean. :)

iamallan said...

sh*t! hindi ko naintindihan si lighter.. obob ko tlaga.

Mugen said...

nakakapagod maging yosing hindi nagbabaga. Hehehe.

lonewolf said...

nice

nOx said...

congrats! naka-move on kna kuya :)

Akoni said...

Nice to read pero hindi ko masyado na digs...or hindi lang ako nakarelate?

egG. said...

lalim....

Kyle said...

hindi lang spark ngayon kundi nag-fire na yung lighter mo kuya sean kasi nakita mo na yung asawa mo. :D happy for you...

definitivegarbage said...

wala ng fluid ang lighter, mapurol na ang flint, napagod na ang hinlalaki sa kakagamit ng thumbwheel, o kaya wala ng wick.

Your extended metaphors are brilliant, as always.

green breaker said...

so, wala na talagang spark? :p

Louie said...

I worried a bit, buti n lng nagbasa ako ng label.

Your metaphor for lighter is amazing. Sean, isa kang inspirasyon sa marami. :)

KikomaxXx said...

wala na ba talaga chong :(.. sad naman... eh kung ganyan lang naman eh gumamit ka nalang ng posporo.. ehhehe... i miss your writing chong... ang saya mag-isip ng malalim.. hahahah

Spiral Prince said...

Naalala ko tuloy ang aking mapusok days, sans the gym-body, twink kaya ako, chos. Pero grabe kuya Sean ha, lighter pa lang yan! Lighter! Tapos eto na ang nasulat mo. Galing. :)

ISTAMBAY said...

sir, matagal ako hindi nakasubaybay sa blog mo sa aking pagkawala s blogsphere.. pero magcomment ako na rerelate dito ha...

kung disposable ang lighter na hawak mo... wala ng choice kundi i dispose na nga iyan, hanggang kisap na lang yan at hindi na sisindi pa.. pero kung refilable naman, alam mo na sir ang gagawin... gets nyo po ba?

magandang araw sayo:)

~Carrie~ said...

All spark, no flame. Nice post :)

orally said...

Ohhh the joy of casual sex.


kakabasa ko lang ng bulong, nalungkot naman ako dun

Mr. Chan said...

Nice Sean! :)

napakamalikhain ng mga ideya mo! :)

mas madalas mahilig akong umungol. LOL

Keatondrunk said...

muli isang maalab, madamdamin at makahulugang post. hope things will be fixed..

Sean said...

@peripheralvies: thank you pv :) btw, your photo looks familiar. from another profile.

@toilet thoughts: thanks tt. pugon din ba si pv? haha.

@juan der last: pagod na rin pala lighter mo hehe. thanks juan :)

@iamallan: bata ka pa kasi. di pa jaded sa experiences haha :)

@mugen: totoo yan! hehehe.

@lonewolf: thanks papa milch.

@nox: oo nga nox :)

@akoni: maaari ngang di lang relate :)

@egg: ingat baka ka mahulog :)

@kyle: oo nga! thanks kyle. musta na? long time no hear.

@definitivegarbage: all of the above ata dg. thank you :)

@green breaker: after that nagliyab sa isang kasunod :)

@louie: haha buti na lang pala na-label ko correctly. thanks louie :)

@kikomaxx: hoyyy ang tagal mong nawala. missed you and welcome back!

@spiral prince: ako rin naaalala ko ang aking gym body. kung twink ka ako ata ngayon daddy :'( thanks sp.

@istambay: oo nga ang tagal mong nawala! missed you banjo and welcome back. hahaha! got it! thanks.

@carrie: yes. thanks carrie :)

enzo said...

sad reality... :(

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...