Tuesday, February 1, 2011
Bakla, Bakla, Paano Ka Ginawa?
Minsan napapaisip ako, paano nga ba ginagawa ang isang bakla? Paano ba ako naging ganito?
Kasing-simple lang ba ito ng isang recipe? 1 inosenteng kaluluwa, 1 kutsarang fairy powder, 1 yardang rainbow, 2 tasang Pagoda cold wave lotion, 1 pirasong higad, 1 kurot na paminta. Paghalu-haluin ang mga ito at voila! Isang baklang kaluluwa ready for delivery dun sa magtatagpong itlog at semilya ng dalawang nagkakantutang magulang-to-be na parehong magiging in denial sa kasarian ng kanilang magiging anak. Ang assumption dito ay ipinanganak akong ganito.
Pwede ring nagsimula ito nang madungisan ang aking kamusmusan ng isang binatang kinupkop at pinag-aral ng aking mga magulang. Taena ikaw ba naman ang jakulin araw-araw kahit di ka nilalabasan. Kung di ba naman umalma yang betlog mo at gustuhin na lang nitong maging ovary at fallopian tube.
O baka naman nung nakasabay kong maligo ang PE teacher namin sa elementary pagkatapos ng swimming class. Pucha naman, braso ko na kaya yun. Balbon pa. Pakiramdam ko, dun yata ako mas nalunod sa shower, hindi sa swimming pool.
Naku mahaba pa ang listahan ng mga posibleng pinagmulan ng aking kasarian. Lahat yan ay pinag-isipan ko na, pero hindi ko pa rin alam ang sagot. Siguro, dahil na rin sa dalas kong i-deny sa sarili ko noon kung ano ako. Na hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin inaamin sa ibang tao.
Pero matagal ko nang tanggap ang sarili ko. Kailan kamo? Nung makilala ko siya. Nang mapagtanto kong mahal ko siya. At maramdaman ko ring mahal niya ako. Ang aking pagkatao. At natutunan kong mahalin ang sarili ko dahil dito. Di ko man alam kung kailan ako naging ganito, pero noon ko tinanggap nang buong-buo na bakla nga ako.
photo credit : soyezvousmeme.wordpress.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
25 comments:
wow.. congrats dude.. :)
Basta kung ano ka at mahal ka ng taong mahal mo, i guess enough na yun str8 ka man or not
it's not what you wear, it's not what you eat, not the things that you say and never the things that run through your head.
it's whatever makes your heart skip a beat.
gusto ko yung part na narealize mo kung bakit ga ganyan at yun yung time na me nagparamdam sa yo na mahal ka niya. pangbalentayms to pre ah.
This is a funny anecdote. Galing!
award ang pagoda cold wave lotion! me ganun pa ba ngayon? hahaha
wahahaha natawa ako sir sean dito.LOL
basta nakakatuwa ka kasi magkwento. na-entertain na naman ako. :D
pero striking nga yang huli mong mga linya. good for you sir you're contented and happy.
good luck sir sa job hunt. :D
wala naman sa kasarian ang pagmamahal dba..at least po alam mo na sa sarili mo na isa kang gnyan.ako,dko ma decide kung ano ba tlga ako hehe
NICE! :)
Respect lang ang kailangan :)
maging totoo lang sa sarili, nandun ang kasiyahan. hindi na importante ang iisipin ng ibang tao, ang mahalaga magiging totoo ka na sa sarili mo. o diba? be happy always. enjoy life...
chheerrzz parekoy.. ay marekoy pala.. hihi^__^
wow...at least kilala mo ang sarili mo ngayon :) natawa ako dun sa mga ingredients hahaha.. magluluto ba ng bakla? LOL
--------
buti pa u me nagmamahal sayo hehehe. enjoy enjoy phoowwzzzzz :D
amen.
pagmamahal sa sarili, yan naman ang importante.
haha..XD
ang importante kung saan ka masaya dun ka.
and karamihan na sa in denial stage pa
nadungisang kamusmusan. it's a good theory. yan din ang naiisip ko dati kung bakit...
haist. ako din sexually abused nung bata pa ako. pero okay na yun. i mean, i've accepted it na. pero napapaisip ako minsan, kung hindi kaya nangyari yun, straight ako ngayon? hehehe..
at least your accepting who you really are.... possible rin na nasa hereditary ang cause... pr perhaps maybe.... yung border ling between the masculine side and feminine side of a male, maybe you're more comfortable sa feminine side kaya naging ganyan ka....
:)
natawa ako sa comment ni nox.
andaming na-molestya dati ah.
@ kikomaxxx : salamat batman :)
@ thecuriouscat : oo nga, salamat.
@ alter : aww that is cute!
@ desperate houseboy : tamang tama. first post for february.
@ yas jayson : buti napatawa kita yas. salamat!
@ nox : ahaha! check ko sa parlor sa kanto.
@ kyle : buti na-entertain kita sir kyle. oo happy naman ako. maraming salamat :)
@ emmanuelmateo : ang lalim pero tama. ay matagal ko ring pinagdaanan yan.
@ mr. chan : parang aretha franklin ang dating sa akin niyan!
@ istambay : salamat sa payo. thanks parekoy haha.
@ egG : mahirap lutuin yan. oo nga buti meron hehe. salamat din!
@ the geek : yup! that's right, thanks.
@ renz bacani ginez : XD
@ hard2getxxx : thanks hard. oo nga matagal din akong dumaan sa stage na yun.
@ nowitzki : baka one of, hindi ko alam. pero i'm sure nakaapekto sa kin yun...
@ nielz : oo nga naitatanong ko rin sa sarili ko yan. accepted ko na rin pero di ko pa siya napapatawad. di naman kasi humingi ng tawad eh haha.
@ theo : yeah, tanggap ko na who i am. :)
@ nishiboy : ahaha oo nga! ngayong ko din lang na-realize na marami nga. di ko kasi nai-share din before sa iba.
ahihi..hongkyut ng recipe.. :D
haha! ang kulet ng recipe! pero dba iba iba naman yung paraan kung paano maubuo ang isang HAPPY MAN!
pero i thank God kasi may mga HAPPY MAN ngaun kasi nagi2ng makulay ang ating world! :)
mabuhay ka sean! haha...
so these are the reasons why we exist..
haha... i got my own versions too.. pero i think it's not yet the right time to share.
haha..
@pipay: ay para kyut din yung baklang mabuo!
@ish: yes sing-kulay ng rainbow!
@arvel: haha sige share mo lang din pag ready ka na :)
ahahaha naku. . .may ingredients pla. . sana nagkulang nalang ako nang isang ingredients para hnd nabuo ang recipe ahaha
@ibanez: ahaha! baka naman nangyari tibo ang kinalabasan mo. pareho din pala haha!
Post a Comment