Sunday, January 9, 2011

Bakla Nga Ba Si John Travolta?


Bakit ba laman ng tabloid at showbiz balita ngayon ang sa kung bakla nga ba si John Travolta? Na isang malaking kasinungalingan daw ang pagsasama nila ng kanyang misis na si Kelly Preston? At mahilig daw siyang makipagniig sa kapwa niya lalake lalo na sa mga pribadong spa?

Naalala ko yung minsang napadala ako ng aming kumpanya para lumahok sa isang linggong training sa ibang bansa. Linggo ako dumating, nag-check-in, at sabay tumuloy sa health center ng hotel para mag-relax. Nag-treadmill ng kaunti para mabanat ang aking katawan na nangalay sa biyahe, sabay deretso ng sauna para ituloy ang pagpapawis.

Dahil siguradong walang makakakilala sa akin, iniwan ko ang aking pagkamahiyain sa locker at hubo't hubad akong nagpalipat-lipat sa sauna, steam room, at jacuzzi. Habang ako'y naka-upo sa loob ng sauna, may dumating na lalake. Caucasian, matangkad, matipuno, may itsura.

Naupo siya sa tapat ko, at magkaharap naming nilasap ang init. Nakatitig lang siya sa akin. Pinagmamasdan ang unti-unting pag-usbong ng aking pawis, kasabay ng pag-usbong ng kaniyang pagkalalaki. Ngumiti siya sa akin. Nagpakilala at inabot ang kaniyang kamay. May singsing.

Habang pumipitik pitik ang imbitasyong nakaturo sa langit, nag-usap kami nang sandali. Mga ilang segundo rin siyang hindi nakasagot nang kinumusta ko ang pamilya niya, pero inamin niyang naiwan sa bahay ang asawa't anak. Nang halos di ko na makayanan ang init, hindi lang ng sauna, tumayo na ako at nagpaalam.

Kinabukasan, nagsimula ang training. Iba't ibang mga attendees na noon ko lang nakilala. Dumating ang trainor at pareho kaming napatda. Ayos ang buhok, naka kurbata't amerikana, pero nakilala ko pa rin siya. At ang kaniyang singsing.

Kinagabihan, bumalik akong muli sa health center at inulit ang aking routine. Nagkita kaming muli sa sauna, pero maligamgam na ang singaw ng makina sa loob nito. Sandali uli kaming nagkwentuhan bago ako nagpaalam. Kumaway siya at napansin kong wala na ang kaniyang singsing.

So bakla nga ba si John Travolta? Hindi ko alam at ayaw ko siyang husgahan. Kung totoo man ito, napakahirap siguro ng kaniyang sitwasyon. Dahil para sa isang John Travolta, hindi sapat na hubarin lang ang suot niyang singsing bago maaaring magpakatotoo sa kaniyang sarili.

photo credit : 711sauna.blogspot.com
    

21 comments:

KikomaxXx said...

aw di ko parin magets ang logic sa mama at kay john travolta... so ewan ang sagot ko.. hahaha

Diamond R said...

ang pagaasawa ay kagustuhan mong magkaroon ng sariling pamilya at ito ang kaligayahan mo. Lalaki or babae. Ngayon kong may iba kang ginagawa kahit may asawa ka na malaking kaguluhan ito.
Parang ang gulo ko yata.

anyway ano ang nangyari kay john travolta?

Alter said...

may mga taong handang bitawan ang mga importanteng meron sila para sa maituturing lamang na bisyo.

Kyle said...

Mahirap nga po yan. Kung totoo man or hindi yung paratang kay JT, ay nasa kanya parin ang kasagutan. :|

Mahirap talaga na pumasok ka sa isang straight relationship na hindi mo naman kayang pangatawanan dahil sa huli ay ikaw rin ang mahihirapan. hay

nyabach0i said...

pusok ng puson yan. mahirap kasi magjudge ng tao. :) basta ako pro choice. yun lang! hehe.

JR said...

nakakaloka ka tsong! hahaha..

Nielz said...

Ewan ko kung bakla si john travolta.. Pero ang kyut kyut kyut nya sa hairspray. napanuod mo na ba yung movie? Nakakatuwa sya. super. hahahaha...

Nowitzki Tramonto said...

mahirap nga yung ganun... kelangan paglabanan. ahehe.

Mu[g]en said...

Sadyang may mga bagay na hindi na dapat natin inuungkat. Hehehe. :)

Ms. Chuniverse said...

He's a good father, yun ang nadidinig ko. =)

Mr. Chan said...

World Issue na ngayon si John Travolta! hehehe

anyway, iba na talaga ang mundo ngaun! :)

Jpy Dee said...

Bakit ba kasi may mga taong gustong gusto pinaguusapan ang sekswalidad ng ibang tao. eh ano ngayon kung bakla sya? kung mapatunayan yun, oh ano naman? yayaman ba sila? pwede dahil sa publicity na idudulot nito, pero hindi ba nila alam ang pweden gmaging dulot nito sa pamilya ng isang tao.

wag na lang epal. kung ayaw nyang iladlad ang sarili, wapakels na dapat. :)

ISTAMBAY said...

tulad ni parekoy kikomax.. di ko din magets hehehe.. pero isa lang masasabi ko, ke bakla o hindi, hindi na siguro natin dapat pang gawing issue, para sa kasikatan lang yan ng isang tao..

hard2getxxx said...

sabi kasi ng friend ni john travolta na si carrie fisher na gay talaga si travolta.

so baka totoo siya or baka sinisiraan lang si travolta

kahit naman sa atin uso din ang pagquestion sa sexual preference ng mga aritsta nating lalaki like piolo, sam milby, eric santos and enchong

James - M.I. said...

Bakla ba nga ba si John Travolta?

Di ko alam eh. He can only answer for himself. :)

Ang alam ko Sean, I'm gay... closeted nga lang. hehehe

uno said...

hihihi... anu nga ba...

pero tama ang sinabi mo... hindi sapat ang paghubad ng singsing para magpakatotoo...

T.R.Aurelius said...

kung anu man siya, dapat di maging open na lang din ang isip ng mga tao

salamat nga pala sa iyong pagdalaw sa blog ko, xlinks tayo!

:)

glentot said...

Baka bading nga sya kasi ang galing nya sa dance scene sa Pulp Fiction heheheh siguro kung ganun na katanda ang tao eh dapat hindi na gawing issue..

dark_knight said...

nice.. from travolta to hot steamy fun.

i think he's gay.. more of.. I hope he's gay.. haha

dark_knight said...

nice.. from travolta to hot steamy fun.

i think he's gay.. more of.. I hope he's gay.. haha

Sean said...

@ kiko : hehehe ang labo ba? baka bangenge ako nung sinulat ito :)

@ rommel : ay hindi ikaw ang magulo. kumplikado talaga ang buhay :)

@ alter : naku mahirap bumitaw sa bisyo *hithit sa sigarilyo*

@ kyle : siya nga lang ang makakasagot at nasa kanya kung gusto niyang sagutin

@ nyabach0i : winnur ang sagot mong pro-choice. pang ms. u ka talaga :) gusto ko yung term mong "pusok ng puson" kasi parang na-feel ko siya habang sinasabi

@ JR : hi fafa! :)

@ nielz : ay oo ang kyut nya dun. sarap kurutin ng cheeks. sa mukha.

@ nowitzki : kung totoo man. in any case mahirap ang life.

@ mugen : isara ang baul :)

@ ms. chuni : dinig ko nga din :)

@ mr. chan : nakakarindi dahil laging pinapatalastas sa starworld

@ jepoy : isara ang baul :) nagtataka din ako kung bakit madalas bakla rin ang gusto i-out ang kapwa gayong pinagdaanan rin nila ang hirap ng pagtatago

@ istambay : live and let live

@ hard : but hindi tayo sikat ;)

@ james - mi : uy buti may pangalan ka na. ay pareho tayo. kitakits sa closeta.

@ uno : uy musta na diyan?

@ tr aurelius : para mas happy lahat. sure sige visit kita ulit and i-follow.

@ glentot : naku di dapat mag-pretend ako na di magaling sumayaw (actually hindi nga naman)

@ dark knight : hahaha! since grease pa ba yang wish na yan?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...