Friday, January 28, 2011

Biyernes Na Pala


Hindi ako makagalaw. Parang may mabigat na nakadagan sa aking buong katawan. Di ba sabi nila para magising, subukan daw igalaw ang mga daliri sa kamay. O sa paa, alinman ang makakatulong. Pero hindi naman ako tulog. Nakahiga lang. Hindi pa naliligo. Hindi pa kumakain. At unti-unti nang nawawala ang liwanag sa labas.

May neg-text. TGIF. Happy weekend daw. Biyernes na pala. Para sa akin kasi, walang pagkakaiba ang mga araw. Siguro dahil matagal na akong hindi nagtatrabaho. Nakuntentong maging maybahay.

Masaya naman ako sa ganitong buhay. Lagi kaming may panahon sa isa't-isa. Wala akong ibang inaalala. Hanggang nung umalis siya kasama ng kanyang kapamilya. Ilang araw na. Ilang araw pa. Anlakas pala tumiktak ng orasan dito sa bahay. Ngayon ko lang napansin.

Heto ako ngayon, nakahilata lang. Hindi makagalaw. Hindi alam ang gagawin. Hindi naman ako tulog, pero matagal ko na palang kailangang gumising.

photo credit : flickr - altogethersweet
 

30 comments:

Mu[g]en said...

Gising na!!!!

Hehe nang-aasar lang. Actually marami kaming nangangarap ng buhay gaya ng sa iyo.

Pero minsan, lubos rin namin iniisip, paano pag nagsawa siya?

Sean said...

@ mu[g]en : haha oo nga! bigla ko ring na-realize na baka nawawala na ako dahil buhay ko ngayon naka-revolve sa kanya at sa "aming dalawa". i need somethiing to call my own. at tama ka rin. kung sakaling mangyari yun, paaano na nga? :)

hard2getxxx said...

si won bin ba yung nasa pic hahahaha
sa akin walang TGIF kasi kahit saturday may pasok ako shit!

Xprosaic said...

Uy hirap kapag nageevolve lang ang mundo mo sa iisang tao... u also need a life of your own ika nga... hehehhehehe

Kyle said...

Sir Sean pareho pala tayong taong bahay ngayon.LOL soul-searching ako ngayon after nung mag-abroad ako.wahahaha

tama sir, you need to do something for yourself too. tsaka wag kang gagaya sa kyleton theory.joke what i mean is you need to fulfill something for yourself din. :)

tara party tayo.wahahaha kaso party pooper ako.LOL tsaka di ka nga pala naka-base sa pinas.hehehe

Adang said...

galaw galaw baka ma stroke :)

Nowitzki Tramonto said...

aku naman kahit hinde stationary eh parang wala ring pagkakaiba ang mga araw ko... routinary kasi kaya ayun.

tama sila. tama ka. you need something to call your own. hmmm.

nyabach0i said...

tumiktak. world of the day ko yan. hehehe. teh bangon na teh. rampage time na. hehe.

meron ka naman talagang something you call your own. focused ka nga lang sa lovelife. hehe.

KikomaxXx said...

chong baka you need to go out din chong para di ka naman maging wasted ng walang ginagawa.. wahehhee

Pipo said...

gising na! bathe in the sunlight! =D

nOx said...

kapag stressed ako, minsan naiisip ko mas mabuti siguro kung maging maybahay na lang din ako tulad ng nanay ko. char!

suggestion lng. try mo magbusiness na pwedeng gawin sa bahay lang.

ISTAMBAY said...

gising parekoy.. dapat ka na nga gumising.. at ipagpatuloy ang buhay..

gandang araw... :)

SweetIsh said...

wow ang sarap naman po ng life niu! pero minsan po may time na marerealized niu na nakakasawa maging BUM... kaya mas ok po kung you'll do aomethin FUN!!! hehe!

emmanuelmateo said...

ako d pwedeng wla me gnagawa isang araw,nkaka bore kc.

make everyday a great day..
morning po!!

egG. said...

para maiba ang comments...

nuod ka na lang ng porn buong araw para gising lol... joke lang po!!! :D

-------------------

siguro, gumala gala din po kayo... gawin mong makabuluhan ang bawat araw... and hanap na din po ng bagong mapagkakaabalahan para me bagong pampaexcitement sa pang araw araw na buhay lol... :)

egG. said...

pahabol.....

inpernes... namiss ko si andrew!!! yung sa endless love...

ang wafu lang lol :D kakyut...

Mac Callister said...

nakaka miss kaya yan ganyan! yun walang ginagawa at sa bahay lang! enjoy mo nalang hehe

iamAPv said...

naku. enjoy mo lang yan. lahat siguro ganyan ang gustong buhay. nasa bahay at may minamahal. :)

ka-inggit!

T.R.Aurelius said...

masarap sana ang buhay na pahiga2 lang, kain tulog,....pero mararating kapag ganun eh, kailangan talagang magsikap


:)

uno said...

haaaaaaaay ang sarap kaya matulog haaaaaay yan ang kulang sakin this day hahahah

Mr. Chan said...

palit tau ng buhay. ako na lang sa bahay! hehehe

tim said...

pareho tayo, usual days lng. Kasi walang work..

Carlo said...

medyo pareho tayo yata (except for the jowa part, wala ako nun) hehe.

Desperate Houseboy said...

Masarap talaga humilata. Sana pwede tayung sumweldo sa paghiga lang. hehehe

Sean said...

@ hard : siya nga haha! dati may pasok din ako every saturday. hated it! tapos wala ng saturday work. ngayon wala ng work haha. enjoy your weekend!

@ xprosaic : tama ka nga. sige umpisahan na yan. thanks!

@ kyle : uy pareho tayong taong bahay. saan ka nagliwaliw abroad kyle? sarap naman. tama ka, dapat makawala ako diyan sa kyleton theory na yan! sige uumpisahan ko na agad. actually, ako rin party pooper kasi antukin hehe.

@ adang : haha! mataas pa naman ata ang cholesterol at blood pressure ko hehe.

@ nowitzki : hay. ewan ko ba kung bakit routinary di ba? salamat nowitzki. sige will look for my purpose in life (apart from being a housewife).

@ nyabach0i : helllooo! oo nga nakasuot na ang aking feather boa. taraaaaa!!!!

@ kiko : hehehe. oo nga. lumabas ako kagabi kaso inantok agad. tumatanda na siguro.

@ pipo : thanks pipo! actually totoo yan. kahit literal ha. this morning naglakad ako outside. maaraw and i felt better.

@ nox : tara mahjong tayo amiga! hmmm. magandang idea nga yang business. o kaya mag-promote ng world peace.

@ istambay : salamat banjo. very positive ka talagang kausap. and tama ka. ang ganda ng araw. wag sayangin.

@ sweetish : oo nga. nagsasawa na ata ako. i need siguro something meaningful gaya ng pagtulong sa mahihirap, pagtuturo sa kabataan, ay nakakatamad pala. hahaha!

@ emmanuel : naku tama ka nga emman. nasa akin naman kung may magagawa ako sa araw ko na meaningful di ba? thanks!

@ egG : ahaha! dahil sa suggestion mo, nagdownload na tuloy ako. wala nga lang akong mahanap na japanese torrents hahaha! salamat sa payo. akala ko kung sinong porn star si andrew. juk!

@ mac : tama ka. nung busy gustong tumambay. ngayong tambay, ayaw naman. nubayan!

@ allan : hay tama ka nga allan. minsan kasi di ko nakikita yan eh. thank you!

@ theo : tama ka nga theo. pag nanganak ang inahing baboy na ito, bibigyan kita ng isa. :)

@ uno : relax relax ka lang paminsan minsan uno. wag puro work!

@ mr. chan : ahaha! ikaw din mag-aasikaso sa asawa ko? juk!

@ tim : hi tim. oo nga everyday is a usual day...

@ carlo : honga. nabasa ko rin yung post mo and nag-comment ng ganun. ahaha! dyowa? malapit na valentine's. antay lang hehehe.

@ desperate : actually pwede pero titirahin ka rin. ay ibang klaseng trabaho pala yun. hehehe.

Kyle said...

hahaa sir sean di ako nagliwaliw sa abroad.hahaha nag-work ako dun.hahaha

ngayon pahinga kasi super stressed ako pag-uwi ko kaya di na ako bumalik.LOL

Sean said...

@ kyle : tama yan. pahinga ka muna. minsan kasi pag sobrang stressed ka naman, maiisip mo kung worth it ba talaga siya. nag-work ka na pala. akala ko estudyante kayong pareho ni batman haha! akala ko pa naman ako pa lang ang legal na pwedeng uminom sa atin. di ba ok dun sa bansang pinasukan mo before?

ʎonqʎʇıɔ said...

medyo nakakainggit yung walang ginagawa. pero may panahon na kailangan gumalaw galaw. hirap na. baka mastroke :p

Kyle said...

haha siguro feeling bata pa ako kaya napansin mong parang estudyante lang ako.hahaha. pero bata pa naman ako kahit papaano.LOL

maganda yung bansa (singapore) kaso di pinalad sa amo pero tiniis nalang at tinapos yung contract.

oo tama di din worthy kapag hindi karin masaya.

inuman nalang pag-uwi mo sir sean.hehehe :)

Sean said...

@ citybuoy : haha oo nga. kaso baka pag may ginagawa na ma-miss naman yung walang ginagawa. hay!

@ kyle : ako rin feeling bata kasi hanggang dun na lang ang kaya haha! di bale, sana makahanap tayo ng kung saan tayo magiging masaya na trabaho. :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...