Biglang sumabog ang iba't ibang kulay na bumaha sa maitim na aspalto sa harap ko. Ito ang pakiramdam ko nang biglaang lumiko ang napakahabang prusisyon ng mga makukulay na lion dancers sa dulo ng kalsadang binabaybay ko nitong bagong taon. May mga leon na pula, bughaw, itim, ginto, at malamang lahat na ng kulay na nasa Crayola 64.
Ang kasabihan ay naitataboy daw ng mga nilikhang ito ang masasamang elemento na nagdudulot ng hirap at pagdurusa, at sila daw ang nagbibigay suwerte sa bagong taon. Actually, tapos na ang parada nang ito'y aking masalubong, at pauwi na ang mga leon nang kami'y aksidenteng magtagpo. Pero sana'y maambunan pa rin ako sa natapos nang pagbabasbas. Nang dumating naman sa akin ang swerte, at mawala ang malas.
Nanatili akong nakatayo sa gitna ng daan. Humina ang daloy ng parada hanggang sa tuluyang naglaho ang mga mananayaw. Maitim na naman ang aspaltadong daan, ngunit naiwan ang makukulay na bakas sa dating matamlay kong hapon.
photo credit : flickr.com - elainekatry, others taken with my phone
11 comments:
wish ko ang isang mas makulay na kasalukuyan para sa 'yo.
lambungan ka nawa ng rainbow.
=)
kapuso... makulay ang buhaaaaaaaaaaaaaaaay... hehehe
hindi masama maniwala sa pamahiin. makabili nga ng isang ganyan at ilagay sa header. lol
gusto ko pumunta ng binondo sa feb 3 para makakita ng mga lion dancers. ang cute nila eh! :)
basta positive ka talaga ay lalapit sayo sir yung hinahangad mong swerte. basta be hopeful but less expectation (although medyo mahirap gawin). :)
@ ms. chuniverse : salamat ms. chuni :)
@ conio : kung hei fat choi conio!
@ nimmy : ay oo makulay nga at sana bright colors this year :)
@ leo : ay type ko ang mga chinito. sabayan mo sila sa pagsayaw - lion dancers with the dancing leo.
@ kyle : salamat. oo nga dapat laging positive. bago ata avatar natin?
wee.. ngayon ba yung chinese new year?
@ kiko : sa end pa ata ng january pero naki-celebrate din sila ng western new year :)
hahaha oo nga sir nagpalit ako avatar.hehehe
namiss ko bigla hk. ang lamig ng simoy ng hangin. kung hei!!
xīn nián kuài lè Sean! :)
Hang Hsi Fa cai!
@ kyle : kyut naman ng bagong avatar natin :)
@ karla : ang lamig nga! ang sarap tuloy kumain. kung hei fat choi! new avatar as well? nice.
@ mr. chan : kung hei fat choi sir!
Post a Comment