Wednesday, January 5, 2011
Namaluktot Sa Kumot
Narito ako sa bansang kinalakihan ng aking asawa. Taglamig dito at dahil hindi ako sanay, nagtatago ako sa ilalim ng mga kumot upang mag-hibernate. Dala ng matinding ginaw, pakiramdam ko ay unti-unting... bumabagal ang tibok... ng aking... puso. Blagg!
Biglang bumukas at humampas sa dingding ang pinto ng banyo. Isinuka nito ang nanginginig kong asawa. Bagong ligo at umaaso, gumagapang papalayo sa kaniyang katawan ang nagkukulutang singaw ng init. Pinilipit niya ang twalya at ako'y pinitik. Araaayy!
Bumalik ang kirot sa aking dibdib. Mabilis na gumapang pababa sa aking sikmura. Hanggang sa di na ako makahinga. Na kahit wala nang hangin sa aking baga ay pilit pa rin itong pinupurga. Sa gitna ng aking paghangos, napagtanto ko na sa aking paglayo, di ko pa rin natakasan ang pagpanaw ng isang mahal sa buhay. Nalunod ako sa kalungkutan, at tinakpan ko ng unan ang impit na paghikbi. Mmmmph!
"Huminga ka," bulong ng aking asawa, sabay hagod sa aking likod habang mahigpit niya akong yakap. "Ganito," at huminga siya ng malalim para sa aming dalawa. Paulit-ulit. Unti-unting lumalim ang dating mga singhap, hanggang natuto akong sumabay sa kaniya. Iniahon niya ako mula sa ilalim ng pinagtataguang mga kumot at binihisan upang sabay naming harapin ang dumating na taglamig.
photo credit : flickr.com - mestes76
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
weeee.. ang sweet sabay sa tag-ulan..w ahehehe
gusto ko magcomment ng something naughty pero wag na lang. chos. hahahaha
Hmmm, interesting blogsite. I'll add you to my roll so i can readback.. I like you.. :P
kung nakakapagsalita lang ang kumot...
hmmmmmmm. =)
Condolence Sean. Just keep moving forward.
By the way, san kayo banda? San kayo nag honeymoon?
clap clap clap! habang binabasa ko to, may naririnig akong music sa background. iba ka sean! isa kang alamat!!! love it.
:)
sino bang namatay? need ko atang magback-read. condolence po sir...
hi, thanks sa comment mo sa post ko.
condolence din sa pagkamatay ng asawa mo. sang bansa ka ngaun?
Hope everything is well...
@ kiko : haha! hay ang lamig dito kahit di naman ganun kababa ang temp.
@ nimmy : naughty? ay gusto ko niyan haha!
@ iprovoked : uy thank you hehehe! will add yours too.
@ paci : ay! baka maraming ma-eskandalo hehe.
@ m.i. : thank you. ay lapit lang - HK tapos China din. mga 10 deg pero for me mas malamig kaysa sa ibang lugar pag pareho temp.
@ leo : uy maraming salamat (blush) :) di ako worthy hehehe!
@ kyle : thank you. ay di ko pa naba-blog. bunso sa family namin. pag di na gaano fresh, ita-try kong i-blog. :')
@ mr. chan : ay di ko asawa sir. bunsong baby ng pamilya namin. sa HK tapos China. balik Singa ka na? thank you sa condolences.
ang deep. maganda. conveying such emotions through the clever use of words is a talent. keep it up :)
my sincerest empathy for your loss... kaya mu yan :)
Hi Sean,
Convert your pain into something positive :) Kaya mo yan 'bro! Always pray! :)
Yup, dito naman ako sa SG naka-base. naggagala gala lang. Miss ko pinas. hehe...
TC
@ nowitzki : naku maraming salamat :)
@ mr. chan : thanks sir! ingat diyan sa SG. marami namang pinoy diyan so sana maraming makaibigan para may support group.
ang sarap ng tulog mo ahh.. malamig ba?>
My condolences... sabi nila, it takes an average of two years bago maka move on from a love one's death..
Hope it gets easier for you and your family. Keep smiling. :)
@ xander : haha oo malamig nga. at di nga pala ako yang nasa pic hehe.
@ nielz : feeling ko nga matagal bago ako maka-recover. thanks nielz!
Post a Comment