Kasama ko ang aking asawa sa maiksing pila. Inabot ko ang bayad. "Dalawa," ang sabi ko sa lalakeng nagbabantay sa pinto. May itsura. Pagbabadya kaya sa anyo ng mga parokyano sa gabing ito? Pagkaabot ng sukli ay dinala kami papasok sa loob.
Madilim. Maraming tao. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa mga bagong pasok. Agad kang huhubaran at huhusgahan. Hinubad namin at isinantabi ang natitirang inhibisyon.
Umikot muna kami. Maraming nakatayo sa magkabilang tabi ng daanan. Iba't ibang hugis. Makakapamili ka. Merong nakalaan para sa lahat. Maraming nakangiti. May mga nakangisi. Merong mga tumatango. Ilan ang bumabati. Lahat, may pagnanasa.
Tumigil kami sa isang lugar na di gaanong madilim. May mga umaaligid, hanggang lumapit ang isa. Pumagitna sa aming mag-asawa. Nagsimula akong kumayod. Ganoon din ang aking asawa. Kabisado namin ang isa't isa. Pero magaling ang bagong kasama. Mapusok siya at marunong sumunod sa aming indayog.
Nakapikit ang bago naming kasama habang gumigiling. Pinagmasdan ko ang aking asawa. Kagat ang sariling labi habang nakatingin din sa akin. Tagaktak ang pawis. Bumilis ang galaw naming tatlo, ngunit tugma pa rin ang ritmo. Hanggang mapasigaw ang isa, "Hoooooooh!" Mabilis namang sumunod ang dalawa pa. Pawisan kaming nalugmok, habol ang hininga.
Tinapik naming mag-asawa ang ikatlo bilang pasasalamat at pamamaalam. Ngumiti siya bago bumalik kasama ng iba sa dilim.
Nagsindi kami ng sigarilyo sa labas at pumapak ng siomai habang pinagmamasdan ang pinto. Madaling araw na, buhay na buhay pa rin ang lugar sa kanto ng Nakpil at Orosa.
Tiningnan ko ang asawa ko. "Next time try natin ang Bed. Mas ok daw ang music."
photo credit : simonlover83.blogspot.com
Nakapikit ang bago naming kasama habang gumigiling. Pinagmasdan ko ang aking asawa. Kagat ang sariling labi habang nakatingin din sa akin. Tagaktak ang pawis. Bumilis ang galaw naming tatlo, ngunit tugma pa rin ang ritmo. Hanggang mapasigaw ang isa, "Hoooooooh!" Mabilis namang sumunod ang dalawa pa. Pawisan kaming nalugmok, habol ang hininga.
Tinapik naming mag-asawa ang ikatlo bilang pasasalamat at pamamaalam. Ngumiti siya bago bumalik kasama ng iba sa dilim.
Nagsindi kami ng sigarilyo sa labas at pumapak ng siomai habang pinagmamasdan ang pinto. Madaling araw na, buhay na buhay pa rin ang lugar sa kanto ng Nakpil at Orosa.
Tiningnan ko ang asawa ko. "Next time try natin ang Bed. Mas ok daw ang music."
photo credit : simonlover83.blogspot.com
36 comments:
Obar ba ito? Malamang nagkita tayo.
*wink wink* :)
party boy pala si sean hehe
di ko nagets ang metaphor ng post mo... abangan ko na lang sa mga comments lol
anyway,
boom tarat-tatiya-tiya...
boom tarat-tatiya-tiya...
sa bar eto???
:?
O-Bar nga!! Hehehe.
Never pa ko nakapunta sa mga place na ganyan hihi.
@ nox : magkakatabi sila - obar, chelu. uy pwede hmmm hehe ;)
@ carlo : nahila lang ng asawa hehe. gusto raw makita.
@ egG : oo nga. malamang maraming di maka-relate hehe.
@ theo : oo bar / club (disco) lang siya. walang kahalayang naganap hehe.
@ mugen : hahaha. obar, chelu yung kanto nga na yon hehe.
@ pluri : baka pagbalik mo ng manila mag-sight-seeing ka hehe.
ahehehe nagtry na minsan ako sa disco bar kaso di ko talaga feel. di ako party people kundi party pooper.LOL
nag enjoy ka un ang imporatnte hehehe
giniling festival sa bar ah. =)
wow! puma-party party ka pala ading. wooot wooot! :D
Hindi ko nagets. Haha. Kahit pagakabasa ko ng comments.
the power of imagery. akala ko bathhouse talaga. dirty mind? lol
tama sa bed ka pumunta. malay mo magkita tayo. ako ang kaisaisang tabachoi na babaita na andun! hehe. sabi nila sa obar may mga ipis? limbo na lang para medyo shala! lets go!
kung chelu ito, may kasama akong 2 higante sa tangkad na wafung beki. imposible hindi mo kami nakita. hahahaha
kung obar naman, naki-cr lang ako. hahahaha
kita-kits next time!
good pm po..kamusta?nkikibasa lng hehe.visit nman po kayo sa bahay.ingat plge
check out my latest post :) ahehe. i've a gift for you!
@ kyle : kanya kanyang trip lang naman :) actually di na ako mahilig. sinamahan ko lang asawa ko, pero homebody kami talaga hehe.
@ uno : hehe oo nga. enjoy naman sa pagsasayaw kaso tumatanda na ata talaga.
@ paci : oo nga haha. gusto ko yung itinawag mo dun. :)
@ nimmy : paminsan minsan ading hehe.
@ yow : hahaha. oo nga siguro yung mga nakapunta na dun sa kantong yun ang makaka-relate :)
@ citybuoy : di ba dirty minds are fertile minds? that's why you're so good at writing :)
@ nyabach0i : naku sana nga makita kita haha! may ipis? flying ipis? takot ako dun ngek! aba andami mong alam na gimikan! sige makapunta nga diyan pag may time.
@ nox : naku malabo pa naman mata ko lalo na pag madilim. sana nga magkita tayo dun next time haha!
@ emmanuel : salamat sa pagdaan. yeah lagi din akong bumibisita.
@ nowitzki : uy thank you :) yeah nakita ko kanina while i was on the road. di pa lang ako maka-leave ng comment. thanks again!
hindi ko magets din hehehe..bar party.. at un di ko pa din magets parekoy... :))
Namiss ko tuloy ang OBar at Bed bigla. It's been a while. Mas ok pa rin sa akin ang Malater OBar kesa OOBar (Ortigas OBar). Makabisita nga minsan.
anu ba yun bar>> char??]
partey partey ka pala eh... hihihi
ang sarap mo basahin. so smooth. parang it melts in your mouth.
@ istambay : sorry parekoy. tingin ko di talaga magegets hanggang hindi makapunta sa lugar na yun hehe.
@ red : baka magkasalubong tayo dun
@ ceiboh : yeah bar nga hehe. minsan lang naman. mas madalas nung kabataan.
@ rising mark : hmmm... melts in your mouth... hehe. thank you.
parang bed din siya nung maliit pa. masikip kasi. pero isang beses pa lang ako nakapasok sa O. nung gabi bago humampas si ondoy sa manila. buti na lang di sumama nang me nag aya kundi lumulutang na ko di sa alapaap kundi sa baha the following day. love your entries. =D
@ karla : buti na nga lang di ka nakasama at nabaha! thanks karla :)
I liked how this was written.. hehehe.. Unfortunately, tapos na rin ako sa panahon na tugsh tugsh!! =)
@V1nC3 : thank you :) nagsawa no o nag-settle down? :)
ahahahaha....
tambz ap
@ felipe : haha salamat.
hahaha ngayon ko lang nabasa to... at... wala akong masabi kundi di ko trip yang matataong lugar na yan... nakakatemp kasi..w aheheh... bata pa ang batman.. ahahaha..
Akala ko sa CB. Hehe
hehehe..my ganung lugar?
Paaaarty!
Namiss ko tuloy bigla ang Malate.
Bath house---ng pawis?
sounds fun...
at the same time scary.
Never done that, never been there.
Perhaps some day.
Post a Comment