Friday, January 14, 2011

"Girl", "Boy", Bakla, Tomboy


Ang mga taong tulad ko, minsan ay naghahangad ng simpleng buhay. Yung hindi komplikado at katulad nang sa nakararami. Mag-asawa. Magkaanak. Magtaguyod ng sariling pamilya. Lalo na pag may kamag-anak na nangungulit kung bakit wala pa akong asawa. I-post ba naman sa Facebook account ko?

Ayokong makasagasa ng iba, kaya't mahirap isipin ang pag-aasawa. Pero teka. Meron din sigurong mga babae na nasa aking sitwasyon. Adik na kung adik, pero pwede bang magpakasal ang isang bakla sa isang tibo? Siyempre may mga katanungan na sumagi agad sa isip ko. Kakayanin kaya namin ang mga bagay na ito:

1. Baka pareho kaming top.

2. Walang perlas ang aking talaba. Baka ma-frustrate siya sa kanyang pagsisid.

3. Hindi ako size queen pero naman, mabusog kaya ako sa mani? Pero ok lang naman sa akin na wala siyang maihain na itlog sa agahan, tanghalian o hapunan. Di ko naman bet ang log.

4. Fingerrr??? Akala ko pa naman gumradweyt na ako sa pagta-thumbsuck.

5. Kailangan ko siyang pakinggan, lalo na pag sinabi niyang, "Mali. Hindi diyan!" Paano nga naman kami makakabuo kung sa maling bangko pa rin ako nagdedeposito.

Naputol ang aking pag-iisip dahil biglang nag-comment yung anak ng tiyahin kong nag-post sa aking Facebook. "Ma ano ka ba with your personal questions! Dapat di na kita tinuruang mag-Facebook." Salamat naman at hindi ko na kailangang sumagot. Pinalitan ko na lang ang aking status. It's complicated.

photo credit : gestalta.com
  

22 comments:

Kyle said...

weeee lagi akong naghihintay ng post nyo Sir Sean.hahaha buti inabutan ko bago ako umalis ng bahay ngayon.hahahaha adik lang.

heheh kakaiba ito. hindi masyadong malungkot.hahaha natawa nga ako. :D

hahaha awts akala talaga may asawa kayo gawa nung mga post nyo. -____-

idol!

hard2getxxx said...

natawa naman ako sa post na to hahahaha pero infairness damin gay couples ang masaya ang pagsasama like boy abunda, elton john, rosie o donell etc..

nyabach0i said...

top ka? :) versa top? hehe.

ISTAMBAY said...

kakaiba nga ito parekoy.. natawa ko hehehe...

JR said...

LMAO! so witty ng post na etu! bongga fafa! mwah!

Nimmy said...

hahahaha! natawa ako sa finger at baka maling butas! hihihi. Happy friday ading!

c - e - i - b - o - h said...

ahahahaha.... at kelan nga ba matatapos ang mga tanong ng kamag-anak, ng kapitbahay at ng kung sinu-sinong tao.. ahahaha

nice entry!! like!!

Louie said...

Very different entry you have here Sean. Ang kulit lang. Hehe.

Happy Friday Sean! :)

T.R.Aurelius said...

natawa me dun ah, ehehehe

does your family know na ganyan ka?

:?

Guyrony said...

Entertaining.

You're a top?

WEH!

Kidding. Hehe.

Alter said...

ibang klase.. ahahahaha :)

keep on posting!

egG. said...

buti at kahit pano nakaiwas kang sumagot ahahahah :D

KikomaxXx said...

weee.. naalala ko tuloy yung sa MMK ni Aiza at Roderick.. pwede naman yun.. wahehehhe

Sean said...

@ kyle : naku ikaw pala ka-session ko sa pagka-adik ngayon haha!

@ hard : isama na rin natin si nimmy and leo na mananalong love team sa TABA awards

@ nyabach0i : hahaha andami mong nalalaman sa kalakarang eto ha!

@ istambay : medyo iba nga sa dating tema haha.

@ JR : thanks fafa. mwah back atchu! ingat sa chikanini.

@ nimmy : happy friday AT happy birthday my dear ading. enjoy the weekend!

@ ceiboh : honga ang dami kasing chismosa. ipakita ko kaya matres ko nang magtigil na sila.

@ louie : nangungulit para sa weekend. happy weekend!!!

@ theo : secret pa pero tingin ko, amoy na nila haha!

@ guyrony : thanks. top... bottom... patayin na lang natin ang ilaw hahaha!

@ alter : pag nangyari yan, ako na nga naiibang lesbianang bading. thanks sir.

@ egG : oo nga. ang dense naman kasi ni auntie eh.

@ kiko : mahanap nga sa youtube yan. baka pwedeng gawing inspirasyon.

Nowitzki Tramonto said...

witty nga :) ahaha. kakaiba. hmmm... napaisip tuloy ako :)

Mac Callister said...

naku naman bakit naman sa tibo pa??so kadiri ha!LOL

khantotantra said...

tama si kikomaxx, yung MMK episode ni rod at aiza din ang naisip ko.

nu nga pala ibig sabihin ng size queen?

Carlo said...

tinanong din ako sa facebook chat ng tita ko kung kelan ko daw ba balak mag asawa.

sabi ko sa kanya, padalhan nya ako ng amerkanong malaki ang katawan para mestiso ang magiging anak ko. ayun nagtigil sya sa kakatanong haha!

jc said...

hahaha aliw! mahirap ang suliranin nating ganyan. lol

Sean said...

@ nowitzki : salamat sir. wag nanng isipin, adik lang.

@ mac : haha! eto ba yung tipong basahin mo lang, eh kailangan mong maligo at magsabon ng safeguard pagkatapos?

@ khantotantra : kailangan ko na ngang mahanap yang mmk episode na yan. para sa size queen, pinakaimportante ang size.

@ carlo : lol! sige next time yan ang sasabihin ko.

@ jc : haha oo nga kaya tuloy ako napapaisip ng mga kaadikan.

Mr. Chan said...

hehehe, goodluck! :)

Sean said...

@ mr. chan : haha! ayoko na lang pala.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...