Wednesday, January 19, 2011

Dalawa


May inusisa akong telepono. Dual active sim daw. Tamang-tama sa aking pangangailangan. Dalawang sim card.

Dalawa rin ang aking e-mail address.

Dalawa ang aking profile sa Facebook.

Dalawa ang nakahandang kwento tungkol sa kung magkaano-ano kami ng aking kinakasama. Kahit isa lang ang nagagamit, dalawa ang kwarto at kama sa aming tirahan.

Dalawa ang aking pangalan.

Isa sa bawat mundong ginagalawan.

Minsan nakakalito. Madalas nakakapagod.

Dinampot ko ang pisong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Mukha sa harap. Sagisag sa likod. Pinaikot ko ito. Sa pag-ikot nito, nawala ang mukha pati ang sagisag. Pinag-isa. Buo.

Alam kong hindi magtatagal ang pag-ikot nito. Bumagal ito at sumirko hanggang tumigil nang pahiga sa mesa.

Dinampot ko ito nang hindi tinitingnan ang nanaig na panig.

Hindi pa ako handa.

photo credit : abercrombieblog.com
    

21 comments:

Seth said...

Hindi naman kailangan malaman ng ibang tao ang lahat.

Mas mabuti, alam mo kung sinu ka at anu ka ^^

Ipinapaalala ko lagi sa sarili ko yun eh

Alter said...

hundreds of souls to listen. :)

uno said...

haaaaaaaay ang galing... good post po

Nimmy said...

oooh. dual personality. ooooh. char! hahaha

kung ano lang ang gusto mo malaman ng iba un lang ang i-share. hihi

Desperate Houseboy said...

hard but true. :( Galing galing papa sean:)

Mac Callister said...

uy ang galing mo gumawa ng post ha, may bago na ko lagi susubaybayan...

bn said...

naku . . . highly anticipated!!ahaha . . . .ang ganda nung dula?o tula?. . ahaha

nyabach0i said...

umaalter ego! parang sasha fierce lang ba yan teh? hehe. pero in fairness, ang matalinhaga at lalim ng iyong post na ito. gusto ko sanang magstanding ovation kaso tabachoy ako. hehe.

TAMBAY said...

maging totoo lang sa sarili, un ang da best para sakin, nandun ang happiness, nandun ang freedom, basta nandun na lahat. although may mga pagkakataong kung kelan tayo magiging totoo sa sarili natin, sari saring mukha ng paghusga ang makikita sa harap.. weh, wa pakels, kumbaga, buhay natin ito at may sarili tayong desisyon na wala silang pakialam..

tama ba pagkakaintindi ko hehehe...

Ms. Chuniverse said...

nice. =)


nakaka relate aketch.

emmanuelmateo said...

dba ang barya may back nd front,ganun din tayo (not in literal way) pero saan ka man tgnan sa hrap o sa likod man bsta mbuti ka,mg iiwan din ang tao ng kbutihan.haha wrong gramar 2loy.

Lone wolf Milch said...

everything in this world comes in pairs like men and women, yin ang yang, good and evil, angel and devils etc.

egG. said...

nice post... lalim non ah...

chillax lang.... :)

basta kung san ka masaya dun ka! enjoy layp ser!!! :D

Anonymous said...

di maarok :) hehehe

anyway, ang impt. masaya ka! hehehe

(di related) lol

red the mod said...

What an appropriate metaphor. Duality and dystopia.

Anonymous said...

hay nalulungkot lang ako. -___-
pero ang ganda po sir. :(

Noah G said...

mejo nadaplisan ko ata kung anu ibig mong sabihin. ahahah. ironically, nakakalungkot nga :(

Sean said...

@ seth : maraming salamat din sa pagpapaalala

@ alter : thanks for being one of the first ones to listen

@ uno : thank you

@ nimmy : sa ibang salita, luka-luka haha!

@ desperate : multi-tasking na lang muna

@ mac : salamat sa pagsubaybay

@ ibanez : ay di ko rin alam tawag diyan hehe

@ nyabach0i : buwang na tawag diyan. hoy di ka mataba dun sa pic mo. iyo na yung next pic sa nakakatibo series

@ istambay : maraming salamat sa iyong payo

@ ms. chuni : pwede tayong sisters.

@ emmanuel : sige magpapakabuti po

@ hard : uy nagpaparinig ka ata. sige iyo na ako. jk!

@ egG: salamat. masaya din naman ako :)

@ mr. chan : uy kumusta na? thank you masaya naman.

@ red the mod : thank you (had to look up dystopia haha)

@ kyle : awww. wag nang malungkot. salamat kyle.

@ nowitzki : awww. hopeful na lang dapat tayo.

Anonymous said...

oi for the first time parang may nagets ako ng kunti... pero malalim parin...

Anonymous said...

subukan mong humarap sa Kanya at tanggalin ang maskarang suot mo. Siya lang ang makakapagsabi kung alin sa dalawang pinagpipilian mo ang nararapat para sa iyo. :)

Sean said...

@ kiko : haha! nakakain ka na kasi ng sandamukal na street food. baka gutom ka lang noon kaya di mo na gets hehe.

@ suplado : tama ka diyan. kailangan ng guidance :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...