Tulad ko, hindi rin siya malapit sa kaniyang tatay. Marami siyang hinanakit dito. Hindi siya inalagaan. Hindi siya sinuportahan. Hindi siya minahal. Nang bumukod siya ng tirahan at kami ay nagsama, pakiramdam niya ay nakalaya siya. Mula sa mapang-aping ama. Mula sa araw-araw na pakikipagbangayan.
Ngayong matanda na ang kanyang tatay, siya lang sa kanilang magkakapatid ang dumadalaw dito nang araw-araw. Wala naman daw siyang utang na loob dito. Dapat nga raw ay pabayaan niya ito, tulad ng pagpapabaya sa kaniya noon. Naiinis siya rito, pero mas inis siya sa sarili. Di ba't sa kaniyang pagbukod ay dapat nakalaya na siya?
Napaisip ako at tinanong ang sarili. Baka naman ang pagbubukod ay nauukol lamang sa tinitirahang bahay, at hindi sa magkarugtong na buhay? Maaari ba talagang maputol ang ugnayan ng isang anak sa kaniyang magulang? Bakit pilitin man natin itong putulin ay laging may magpapaalala nito sa atin? Itinaas ko ng bahagya ang kanyang t-shirt at hinalikan siya dito. Bakit nga ba tayo may mga pusod?
Photo credit : Flickr.com - BellyLover!
24 comments:
kahit pilitin man ang sarili, babalik at babalik ka talaga. kahit ako man may hinanakit din pero magulang ko sila at matatanda narin sila para ipakita pa sa kanila ang mga sakit na yun...
isang malaking hhhmmmmm
I agree with u precisely Kyle!
Magulang pa rin natin sila kaya't kahit na anung mangyari mahalaga pa rin sila sa atin.
Ako man ay may hinanakit din sa aking Ama.
ganun talaga ateng. kahit anong gawin natin, connected talaga tayo. kaya nga may pusod to remind. ---seryoso much? hehe.
Aww...I so can relate...Hindi rin kami close ni Pudang...18 na ako nung nakita ko siya ulit at magsama sa iisang bahay...And the gap was just too much...It's like I don't know him at all...Jinojombag ako non, kaya minabuti kong umalis...
Na-share ko lang po...Ahihi... :D
whoa, read my "about the artist" got same problem, but i love my family. And should be thankful for what they have done to me, i made it clear that it's still awesome to have parents knowing that we see this world. Thought cruel, but we find a lot of good things to thanked to. So i guess it's a part of a deal. Good luck!
hmm... ewan ko kay Lord kung bakit tayo may pusod...
your economy of words is astounding. and the topic hit close to home. (no pun intended lol) try as we may, we can never escape our parents.
meron sigurong mga tao na sadyang malakas ang loob na mahiwalay sa magulang. pero merong iba naman, na kahit anong paglayo ang gawin nangingbabaw pa rin ang pagmamahal sa kanila. :)
cute naman ng entry...may asawa ka na pala...hehehe
tapos mo halikan ang pusod?ano next?LOL!
awwwwwww. ang sweet ng asawa mo. kahit may galit sya, nangibabaw pa rin ang pagmamahal. eeeeee.
naks! ikaw na kumiss sa pusod. hehehe. ano nangyari next? :P
i can relate to this. growing up, di rin ako close sa father ko.
maybe frustrated sya na magkaroon ng baklang panganay.
but i was able to prove him wrong. Na he can still be proud of me no matter what.
and i think i just made him realize that.
sabi nga, kahit anong sama ng magulang mo, magulang mo pa rin yan.
kahit anong pagbabaliktad ang gawin sa mundo, sila pa rin ang magulang kaya ganun, kahit may hinanakit tayo, wala tayong mgagagwa, ang tanging paraan na pwede nating gawin eh, magpatawad at magpakumbaba...
:)
wow nag machete diet.hehe peace
Ang lalim talaga ng meaning ng mga posts mo Sean. Sensya na ngayon lang ulit ako nag blog hopping. :)
"Maybe the definition of home is the place where you are never forgiven, so you may always belong there, bound by guilt. And maybe the cost of belonging is worth it."
Elphaba
Wicked: The Life and Times of the Wicked Witch of the West
I can totally relate to this post..gaanu mo man pilitin na limutin ang isang membyero ng pamilya....sa huli, merong koneksyon na maguugnay parin sa inyo...
bakit may pusod? dahil hindi solusyon ang tumalikod at pumalayo...kailangan nating bumalik, harapin at ituwid ang narakaraan...
Uy ang sweet naman ng magasawa! hehehehehhe at talagang di na kailangan sagutin through words kundi pahalik halik na lang sa pusod... hehehehhehehe...
tamaa! kahit na anung nagawa satin ng tatay natin o magulang natin...
hindi pa rin maitatago na parte sila ng buhay natin.
depende naman sa sitwasyon. it's part of your fulfillment na makilala mo yung mga magulang mo.
kahit ano pa sila.
kahit nasaan pa sila.
kahit wala na yung pusod na nagdudugtong...
@ kyle : very mature. salamat sa payo kyle.
@ karla : hmmm...
@ pluri : salamat din sa payo pluri.
@ nyabach0i : oo nga. kaya siguro di nawawala ang pusod. salamat ateng.
@ pipay : naku ang hirap naman ng naging sitwasyon mo, pipay. i hope ok ka and mas masaya ngayon.
@ tim : thanks tim. will visit your blog and look for this post.
@ kiko : ahahaha! hoy ang tagal mong nawala! congrats sa panalo mo ha!
@ citybuoy : the pun is hilarious hehe. thanks nyl.
@ doc ced : oo nga. iba iba siguro sa bawat tao.
@ mac : hahaha! oo meron. pusod...puson ano na nga ba pagkakaiba?
@ nimmy : ahaha! pareho kayo ni mac na naughty hihi!
@ ms. chuni : aww. kaka-inspire naman ms. chuni. kwento ko rin sa asawa ko.
@ soltero : oo nga. thanks papa solts. pero na-distract ako sa saging mo.
@ theo : tama yang pagpapatawad at pagpapakumbaba. salamat theo.
@ emmanuel : oo nga haha! paano ba yun?
@ james : hoy antagal tagal mong nawala. musta na?
@ red the mod : this quote is beautiful!
@ maldito : tama ka nga. maraming salamat sa payo.
@ xprosaic : ahaha! but hindi ka nahalayan. kiss lang naman.
@ allan : tama! aba ang mature na ng mga kabataan ngayon ha!
@ mr. chan : aww. tama nga. kahit di na physically attached. thanks sir.
marahil sa pagbukod ay naibsan ang galit at nangibabaw ang pagmamahal. lalo pa't ang paghilom ng mga sugat ay napabilis ng iyong pag-ibig.ito ang paglaya
@ rising mark : di ko naisip yan pero ang gandang pananaw! salamat rising.
Post a Comment