Thursday, January 20, 2011

Barkading


Mainit, walang aircon. Nakaharap ang maliit na inuman sa mausok na daan. Tapos na ang pasko pero patay sindi ang mga munting ilaw na nagsisilbing dekorasyon sa payak na lugar. Malapit siya sa iskwater. Kung mamalasin, siguro pwede akong magripuhan.

Umorder ako ng beer at nagsindi ng sigarilyo. Nang matapos ang paghithit, naghulog ako ng barya sa makina at pumili ng kanta. Kinuha ko ang mikropono at inantay ang mga titik at musika.

Kagagaling ko lang ng Greenbelt noon, nakipagkita sa mga dating kaibigan. Matagal na rin akong hindi nagagawi doon, at napakaganda na pala ng pagkakaayos nito. Pati mga tao magaganda, mapoporma. Masarap ang pagkain at red wine, pero mas natuwa ako sa usapan. Iba na ang mga kalagayan namin sa buhay, pero kami pa rin yung mga dating totoy na magkakasama. Naubos ang gabi sa pagbabalik tanaw sa aming mga kalokohan hanggang sa kami'y magpaalam.

Bitin ang tama ko, at dito sa dati naming tambayan ako dinala ng sarili ko. Nag-umpisa ang kanta. Sumabay ako. Di ko na kailangang basahin ang mga titik na ilang daang beses ko na sigurong nakanta. Sa katabing mesa, may mga sumabay, may pumapalakpak at sumusuray sa tiyempo, meron din sigurong nagpipigil mangantiyaw. Wala akong nakilala, pero saglit kong nakita sa kanila ang kauuwing mga kabarkada.

photo credit : hellyeahazkals.tumblr.com
     

22 comments:

Anonymous said...

naks. nakakamiss talaga ang barkada. kaya nga kahit 1 beses sa isang taon ay magkikita-kita kami. hirapa din kasi sa schedule. :)

naks new avatar, street fighter.hehe

TAMBAY said...

nabitin, set ulit ng date para sa dating tropa.. at dahil sanay akong may malalim na pinaghuhugutan ang post mo, akoy nalilito ngayon dito.. hahaha juke

ano ang ibig sabihin hehehe...

egG. said...

katuwa naman.... at reunion ulet kayo...

kakatuwa dahil sila ay mga tunay na kaibigan sayo at di nagkakalimutan :)

buti ka pa... :)

egG. said...

katuwa din yung pictures mo.. TEAM AZKALSSS...

hay nakowwww... kagwapo lang nila.. lol :D gud lak sa laban nila sa February vs. Mongolia... :)

Anonymous said...

weee... huhuhu namiss ko naman tuloy mga barkada ko... parang once a year lang kami magkikita-kita na kumpleto.. huhuhuh

Carlo said...

nakakamiss nga ang barkada. inuman magdamag.

Desperate Houseboy said...

Papa Sean, ang hot naman ng barkading mo. sama mo ko minsan. hahaha

nyabach0i said...

tama yan. umattack ka sa outside world for diversion! oh team azkals! super bet ko ang nakawhite!! hehe.

Noah G said...

we just love reunions :) ahehe. but wait, sino si Sean dun sa litrato sa taas?

engel said...

napapareminisce tuloy ako sa mga dati kong barkada.

hay.

miss ko na sila.

Maldito said...

magkikita kami ng barkada ko this weekend...kakainis lang kasi nagkikita kita lang ang lahat sa tuwing umuuwi ako, kung wala ako dun parang hindi nila kilala ang isat isa.ahahhaaha...

medyo nalungkot lang ako ng kunti sa post mo....dahil hindi mo kasama barkada mo sa dating tambayan...which made me think..someday we have to sometimes move on and forget the things we used to do.

ampotah...nag emo?ahahaha

Mac Callister said...

malakas ako uminom nun college ewan bakit nun napatigil nun working na,hirap na ulit ako uminom ngayon hahaaha!

Lone wolf Milch said...

mahilig ka pala kumanta hehehehe ako pagkasama friends ko ako yung kj kasi di kumakanta ewan ko ba basta di ko lang trip

my-so-called-Quest said...

barkakda? most of my barakada e nasa US na. so sad lang. at di tlaga ako umiinom. hehe

emmanuelmateo said...

crush ko yung nka sky blue...hmmft.

c - e - i - b - o - h said...

naisip ko tuloy yubg aking barkada na dadating by the end of the month,, 2 years xa nwla e balak kong wag mkpgkita sa knya... kalaban much kasi ako.. LOL

pero pg naiisip o ang pwedeng mangyayri na masasayang bagay,, eeeeehh,, na-eexcite nman akong makita siya.. hehehe

Xprosaic said...

kung noon punung puno ako ng oras sa barkada ngayon halos lagi na akong absent sa gimikan... hehehehhe... napadaan...

Anonymous said...

awww friends are friends forever.....
and they'll never say never....



:D

bn said...

hindi tlaga mawawala sa mga pinoy ang kantahan mode!!ahaha

Nimmy said...

ikaw na singer ading! hehehe.

relate na relate ako sa...

"Masarap ang pagkain at red wine, pero mas natuwa ako sa usapan."

pak na pak!

Sean said...

@ kyle : oo nga pag kanya-kanya nang schedule, ang hirap magkita-kita. haha new avatar para di makilala. may mga nagtatanong na kasi tungkol sa blog.

@ istambay : haha sorry. simple nga lang ngayon hehe.

@ egG : sana nga di magkalimutan. uy mukhang may tampo ka sa friends :) haha gwapo nga. kaya nga ako nakiki-apid baka mahawa.

@ kiko : minsan ikaw ang magyaya para mapadalas :)

@ carlo : inuman sa magdamag, suka at tulog sa umaga.

@ desperate : hehe oo nga. ako pinaka-hot sa barkada. joke!

@ nyabach0i: ay pareho tayo ng bet! share tayo ha?

@ nowitzki : ako yung kumuha ng picture. wala ako dun pero ako pinaka-gwapo hehe.

@ nielz : susubaybayan ko yang mga posts mo. haberdey ulit.

@ engel : oo nga. kakamiss ano? andami ko na ring di nakikita :(

@ maldito : ikaw pala yung glue that holds everyone together. oo nga. ako na lang ang naiwang enjoy sa simpleng bagay. emo din hehe.

@ mac : naku pareho tayo. ngayon tuloy mas nakakatipid ako sa inuman.

@ hard : oo pag medyo may tama na. mas malakas ang loob haha. ano trip mo pag nalalasing hard hehe.

@ doc ced : ay sad naman at lahat sila umalis ng pinas. kahit di inom, kain ok rin!

@ emmanuel : reto kita? haha!

@ ceiboh : bat naman iwasan? hmmm... hehe. at anong pwedeng mangyari pag nagkita? hmmm...

@ xprosaic : salamat sa pagdalaw

@ theo : yeah forever friends. parang yung mga cute na teddy bear.

@ ibanez : korek! sooo pinoy no?

@ nimmy : pang manang biday lang naman, nims hehe.

imsonotconio said...

awwwwww i miss my highschool friends tuloy

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...