Wednesday, January 19, 2011

X


Naging kaibigan mo ba ang mga ex mo? Ako oo. Lahat. Kahit gaano pa naging kasama ang aming paghihiwalay.

Maliban sa isa.

Minsan, nagkikita pa rin kami ng aking mga ex. Siyempre sa umpisa medyo awkward, pero likas naman akong magaling makisama. Mabilis kong nahuhuli kung saan at paano ako lulugar. Hindi na asawa. Hindi rin boyfriend. Hindi pa kaibigan, pero doon mas malapit. Bago pa man din magpaalaman, para na kaming mag-BFF. Wala na ring kurot sa puso. Sa singit, kaunti na lang.

Maliban nga dun sa isa.

Oo, siya ang umiwan sa akin, pero ganun din naman yung sa iba. Akala ko noon, siya nang talaga. Sa kaniya, hindi ko hinangad na maging normal dahil kung ano kami noon, alam kong hindi ito maaaring matawag na masama, pangit o bawal. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit, pero basta isang araw, biglang ayaw na lang niya. Kahit nang siya'y lumayo at nangibang bansa, di pa rin ako makapag-move on.

Nag-email yung kaibigan namin sa California at ibinalitang nagkasama daw sila sa isang party. May kasama pang link sa YouTube. Nag-atubili akong i-click yung link. Inihanda ko ang sarili sa inaasahang muling pagbukas ng napakalalim na sugat, paglagaslas ng di-mapigilang mga luha, at muling pagkaguho ng aking mundo. (Para sigurado, ipinatago ko muna sa kapitbahay ang mga matatalas at nakalalasong bagay na nakakalat sa bahay.)

*click*

Kumakanta siya. Masaya. Gwapo pa rin.

At walang pasabi-sabi, pagkatapos ng napakahabang panahon, biglang dumating ang masakit na






*Kurot*



photo credit : fitness.bf-1.com
    

25 comments:

Anonymous said...

awts.. how sad naman... baka you have still something for para sa kanya.. wahehhee

Anonymous said...

aww oo tama nga si batman kapag nasasaktan pa ay mahal parin.

ako din buti nalang okay na ang mga past (straight) relationships ko although di pa fully recovered sa recent.

sa non-straight relationship naman, wala pa, so no comment.hahahaha

Sean said...

@ kiko : hahaha! konti na lang pala. ine-expect ko oo pero kurot na lang yung na-feel ko.

@ kyle : good luck sa recovery sa latest one, kyle :)

Kapitan Potpot said...

Parehas pala tau Sean. I've had good relationship with the exes and some of them really became great friends. However, there was this one na talagang when we try to set in stone a possible friendship, we cannot avoid any imminent attachment. Kaya ayun, we just called a possible friendship off and never looked back. Apparently, closure wasn't formalized.

Baka naman yun din ang kailangan ninyo?! (Echosero lang, sorry naman!) :)

Sean said...

@ louie : thank you :) oo nga tingin ko closure na lang naman kasi masaya na kami pareho with our own lives. kurot na lang naman :)

Mike said...

naging kaibigan ko din lahat ng ex ko maliban sa isa. puro bitterness kasi sya at madaldal pa. hehe

paci said...

sa isang ex ko na lang ako may koneksyon. yung iba nawala na sa mundong ibabaw. joke lang.
bakit nga ba may kurot pa rin..

Desperate Houseboy said...

Awwww, ako kasi walang ex. hindi ko sila dyinijowa. kami lang ni Inday ang legal. forevah and evah. hehehehe...loko lang...

lahat ng ex ko minahal ko, ewan ko ba, hindi nila yata ako minahal...charming naman ako. lol

Seth said...

Hmmm buti ka pa. 2 lang naman ex ko. di ko sila friends pareho LOL

nyabach0i said...

ako dapat hindi talaga ifriend ang ex. meron akong isang finriend na sana i swear hindi ko na lang ginawa! hehe.

Maldito said...

sa totoo lang. hindi ko rin alam kung ano ang ilalagay na supporting details pag sinabi kong "move on"...

tangena lang d ba...walang may alam kung pano talaga mag move on ang isang tao..

Ms. Chuniverse said...

ganyan din ang gusto ko.... gawing friends ang mga ex ko.


kaso meron ding ayaw.


bitter lang ang ex-papa.


=)

TAMBAY said...

madalas din kami magkita ng x ko, at katulad mo, mabilis din akong pumikup sa ganyang sitwasyon.. how sad naman parekoy, kahit sa internet mo lang nakita..ouch na puch..wat more kung personal pa dibaa? pero ano pa man, move on lang..

at kilala ko ung nasa picture, si alfred lee ba yun ng east of eden? hehehe

NOX said...

ouch. agree ako kay nyabach0i. pero i think dapat may criteria.

pag ikaw ang nang-iwan, pwede i-friend.

pag ikaw ang iniwan, no.

ced said...

awww. :(

c - e - i - b - o - h said...

baka may katabi ka kaya may kurot kang naramdaman.. choz!!

pero, nu ba?? he's an ex na.. dapat apathetic ka na.. mejo lugi ka if u continue feeling like that...

emmanuelmateo said...

meron din akong kaibigan na x rin..at yun wla rin akong sama ng loob khit xa ang nang iwan. naniniwla kc ako na kpag ang tao ay para sa iyo, saan man siya magtungo, babalik at babalik din sa piling mo.

Noah G said...

mabuti nga naman at kurot na lang :) ahaha. isang napakaliit na kurot. normal na yan sa mga ex na hinde pa nakaka-peace :)

hope you'll get over it soon XD

Carlo said...

ouch. hehe. pero at least maliit na lang yung kurot ;)

Mugen said...

Yung pinakahuli kong ex, wala pa rin akong contact, muli.

egG. said...

buti pa kayo mga nagkaroon ng X.. ako nga ni kahit kailan di nagkaroon....

heheheh.... ;)

anyway, wala po ako maicomment eheheh.. :D

peace po sa lahat ^^V

Allan P said...

ouchyy naman..

Sean said...

@ mike : naku mahirap na kumbinasyon yan. baka mapatulan mo lang.

@ paci : at talagang binaon mo sa limot yung iba ha.

@ dhouseboy : hahaha! ikaw na ang pro.

@ seth : lol. loss nila yun.

@ nyabach0i : hmm. mukhang mahabang kuwento yan ah. tara inom tayo haha!

@ maldito : sinabi ko rin yan sa sarili ko. pero isang araw, di ko lang napansin, yun na pala. moved on na. minsan matagal nga lang.

@ ms. chuni : sino ba naman ang di magiging bitter pag si ms. chuni ang in-ex!

@ istambay : oo nga baka nabigwasan ko ang puta jooooke! ok na ko matagal na kami ng asawa ko ngayon thanks :) yung nasa pic, "mahal" ang tawag namin sa isa't isa. pero pwede me siyang tawaging song seung heon.

@ nox : oh no. walang matitirang friend ko nyan hehe.

@ doc ced : haha. ala na yun.

@ ceiboh : actually meron nga haha! hehe maliit na kurot na lang haha! bukas ala na.

@ emmanuel : uy sobrang positive. good for you :)

@ nowitzki : yah. napakaliit na nga lang talaga.

@ carlo : honga. super liit na lang talaga hehe.

@ mugen : aww. minsan talaga ganun no?

@ egG : hahaha! thanks sa pagdaan lagi :)

@ allan : slight lang naman :)

Anonymous said...

ganyan talaga kaya mas mabuting hindi kinakaibigan ang mga ex. lol

~Carrie~ said...

Aray ko :(

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...