Thursday, January 6, 2011
Mga Munting Aral
Laboy akong bata noon. Di pa kasi uso ang mga PSP, wii at kung anu-anong gadget na kinalolokohan ng mga bata ngayon. Lagi kang bonding with nature kapag naglalaro sa labas, at ngayon ko lang naunawaan na ang dami ko palang munting aral na natutunan sa aking pakikipaglaro sa kalikasan.
Aratilis
Namimitas kaming magkakalaro ng aratilis sa bakuran ng aming kapitbahay. Usapan naming mga paslit ay ipunin muna ang mga ito sa plastic bago pagsaluhan. Masarap sipsipin ang matamis na katas ng mga maliliit at mapupulang perlas na ito.
Mga munting aral:
1. Kapag may nakitang maliit na mamula-mula, sipsipin mo.
2. Masaya pag pinagsaluhan ito. Pasipsip mo ang mga aratilis mo. Sipsipin mo rin ang sa kaniya.
3. Pag mas marami kayong gagawin, gumamit ng plastic bag.
Santan
Di na kailangang mangapitbahay dahil nagkalat ito sa labas ng aming bakuran. Kailangang maging matiyaga at isa-isang pitasin ang mga bulaklak, hilahin ang mala-karayom na tangkay sa gitna nito at doon sasama ang matamis nitong nektar.
Mga munting aral:
1. Kapag dinutdot mo ang bulaklak, may nektar.
2. Wag maging gahaman. Isa-isa lang ang pagpitas ng bulaklak.
3. Wag mangapitbahay para sa bulaklak. Baka ka mapatay ng may-ari.
4. Ang matiyaga, may nadudutdot.
Dati, nagagamit ko pa ang mga natutunan kong ito. Ngayon hindi na. Allergic na ako sa bulaklak.
Gumamela
Binabayo namin noon ang ilang pirasong dahon at bulaklak nito at sinasamahan ng kaunting Tide hanggang sa lumabas ang habol naming katas na malapot. Pagkatapos ay maghahanap ng mga pirasong tingting o tangkay ng papaya para sa panghipan. Ganun kadali at pwede na kaming mag-blowing bubbles ng walang sawa.
Mga munting aral:
1. Kapag nagbayo ka, may lalabas na katas na malapot.
2. Masaya kung tulung-tulong sa pagbabayo.
3. Tingting man o tangkay ang hipan, pare-pareho lang yan.
4. Wag maramot. Mas masaya kung ipapahipan mo rin ang iyong tangkay.
5. Masarap makipag-blowing. Di ka magsasawa.
Bayabas
Gumagawa ang kapitbahay namin ng mga trumpo mula sa puso ng kahoy nito. Lahat ng mga bata ay mahilig magpaikot at pagsabungin ang mga ito. Pwedeng mabiyak ang iyong trumpo kapag tinamaan ng iba. Pwede ka ring masugatan sa matalim na pako nito kaya't kailangang mag-ingat. Sa larong ito, matira ang matibay.
Mga munting aral:
1. Mag-ingat sa pakikipaglaro. Maaring ika-biyak ng iyong puso o ng sa iba.
2. Kapag may pinaikot ka, maaring ikaw rin ang masugatan.
3. Kapag natumba ka, ok lang yan. Laro ka lang ulit.
4. Basta matibay ka, may matitira ka rin.
photo credit : flickr.com (amadika, dejuice, mysoulinsurance2004, rx1031, vivianne del prado)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
31 comments:
thats true iba talaga noong araw kasi pagnagalalaro mga bata eh physical like taguan, akyat ng puno, habulan, chinese garter etc.
pero ngayon sa bahay na lang ang mga bata at nagalalaro ng ps3, wii, etc.
ganda post mo kasi maslalo natin naapreciate ang mother nature :)
yay! magkababata yata tayo ah..hehe
.
.
parehong-pareho ;)
@ hard : salamat. akala ko mababastusan ka sa mga aral na napulot ko :)
@ desole boy : haha wag kana maingay, baka mas matanda pa ako
wow! astig! galing galing ading! :D
natawa ako sa gumamela. ahihihi
idol, i can relate sa lahat ng fruits at flowers na binanggit mo. and i'm amazed sa mga lessons na binanggit mo... may point ka!!! hahaha. continue posting your works. ang galing galing mo!
Loaded ang entry mong ito pre! Ang galing!
Nakalimutan mo ang Yellow Bell. Ang dagta nito ay malagkit, puwedeng gawing elmer's glue.
Munting Aral mula sa Yellow Bell.
Kapag may pinisil. May dagtang lalabas.
Masarap pisilin ang Yellow Bell ng iyong kaibigan.
Hahaha. Yoko na! Nice nice!
3. Wag mangapitbahay para sa bulaklak. Baka ka mapatay ng may-ari.
Natawa ako dito, ambabaw ko kasi! hahaha...
:)
Nice one Sir! :)
madouble o matriple meaning pa man ito... may mapupulot ka paring aral.. kahit papaano... hehehe
ahaha! yung sa aratilis lalo na yung sa santan eh ginagawa rin namin nung bubwit pa kami. ahaha. nakaka-miss :)
For nature has been taken for granted with the rise of technology.
And simple living are only experienced on the rurban and rural areas outside the metro.
Where are we going anyway?
hindi ko alam..ako lang siguro...pero parang ang likot likot ng pagiisip ko habang binabasa ko ang learnings mo.ahahaha
Na miss ko tuloy ang kabataan ko.. hehehe..
naalala ko pa nun pag nakakakita kami ng itlog ng butiki, niluluto namin. lol.. hehehe..
masarap ang aratilis kaso malangaw.. eew. hehe
ay fafa - di ako makarelate - PSP at video games na noong kabataan ko Chos! hahaha
natawa ako dahil lahat ng yan naging o parte ng childhood ko...
heheheh isama mo pa yung aakyat ng santol at star apple..o kaya pumunta sa bukid maliligo sa ilog at kukuha ng kasoy
Naalala ko tuloy ang nilupak sa pagkakadescribe mo sa gumamela. Pag mas matagal binayo, mas masarap kasi mas kumakatas.
@ nimmy : naku thanks ading! oo nga yung gumamela part din yung paborito ko hehe.
@ leo : uy thank you. tuwa ako na-gets yung mga totoong lesson :)
@ mugen : phew! salamat parekoy. worried ako before i posted this na baka hindi ma-gets yung underlying meaning. at oo nga, tama ka sa yellow bell na yan at sa kaniyang munting aral hahaha! :D
@ mr. chan : hehe talagang ingat sa mga may sabit.
@ kiko : ei salamat at na-gets mo rin at may napulot ka pang aral ehehe!
@ nowitzki : ay ibig ba sabihin maaga kang nakipagsipsipan ng aratilis? hehe.
@ guyrony : wow! that made me think and reflect.
@ maldito : bwahaha! thank you at na-gets mo! napaghahalata tuloy kung sino tayong mga bastos. ;)
@ nielz : sir, naku gaano kalaki ang itlog ng butiki? di pa ko nakakita pero sabi nila magkakakulugo ka raw dun. oo nga binabangaw yang aratilis.
@ jr : ay sariwa't inosente ka pa nga niyan! halika iho. ituturo ko sa iyo ang mga lessons sa post na ito. :)
@ uno : ay paborito ko rin yang mga prutas na yan at ang pagtatampisaw sa ilog lalo na kung may mga machong naliligo.
@ jasonpaul : ah ganun din ba ang nilupak. may alam din akong ibang bagay na pag binayo, nagkakatas. gusto mo makita? :P
Na-miss ko rin maglaro bilang bata sa subdivision namin at mamitas nung mga matutulas na halaman, tapos ibabatao namin sa buhok ng nagtitinda ng balot. hahahaha!
weeee nostalgia.LOL
nakakatuwa yung post nyo ngayon at ang ganda nung mga munting aral. :D
mga ilang beses ko to binasa ulit. for some reason, pag nababasa ko ang salitang bayuhan natatawa ako. congrats. ikaw ang unang tao inassociate ang gumamela sa bayuhan.
Hmmm puro halaman. Namiss ko din dati manghuli ng mga tutubi at alitaptap. Wala na ako masyado makita ngayun eh?
Takot akong hawakan ang gagamba at salagubang
masarap ung aratilis khit green pa nilalantakan ko, miss ko rin ung sumasalising mag-yosi nung grade3 sa likod bahay, pero wla kong bisyo ngayon. gud boy!
heavens to betsey! this is so precious - and i mean that in a good way. babalik ako ha?
Naku masarap nga makipagsipsipan ng aratilis hahaha at magbayo ng gumamela...
@ will : naku pilyo ka rin pala nung bata haha!
@ kyle : salamat at naki-reminisce ka :)
@ nyabach0i: naalala kong babae ka nga pala. nahiya tuloy ako :)
@ seth : oo nga parang wala na akong nakikitang tutubi at alitaptap. yung salagubang, kinakain sa probinsya namin kaya baka malapit na ring maubos.
@ keatondrunk : naku mahilig ka pala sa bubot na aratilis. buti hindi na-debelop ang paninigarilyo at nanatili kang good boy :)
@ john chen : salamat sa pagdalaw.
@ glenn : ay talagang masarap yan. hanggang ngayon gawain ko pa rin yan.
Ang cute naman ng mga munting aral. It made me look back sa pagkabata ko. Sa province kasi ako lumaki and we have those plants sa backyard namin. :)
Mag kasing edad lang ba tayo Sean?
@ m.i. : saan ang province niyo mi? dun din ba sa beach na featured sa recent post mo? ang ganda dun! naku baka malayo ang itinanda ko sa iyo mi :)
nung bata ako pinasipsip ko din ang aratilis ko at pinahipan ang mapula kong gumamela.
hahaha! nakakatuwa tong entry mona to, sir. :)
@ carlo : ahaha! bata ka rin pala nagsimula. thanks carlo :)
Natawa ako sa double meaning ng mga munting aral. Hahaha!
@seriously funny: haha! salamat nagustuhan mo :)
galing galing! kudos :)
Post a Comment