Thursday, January 13, 2011

Sa Isang Tingin


Lumingon siya sa akin, at ako sa kaniya. Isang tingin lang, basa na agad namin ang nasa isip ng isa. Gimik mamaya. Inuman.

Kasamahan ko siya sa dating trabaho. Una kong pinasukan, ikailan na niya. Matalik kaming magkaibigan noon. Mabait siya. Masaya kasama. Di mo kami mapaghiwalay. Para kaming mag-kuya.

Nakipag-inuman kami sa bahay ng isang kaibigan. Isa siya sa mga nalasing. Inaya ng may-ari na matulog na lang sa bahay ang mga may tama para iwas sa aksidente. Nagpasama siyang maiwan. Nagpaunlak ako.

Dalawa kami sa isang kwarto, nakahiga sa isang kama. Umiiyak siya.

"Bakit?" kako. "Anong nangyari?" Idinantay ko ang kaniyang mukha sa aking dibdib upang siya'y patahanin.

"Sorry..." ang tangi niyang isinagot. "Sorry... Sorry..."

Mapusok niyang hinalikan ang aking dibdib. Pababa. Habang umiiyak at binabanggit nang paulit-ulit ang parehong mga kataga.

Kumapit ako sa kaniya. Sa aming pagkakaibigang mabilis na kumakawala. Ayokong may magbago, ayoko siyang mawala. Sa aking takot, ako'y pumikit... at nagpaubaya.

Nakahiga kami at parehong nakatingala sa kisame. Parehong nakikiramdam. Siya ang bumasag sa katahimikan.

"Sean, sorry... Sorry talaga... Magkaibigan pa rin tayo ha..."

Lumingon siya sa akin, at ako sa kaniya. At doon ako humagulgol. Dahil iba na ang aking basa sa kaniyang mga mata.

photo credit : steelcloset.com
  

24 comments:

Nimmy said...

nag-puss 'n boots eyes ba sya ading? hehehe.

Maldito said...

parang ang awkward naman yung manggagahasa na nga, iiyak iyak pa.he he he

dapat itodo na...walang sorry sorry.lols

JR said...

Haaay nakarelate ako! Ganyan din ang unang experience ko - sa aking best friend and I was so stupid to fall in love with my best friend! - ay teka! movie na yun ah! sorry na carried away lang ahahaha..

Dapat sinabi mo - walang sorry sorry! Tuwad! hahaha

Ms. Chuniverse said...

Tama lang si JR. Hahaha!

hIndi ba nagkailangan after?

Anonymous said...

:( i remembered something the same on my experience. kayo na talaga ang idol ko sir. Simple mga kwento pero may kurot sa puso. :(

James - M.I. said...

Sean, first time?

Carlo said...

ouch. matagal nagkimkim ng pagnanasa si bespren. hehe.

TAMBAY said...

eeeekkkk... hindi mo expected, at noon hindi mo nakita sa kanya. hanggat hindi nakakasama sa ilalim ng iisang bubong ang isa, hinding hindi natin makikilala..

c - e - i - b - o - h said...

"dahil iba na ang aking nabasa sa kaniyang mga mata"

anu ba ang nabasa mu? hehehe

Lone wolf Milch said...

sindaya niya siguro malasing talaga para may reason siya or para masmalakas ang loob niya

egG. said...

iba talaga ang nagagawa kapag lasing eh noh?

hmmm... sana ganon pa rin kayo ng bespren mo.. yung walang nagbago :)

Mugen said...

May bigla akong naalala.

Anonymous said...

weeee.... i remember something anyways... parang nagmamakaawang chong pwedeng mangrape.. wahehehe... ganun lang... bat umiyak pa...

red the mod said...

Something similar happened to me. Except I was the one crying.

Noah G said...

marubdob ito :(

Anonymous said...

i once fell in-love to my best friend, pero basted, wahahaha

pero di nga, mahirap kapag sa bestfriend ka nainlove, laki ng chance na masira pagkakaibigan niyo,

:)

Guyrony said...

It's simply friendship with benefits...

Sean said...

@ nimmy : ay ading, parang ganun nga ang drama hahaha!

@ maldito : dapat pala i quoted you :)

@ JR : hay fafa ang dami mong experience ha! jusko katawa ka talaga hahaha!

@ ms. chuni : oo nga katawa tong si fafa JR. Hay sobrang ilang...

@ kyle : baka common experience ito sa pagdadalaga haha! akala ko singit yung nakurot ko juk ! :)

@ james : naku ibig ba sabihin nito hindi na ako virgin? haha!

@ carlo : naku malamang. dapat sinabi na lang niya sa umpisa, madali naman ako kausap. joooke!

@ istambay : hindi ko expected kasi mabait talaga siya.

@ ceiboh : nabasa ko ang kaniyang makapal na eyeshadow at mascara juk!

@ hard : dapat ako na lang yung nilasing niya juk!

@ egG : matagal na ito. Naalala ko lang dahil nagkita kami recently. nun pa lang marami nang nagbago.

@ mugen : magba-back read ako. baka sakaling andun :)

@ kiko : may naremember ka rin kiks? umpisa pa lang kasi guilty na siguro siya.

@ red the mod : magba-back read din ako ng blog baka andun.

@ nowitzki : intense nga

@ tr aurelius : di na nga the same after

@ guyrony : siguro masyado pa akong nene that time to understand what was happening :)

Desperate Houseboy said...

Thank you Sean for leaving comment and following my blog. It is something for me. Mwah. :)

emmanuelmateo said...

chong..awan lng napasamak kada kayo'n?bestfriends kay kadi?

pls follow me at www.angbuhayayhindibitin.blogspot.com i will follow you din po.

BTW, thanks for commenting..

Sean said...

@ desperate : mwah back at you :)

@ emmanuel : ading, wen bespren ko isu na idi ngem haanen. thank you for visiting. nag follow ak meten.

Unknown said...

di ko masyado na gets ang post.. hehehe. mahina utak ni Tim ngayon..

Sean said...

@ tim : hehehe. baka depende lang sa experience ng tao kaya di maka-relate dito.

Victor Saudad said...

Kung ako yun tinawanan ko na siguro siya... sabay tulak palaglag sa kama.

Hey, thanks for the comment on my latest entry...I'll still be posting, busy lang.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...