Monday, January 3, 2011

Peklat At Nunal


Maaga siyang nakaidlip. Di alintana ang ingay ng natitirang putukan. Epekto marahil ng aming nainom sa pagsalubong sa bagong taon.

Kanina ay masaya kaming nag-countdown sa pagpapalit ng taon. At siyempre dala ng alak at pagdiriwang, marami ring ipinahayag na mensahe sa isa't isa. Pagmamahal. Pasasalamat. Magkayakap naming mga pangarap.

Pinagmasdan ko siya sa kaniyang pagkakahimbing. Tulad ng ilan niyang puting buhok, marami nang nagbago sa amin sa dumaang ilang taon.

Noon, dalawa kaming mapusok, walang takot na sumabak sa anumang adventure, bawal man o hindi. Dahil sa may sakit niyang ama at sa kapamilya kong pumanaw, napag-usapan namin ang aming pagtanda at pinag-awayan kung sinong mauuna. Kahit na isang araw lamang ang pagitan ay walang gustong bumigay.

Inilapat niya ang kaniyang mga palad sa aking noo. Marahan niya itong hinaplos at ipinikit ang aking mga mata. Itinuloy ang paglalakbay ng kaniyang mga kamay sa aking mukha.

"Peklat... nunal..." bulong niya sa sarili.

"Anong ginagawa mo?" ang tanong ko.

"Inaalala ka. Para mahanap kita sa kabilang buhay," sagot ng mokong.

Ngayon, mahimbing ang kaniyang tulog. Gusto ko siyang gisingin. Marami pa akong gustong sabihin. Mga bagay na nakalimutan kong sabihin kanina. Pero hinayaan ko na lang siya sa kaniyang paghihilik. Unang araw ng bagong taon, ng bagong dekada. Maraming panahon para sabihin ang aking saloobin. Hinaplos ko ang kaniyang noo. "Peklat... nunal..."


photo credit : laprogressive.com
  

36 comments:

uno said...

nice one stand out ito!

Anonymous said...

wee.. pano pagnaerase yan.. wahehehe epal... pero sweet...

DSM said...

"Inaalala ka. Para mahanap kita sa kabilang buhay," sagot ng mokong.

i never thought a morbid discussion can be this loving and sweet!

Mugen said...

"Peklat... nunal..." bulong niya sa sarili.

"Anong ginagawa mo?" ang tanong ko.

"Inaalala ka. Para mahanap kita sa kabilang buhay," sagot ng mokong.

Paumanhin, pero balang araw, hihiramin ko itong mga linyang ito.

Kung may isang entry na lagi kong matatandaan sa iyo, ito marahil iyon. :)

Anonymous said...

waaaa T_T
ang ganda ng linyang binitawan niya...

Noah G said...

panalo talaga ang mga posts mo :)
napaka-solemn (which I love) tapos kinikilig-kilig pa ko na ewan. ahahay.

Nimmy said...

haaaaaaaaaaaay. ibang level talaga ang ka-sweetan niyo manong! more more more! hehehe. gandang umaga:D

Lone wolf Milch said...

ang ganda ng post mo nakakatouch hehehe sobrang sweet at nilalanggam kayo sa sweetness

vhinong said...

best entry so far :)

Anonymous said...

Hi Sean, happy new year. Thanks for your blog and for the thoughtful and engaging entries you write. Sana may e mail contact ikaw para masulatan ka. Wishing you happiness, health and wealth. More power

Anonymous said...

very emotional :(

nnapaka ganda :)

punked said...

pasok na pasok sa JAR!!!

Orally said...

Wow! Ang galenggg. Cheers to love.

ZaiZai said...

ang sweet naman nun :) happy new year sean! :)

Steph Degamo said...

sa lalim ng mensahe na dala ng post na to, pilit kong iniintindi ang halaga at ibig sabihin ng peklat at nunal. mejo huli ko na. pero aalamin ko parin. clap clap!

Unknown said...

medyo malalim a, nice

Leo said...

ikaw na ang bago kong idol Sean! :)

James - M.I. said...

It's one of the sweetest words we could say to the person we love.

You wouldn't mind if I'll use it, will you?

Kapitan Potpot said...

Oh shoot... This entry made me smile today. I'm touched, really. ;)

jc said...

this is just so sweet!

iurico said...

very nicely written.

I am now a fan.

:-)

glentot said...

Awwwwww I liked this post... so sweet and truthful and melancholic, I'm running out of words here... ang galing...

glentot said...

I hope you don't mind I'm posting this link sa aking Facebook page hehehe

casado said...

dang, tumagos to sa puso ko...simpleng simple pero ramdam na ramdam ko....

happy new year sa inyong dalawa!!

YOW said...

Ang sweet naman. :) Like!

Maldito said...

I love the post...sweet.....and painful to think...:(

Unknown said...

woot woot woot! ang galing, na confuse ako ah....

André said...

Clicks the imaginary like button 20 times and stashes the line in his memory vault for future cheesiness attempt.

Sean said...

@ uno : uy maraming salamat. at first ka to comment, talagang bagay sa pangalan mo :)

@ kiko : pag nabura, libag lang pala yun. bwahaha!

@ dom : haha oo nga ang morbid ng usapan.

@ mugen : wow naman! thanks parekoy *blush*

@ kyle : ay oo minsan sweet... minsan grrr haha!

@ nowitzki : uy thank you. ako tuloy yung kinilig.

@ nimmy : hahaha parang bang pulot ng ilokano? morning nims! ayaw mag-appear ng comments ko sa blog mo before i left :(

@ hard : hahaha! nilanggam na pala kami. kaya pala ang kati-kati ko na ngayon. yun naman ang aking kakamutin!

@ vhinong : uyyy talaga? thanks.

@ anonymous : happy new year din at salamat sa pagdaan. pakilala ka rin sana. di bale magpapaturo ako kung paano i-adjust yung profile para lumabas yung e-mail addy.

@ mr. chan : hello sir. maraming salamat! natuwa ako sa magkaibang facial expression. parang yin-yang.

@ punked : thank you :)

@ orally : maraming salamat bien. cheers!

@ zaizai : uy hello! thanks and happy new year ulit!

@ ester : haha! madam nabuhay ka! tagal mong nawala.

@ keatondrunk : uy hello! ang depth ba? haha!

@ leo : naku maraming salamat *blush ulit*

@ m.i. : ay talaga? thank you hahaha.

@ louie : uy tuwa naman ako i was able to make you smile. eto pa *kilitikiliti*

@ jc : uy thanks parekoy :)

@ iurico : ei hello! naku thank you *blush ulit kulay kamatis na*

@ glenn : ay thank you. wowowow naman! na-link ako ehehehe!

@ soltero : hi papa solts! i have to confess. yung naramdaman mo... hinipuan kita :) thanks again and happy new year din.

@ ako si yow : ay thanks! :)

@ maldito : sweet and painful... naku nakakangilo pala! thanks maldito!

@ tim : salamat. naku ginulo ba kita?

Sean said...

@ grey : ahahaha! thanks grey.

Call Me Xander said...

thanks for the comments

Sean said...

@ melovesflying : thanks for dropping by.

@ xander : thanks for visiting as well :)

Yffar'sWorld said...

simple at maiksi ang istorya pero napakaganda ng pagkakahabi ng mga salita!

ang ganda nito!

nakita ko lang ang link mo sa FB page ng wickedmouth ni glentot. XD

Sean said...

@ yffar : uy maraming salamat! haha buti naisipan mong i-click yung link. thanks din kay glenn.

Seriously Funny said...

*teary eyed*

Sean said...

@seriously funny: :'(

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...