Tuesday, August 16, 2011

Ang Gabing Umulan Ng Mga Tala


Madilim ang gabi, ni ngiti ng buwan ay hindi sumilip. Marahil ito ay nagtatago, nagmumukmok sa pangungulila't pagkainip. Iniwan itong nag-iisa ng kaniyang dating mga kasama. Dahil ito ang gabing umulan ng mga tala.

Nakaupo siyang mag-isa, nag-iisip sa sala. Malungkot at nakatanaw lamang sa labas ng bintana. Kumalas ang mga bituin mula sa kanilang kinalalagyan. At marahang lumutang pababa upang siya ay samahan.

Nagkalat sila na parang mga bubog sa daan. Makinang, mapang-akit, lahat nagkikislapan. Matiyaga niyang pinulot ang bawat isa. Namangha sa angkin nitong kariktan bago ito ibinulsa.

Mainit ang mga talang kaniyang inangkin. Nagsimulang magbaga ang kaniyang damit, katawan at damdamin. Tinangay ng hangin ang nag-aapoy niyang kabuuan. At biglang nagliwanag ang buong kalangitan.

Hindi siya mahagilap ng kararating na asawa. Tiningala nito ang bulalakaw, na sabay raw sana nilang nakita. Sumilay ang ngiti ng buwan, at ito'y ubod ng pakla. Hindi na siya nag-iisa, kaniyang panunuya.

photo from here

17 comments:

Kiks said...

echuserang moon!

Anonymous said...

wow galing boss....

SilverwingX said...

I wish I am the one that got burned and raised to heaven.

Anonymous said...

ang lalim pla talaga ng baul mo Sean, ang daming lamang ganito! sarap basahin :)

Aris said...

beautiful. very poetic. tama ba ang intindi ko na tungkol ito sa pagkatukso at pagtataksil? :)

Anonymous said...

magaling..pinapahanga mo ako sean...

egG. said...

wala ako naintindihan.. kaloka.. tagalog na nga eh...

kaawww na....

Steph Degamo said...

super astig ang yong mga metapora. idol!

Unknown said...

ang lalim hirap hukayin hehe, ang galing!

bien said...

Sean, pakipalitan ang title ng Ang Gabing Dumugo ang ilong ko

zeke said...

oo nga, ang daming figures of speech. siguro kapag naging author ka favorite ka ng hs teacher ko. hehe

Blakrabit said...

As usual. Very poetic and dreamy. Give me some of your talents!

Lone wolf Milch said...

agree ako kay bien hehehehe

JJ Roa Rodriguez said...

tumutubo na ang wisdom tooth mo... LOL!

JJRod'z

dario the jagged little egg said...

Ako'y labis na nabighani sa iyong galing ginoo : )

Sean said...

@kiks: echusera nga hahaha.

@kikomaxxx: hehe salamat batman.

@silverwing: aww. thanks for visiting silverwingx.

@mr. chan: baka may butas sa ilalim mr. chan :) salamat! :)

@aris: hi aris, one of my idols dito. thank you :) and yeah yun yung theme pero baka may iba pang interpretation ang ibang tao. :)

@jay rulez: aw, thanks jay!

@egg: hahaha. kumusta ang birthday boy?

@ester: hey ester. asus! salamat :)

@keatondrunk: hahaha. salamat kd.

@bien: lol! madaling araw na! :)

@the green breaker: mahilig din kaya siyang magpadugo ng ilong?

@blakrabit: aww, thanks blakrabit!!! ikaw kaya multi talented. just saw your drawing.

@jj roa rodriquez: oo nga! lol!

@daniel the jagged little egg: ang lalim ha hehehe. thanks sis!

Anonymous said...

A. Ma. Zing. I am floored by your prose. Every single time.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...