Sunday, January 30, 2011
Perfect 10
I am waiting for my MP3 downloads to finish. They are all piano covers, providing a different take on songs that I either love or hate. I enjoy dancing to nonsensical ramblings from Ke$ha and Rihanna, but with the right instrument and interpretation, the songs transform into classics. I also find Bieber songs too shrill and tweeny for my taste, but I love the instrumental version of "Pray" *.
As a kid I used to love instrumental music. When my English teacher asked us to pick a song, write down the lyrics and explain its message, I chose a Kenny G standard. The melody, instrument, and the artist's emotion more than made up for the lack of prose. Within the song I read love, sex, and life. That's what I wrote, and for the effort I got a fat 0. It broke my young heart and my emerging creative spirit.
As a compromise, Mrs. Hitler allowed me to submit a revision. I leafed through a copy of my yaya's songhits and picked Bette Midler's "The Rose". I've never heard the song, but the lyrics seemed poetic enough for an easy interpretation (ok I did like the second stanza). I got a perfect 10, and she was ecstatic. "It's one of my favorite songs, Sean. I'll bring a CD player tomorrow." I cut class the next day.
As with my appreciation of a Bieber song, I can now find joy in things I usually find ordinary or even loathe. What I still struggle with at times is the need for validation, fulfillment based on other people's norms. I need to keep reminding myself that this is my life, not an interpretation of others'. I shouldn't have to compromise just to hear someone say I'm a 10.
* Thanks to Allan of The Man Who Can't Be Moved blog for introducing me to this song.
photo credit : homorazzi.com
Friday, January 28, 2011
Biyernes Na Pala
Hindi ako makagalaw. Parang may mabigat na nakadagan sa aking buong katawan. Di ba sabi nila para magising, subukan daw igalaw ang mga daliri sa kamay. O sa paa, alinman ang makakatulong. Pero hindi naman ako tulog. Nakahiga lang. Hindi pa naliligo. Hindi pa kumakain. At unti-unti nang nawawala ang liwanag sa labas.
May neg-text. TGIF. Happy weekend daw. Biyernes na pala. Para sa akin kasi, walang pagkakaiba ang mga araw. Siguro dahil matagal na akong hindi nagtatrabaho. Nakuntentong maging maybahay.
Masaya naman ako sa ganitong buhay. Lagi kaming may panahon sa isa't-isa. Wala akong ibang inaalala. Hanggang nung umalis siya kasama ng kanyang kapamilya. Ilang araw na. Ilang araw pa. Anlakas pala tumiktak ng orasan dito sa bahay. Ngayon ko lang napansin.
Heto ako ngayon, nakahilata lang. Hindi makagalaw. Hindi alam ang gagawin. Hindi naman ako tulog, pero matagal ko na palang kailangang gumising.
photo credit : flickr - altogethersweet
Thursday, January 27, 2011
Threesome
Pangalawa sa aking asawa, sila ang pinaka-minahal ko sa buong buhay ko. Oo, tama ang basa mo. Sila. Dalawa. At sabay ko silang minahal noon. Sabay-sabay naming minahal ang isa't isa.
Maraming magsasabing libog lang yun. Pero hindi. Ayaw ko ring tanggapin sa sarili ko noong una, lalo na't bagong mulat ako sa aking pagkatao. Doon ko nalaman na maaari ka ngang magmahal at mahalin ng higit sa isa. Na posible ang tatlong magkabiyak. Na may mga pagkakataong mabubuo lamang ang kumpleto sa tatlo.
Mas malaya kami noon sa pamumuna ng iba. Sweet man kami, mukha lang kaming magkakabarkada. Sa dalawa, may maaamoy ka. Sa tatlo, ikaw na ang malisyoso. Pwede pa naman kaming mapagkamalang magkakapatid.
Pero ang relasyon namin ay likas na pang-tatlo. At nang naglaho ang pagmamahal ng isa, hindi ito nakayang itaguyod ng natitirang dalawa. Tuluyan na rin siyang gumuho. At yun ay halos hindi ko kinaya.
Maraming huhusga na abnormal ang isang threesome. Malamang nga abnormal ito. Hindi. Dapat ay abnormal siya. Dahil gaano man kaganda ang tatlong pagmamahalan, walang dapat dumaan sa ganoon kasakit na hiwalayan.
photo credit : faheykleingallery.com
Maraming huhusga na abnormal ang isang threesome. Malamang nga abnormal ito. Hindi. Dapat ay abnormal siya. Dahil gaano man kaganda ang tatlong pagmamahalan, walang dapat dumaan sa ganoon kasakit na hiwalayan.
photo credit : faheykleingallery.com
Tuesday, January 25, 2011
Bata At Sariwa
Masarap makipaglaro sa mga mas bata. Siyempre yung mga nasa tamang edad na ha.
Titingalain ka. Sa iyong bihis at pananalita. Sa pagdadala mo ng iyong sarili. Sa narating mo sa buhay.
Minsan nga lang di pa magaling. Baka di ka mag-enjoy kaagad. Pero bibo yang mga yan. Madali lang turuan. Eager to please pa.
Medyo ingat ka lang. Madalas kasi, hindi pa nila napagbubukod ang libog sa pag-ibig. Nakikipaglaro ka lang, biglang ang higpit na ng kapit. Nakakasakal.
Pero dahil din naman diyan, andali nilang paglaruan. Pag ramdam mo na kahit katiting na kapit, subukan mo. Pag matigas ang ulo, sabihin mong ayaw mo nang makipaglaro. Naku! Lalong maghihigpit ang kapit niyan. And your wish is his command.
Kadalasan ilang taon ang agwat namin? Sampu, walo, naku nasa iyo na yan. Basta ang alalahanin mo, basta bata, madaling paikutin.
Heto nga tingnan mo. Nauto na naman ako.
photo credit : asianbite.com
Monday, January 24, 2011
Pusod
Tulad ko, hindi rin siya malapit sa kaniyang tatay. Marami siyang hinanakit dito. Hindi siya inalagaan. Hindi siya sinuportahan. Hindi siya minahal. Nang bumukod siya ng tirahan at kami ay nagsama, pakiramdam niya ay nakalaya siya. Mula sa mapang-aping ama. Mula sa araw-araw na pakikipagbangayan.
Ngayong matanda na ang kanyang tatay, siya lang sa kanilang magkakapatid ang dumadalaw dito nang araw-araw. Wala naman daw siyang utang na loob dito. Dapat nga raw ay pabayaan niya ito, tulad ng pagpapabaya sa kaniya noon. Naiinis siya rito, pero mas inis siya sa sarili. Di ba't sa kaniyang pagbukod ay dapat nakalaya na siya?
Napaisip ako at tinanong ang sarili. Baka naman ang pagbubukod ay nauukol lamang sa tinitirahang bahay, at hindi sa magkarugtong na buhay? Maaari ba talagang maputol ang ugnayan ng isang anak sa kaniyang magulang? Bakit pilitin man natin itong putulin ay laging may magpapaalala nito sa atin? Itinaas ko ng bahagya ang kanyang t-shirt at hinalikan siya dito. Bakit nga ba tayo may mga pusod?
Photo credit : Flickr.com - BellyLover!
Saturday, January 22, 2011
Bath House
Kasama ko ang aking asawa sa maiksing pila. Inabot ko ang bayad. "Dalawa," ang sabi ko sa lalakeng nagbabantay sa pinto. May itsura. Pagbabadya kaya sa anyo ng mga parokyano sa gabing ito? Pagkaabot ng sukli ay dinala kami papasok sa loob.
Madilim. Maraming tao. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa mga bagong pasok. Agad kang huhubaran at huhusgahan. Hinubad namin at isinantabi ang natitirang inhibisyon.
Umikot muna kami. Maraming nakatayo sa magkabilang tabi ng daanan. Iba't ibang hugis. Makakapamili ka. Merong nakalaan para sa lahat. Maraming nakangiti. May mga nakangisi. Merong mga tumatango. Ilan ang bumabati. Lahat, may pagnanasa.
Tumigil kami sa isang lugar na di gaanong madilim. May mga umaaligid, hanggang lumapit ang isa. Pumagitna sa aming mag-asawa. Nagsimula akong kumayod. Ganoon din ang aking asawa. Kabisado namin ang isa't isa. Pero magaling ang bagong kasama. Mapusok siya at marunong sumunod sa aming indayog.
Nakapikit ang bago naming kasama habang gumigiling. Pinagmasdan ko ang aking asawa. Kagat ang sariling labi habang nakatingin din sa akin. Tagaktak ang pawis. Bumilis ang galaw naming tatlo, ngunit tugma pa rin ang ritmo. Hanggang mapasigaw ang isa, "Hoooooooh!" Mabilis namang sumunod ang dalawa pa. Pawisan kaming nalugmok, habol ang hininga.
Tinapik naming mag-asawa ang ikatlo bilang pasasalamat at pamamaalam. Ngumiti siya bago bumalik kasama ng iba sa dilim.
Nagsindi kami ng sigarilyo sa labas at pumapak ng siomai habang pinagmamasdan ang pinto. Madaling araw na, buhay na buhay pa rin ang lugar sa kanto ng Nakpil at Orosa.
Tiningnan ko ang asawa ko. "Next time try natin ang Bed. Mas ok daw ang music."
photo credit : simonlover83.blogspot.com
Nakapikit ang bago naming kasama habang gumigiling. Pinagmasdan ko ang aking asawa. Kagat ang sariling labi habang nakatingin din sa akin. Tagaktak ang pawis. Bumilis ang galaw naming tatlo, ngunit tugma pa rin ang ritmo. Hanggang mapasigaw ang isa, "Hoooooooh!" Mabilis namang sumunod ang dalawa pa. Pawisan kaming nalugmok, habol ang hininga.
Tinapik naming mag-asawa ang ikatlo bilang pasasalamat at pamamaalam. Ngumiti siya bago bumalik kasama ng iba sa dilim.
Nagsindi kami ng sigarilyo sa labas at pumapak ng siomai habang pinagmamasdan ang pinto. Madaling araw na, buhay na buhay pa rin ang lugar sa kanto ng Nakpil at Orosa.
Tiningnan ko ang asawa ko. "Next time try natin ang Bed. Mas ok daw ang music."
photo credit : simonlover83.blogspot.com
Thursday, January 20, 2011
Barkading
Mainit, walang aircon. Nakaharap ang maliit na inuman sa mausok na daan. Tapos na ang pasko pero patay sindi ang mga munting ilaw na nagsisilbing dekorasyon sa payak na lugar. Malapit siya sa iskwater. Kung mamalasin, siguro pwede akong magripuhan.
Umorder ako ng beer at nagsindi ng sigarilyo. Nang matapos ang paghithit, naghulog ako ng barya sa makina at pumili ng kanta. Kinuha ko ang mikropono at inantay ang mga titik at musika.
Kagagaling ko lang ng Greenbelt noon, nakipagkita sa mga dating kaibigan. Matagal na rin akong hindi nagagawi doon, at napakaganda na pala ng pagkakaayos nito. Pati mga tao magaganda, mapoporma. Masarap ang pagkain at red wine, pero mas natuwa ako sa usapan. Iba na ang mga kalagayan namin sa buhay, pero kami pa rin yung mga dating totoy na magkakasama. Naubos ang gabi sa pagbabalik tanaw sa aming mga kalokohan hanggang sa kami'y magpaalam.
Bitin ang tama ko, at dito sa dati naming tambayan ako dinala ng sarili ko. Nag-umpisa ang kanta. Sumabay ako. Di ko na kailangang basahin ang mga titik na ilang daang beses ko na sigurong nakanta. Sa katabing mesa, may mga sumabay, may pumapalakpak at sumusuray sa tiyempo, meron din sigurong nagpipigil mangantiyaw. Wala akong nakilala, pero saglit kong nakita sa kanila ang kauuwing mga kabarkada.
photo credit : hellyeahazkals.tumblr.com
Wednesday, January 19, 2011
X
Naging kaibigan mo ba ang mga ex mo? Ako oo. Lahat. Kahit gaano pa naging kasama ang aming paghihiwalay.
Maliban sa isa.
Minsan, nagkikita pa rin kami ng aking mga ex. Siyempre sa umpisa medyo awkward, pero likas naman akong magaling makisama. Mabilis kong nahuhuli kung saan at paano ako lulugar. Hindi na asawa. Hindi rin boyfriend. Hindi pa kaibigan, pero doon mas malapit. Bago pa man din magpaalaman, para na kaming mag-BFF. Wala na ring kurot sa puso. Sa singit, kaunti na lang.
Maliban nga dun sa isa.
Oo, siya ang umiwan sa akin, pero ganun din naman yung sa iba. Akala ko noon, siya nang talaga. Sa kaniya, hindi ko hinangad na maging normal dahil kung ano kami noon, alam kong hindi ito maaaring matawag na masama, pangit o bawal. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit, pero basta isang araw, biglang ayaw na lang niya. Kahit nang siya'y lumayo at nangibang bansa, di pa rin ako makapag-move on.
Nag-email yung kaibigan namin sa California at ibinalitang nagkasama daw sila sa isang party. May kasama pang link sa YouTube. Nag-atubili akong i-click yung link. Inihanda ko ang sarili sa inaasahang muling pagbukas ng napakalalim na sugat, paglagaslas ng di-mapigilang mga luha, at muling pagkaguho ng aking mundo. (Para sigurado, ipinatago ko muna sa kapitbahay ang mga matatalas at nakalalasong bagay na nakakalat sa bahay.)
*click*
Kumakanta siya. Masaya. Gwapo pa rin.
At walang pasabi-sabi, pagkatapos ng napakahabang panahon, biglang dumating ang masakit na
*Kurot*
photo credit : fitness.bf-1.com
Maliban nga dun sa isa.
Oo, siya ang umiwan sa akin, pero ganun din naman yung sa iba. Akala ko noon, siya nang talaga. Sa kaniya, hindi ko hinangad na maging normal dahil kung ano kami noon, alam kong hindi ito maaaring matawag na masama, pangit o bawal. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit, pero basta isang araw, biglang ayaw na lang niya. Kahit nang siya'y lumayo at nangibang bansa, di pa rin ako makapag-move on.
Nag-email yung kaibigan namin sa California at ibinalitang nagkasama daw sila sa isang party. May kasama pang link sa YouTube. Nag-atubili akong i-click yung link. Inihanda ko ang sarili sa inaasahang muling pagbukas ng napakalalim na sugat, paglagaslas ng di-mapigilang mga luha, at muling pagkaguho ng aking mundo. (Para sigurado, ipinatago ko muna sa kapitbahay ang mga matatalas at nakalalasong bagay na nakakalat sa bahay.)
*click*
Kumakanta siya. Masaya. Gwapo pa rin.
At walang pasabi-sabi, pagkatapos ng napakahabang panahon, biglang dumating ang masakit na
*Kurot*
photo credit : fitness.bf-1.com
Dalawa
May inusisa akong telepono. Dual active sim daw. Tamang-tama sa aking pangangailangan. Dalawang sim card.
Dalawa rin ang aking e-mail address.
Dalawa ang aking profile sa Facebook.
Dalawa ang nakahandang kwento tungkol sa kung magkaano-ano kami ng aking kinakasama. Kahit isa lang ang nagagamit, dalawa ang kwarto at kama sa aming tirahan.
Dalawa ang aking pangalan.
Isa sa bawat mundong ginagalawan.
Minsan nakakalito. Madalas nakakapagod.
Dinampot ko ang pisong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Mukha sa harap. Sagisag sa likod. Pinaikot ko ito. Sa pag-ikot nito, nawala ang mukha pati ang sagisag. Pinag-isa. Buo.
Alam kong hindi magtatagal ang pag-ikot nito. Bumagal ito at sumirko hanggang tumigil nang pahiga sa mesa.
Dinampot ko ito nang hindi tinitingnan ang nanaig na panig.
Hindi pa ako handa.
photo credit : abercrombieblog.com
Monday, January 17, 2011
Hosto
Habang humihithit ng sigarilyo, naalala ko nung ako ang pinakamabentang hosto sa isang klab na nagpapanggap na malaking kumpanya sa may Ayala. Sapat ang kita, at masaya naman sa aking ginagawa. Araw araw na paglalandi sa mga parokyano, pagsasalsal ng utak sa harap ng kompyuter, at pakikipagkantutan sa mga katrabaho para makabuo ng mga solusyong kinakailangan.
Nagbago ang lahat nang ipinamana ako ng dati kong bugaw sa iba. Hindi maganda ang samahan namin ng bagong bugaw. Bawat salitang bitawan niya ay pang-iinsulto sa aking dangal. Galing sa basang dilang walang sawa sa pagsibasib sa aking tenga at nag-iiwan ng panis na laway sa aking pagkatao.
Araw araw kung ako'y kaniyang halayin. Luhod, bukaka, tuwad at tambling ay ginawa ko nang lahat, pero sa kaniya ay kulang pa rin. Maraming beses din akong tumayo at lumaban, ngunit unti-unti pa ring nagupo ang aking kalooban. Kasabay nito ay ang paglamlam ng dati kong angking kinang.
Tuwing katapusan, aking binibilang ang sweldong tumutustos sa pangangailangan ng katawan. Perang katumbas ng nawawalang respeto sa sarili at katinuan. Marangal nga ang aking trabaho, pero ganito ang aking pakiramdam.
Huling hithit bago ko tinapakan ang sindi ng upos ng sigarilyo. Hinubad ko ang aking kurbata at ipinalit ang natitirang puri. Nagsimula akong lumakad papalayo sa anino ng mga naglalakihang gusali upang hanapin ang aking sarili.
photcredit : bedstory.blogspot.com
Sunday, January 16, 2011
Hele Kay Bunso
Abala si nanay sa pagliligpit ng iyong mga gamit.
Di siya matapus-tapos sa pagtiklop ng iyong damit.
Nakasalansan na nang maayos ang mga lata ng gatas.
Ang mga bote at tsupon ay pulos bagong hugas.
Tulog na bunso, andito lang ako.
Umidlip nang mahimbing dito sa tabi ko.
Dumating na si tatay galing sa trabaho.
Sumaglit lang sa labas upang manigarilyo.
Sina ate at kuya, pinasundo na kina lolo.
Maya-maya lamang, darating na rin dito.
Tulog na bunso, andito lang ako.
Umidlip nang mahimbing dito sa tabi ko.
Naku ilang araw na lang at birthday mo na.
Ni regalo kong pamasko, di mo pa nakikita.
Kahon pa lang nito, malaki pa sa iyo.
Naghihintay na lang na ito'y buksan mo.
Tulog na bunso, andito lang ako.
Umidlip nang mahimbing dito sa tabi ko.
Huwag ka nang umiyak, tahan na, tahan na.
Aalis na ng ospital, tayo ay uuwi na.
Huwag ka nang umiyak, Sean, kahit tayo'y kanyang iniwan.
Mahimbing na si bunso, di na siya nahihirapan.
Tulog na bunso, andito lang ako.
Umidlip nang mahimbing dito sa tabi ko.
photo credit : nationwideeggdonation.com
Friday, January 14, 2011
"Girl", "Boy", Bakla, Tomboy
Ang mga taong tulad ko, minsan ay naghahangad ng simpleng buhay. Yung hindi komplikado at katulad nang sa nakararami. Mag-asawa. Magkaanak. Magtaguyod ng sariling pamilya. Lalo na pag may kamag-anak na nangungulit kung bakit wala pa akong asawa. I-post ba naman sa Facebook account ko?
Ayokong makasagasa ng iba, kaya't mahirap isipin ang pag-aasawa. Pero teka. Meron din sigurong mga babae na nasa aking sitwasyon. Adik na kung adik, pero pwede bang magpakasal ang isang bakla sa isang tibo? Siyempre may mga katanungan na sumagi agad sa isip ko. Kakayanin kaya namin ang mga bagay na ito:
1. Baka pareho kaming top.
2. Walang perlas ang aking talaba. Baka ma-frustrate siya sa kanyang pagsisid.
3. Hindi ako size queen pero naman, mabusog kaya ako sa mani? Pero ok lang naman sa akin na wala siyang maihain na itlog sa agahan, tanghalian o hapunan. Di ko naman bet ang log.
4. Fingerrr??? Akala ko pa naman gumradweyt na ako sa pagta-thumbsuck.
5. Kailangan ko siyang pakinggan, lalo na pag sinabi niyang, "Mali. Hindi diyan!" Paano nga naman kami makakabuo kung sa maling bangko pa rin ako nagdedeposito.
Naputol ang aking pag-iisip dahil biglang nag-comment yung anak ng tiyahin kong nag-post sa aking Facebook. "Ma ano ka ba with your personal questions! Dapat di na kita tinuruang mag-Facebook." Salamat naman at hindi ko na kailangang sumagot. Pinalitan ko na lang ang aking status. It's complicated.
photo credit : gestalta.com
Thursday, January 13, 2011
Sa Isang Tingin
Lumingon siya sa akin, at ako sa kaniya. Isang tingin lang, basa na agad namin ang nasa isip ng isa. Gimik mamaya. Inuman.
Kasamahan ko siya sa dating trabaho. Una kong pinasukan, ikailan na niya. Matalik kaming magkaibigan noon. Mabait siya. Masaya kasama. Di mo kami mapaghiwalay. Para kaming mag-kuya.
Nakipag-inuman kami sa bahay ng isang kaibigan. Isa siya sa mga nalasing. Inaya ng may-ari na matulog na lang sa bahay ang mga may tama para iwas sa aksidente. Nagpasama siyang maiwan. Nagpaunlak ako.
Dalawa kami sa isang kwarto, nakahiga sa isang kama. Umiiyak siya.
"Bakit?" kako. "Anong nangyari?" Idinantay ko ang kaniyang mukha sa aking dibdib upang siya'y patahanin.
"Sorry..." ang tangi niyang isinagot. "Sorry... Sorry..."
Mapusok niyang hinalikan ang aking dibdib. Pababa. Habang umiiyak at binabanggit nang paulit-ulit ang parehong mga kataga.
Kumapit ako sa kaniya. Sa aming pagkakaibigang mabilis na kumakawala. Ayokong may magbago, ayoko siyang mawala. Sa aking takot, ako'y pumikit... at nagpaubaya.
Nakahiga kami at parehong nakatingala sa kisame. Parehong nakikiramdam. Siya ang bumasag sa katahimikan.
"Sean, sorry... Sorry talaga... Magkaibigan pa rin tayo ha..."
Lumingon siya sa akin, at ako sa kaniya. At doon ako humagulgol. Dahil iba na ang aking basa sa kaniyang mga mata.
photo credit : steelcloset.com
Tuesday, January 11, 2011
Naipit
Minsan mo na bang naranasan na parang tumigil ang mundo mo?
Tuloy pa rin ang pag-usad ng panahon, maraming nagbabago pero para lamang sa ibang tao, at parang ikaw ay naipit sa kinalalagyan mo.
Na minsan ay napapansin mo na parang umulit na naman ang iyong karanasan.
At tinatanong mo ang iyong sarili kung nasaan ka na ba ngayon at di mo pa rin alam kung ano ang gusto mong gawin sa iyong buhay.
Nang naging mabigat ang loob ko at nangailangan ng may mapagsasabihan, ako'y lumapit at kumausap ng isang bingi.
Dahil gusto kong kumawala sa aking pagkakaipit, ako naman ay nakinig sa mga payo ng isang pipi.
At tumulak ako sa di alam na paroroonan, at nang ako'y maligaw ay nagtanong ng tamang direksiyon sa isang bulag.
Walang nangyayari at gusto kong magmadali sa aking pupuntahan, kaya't nagpasama akong tumakbo sa isang baldado.
May naawa sa akin at nagsabing, "Mabuti pang sumakay ka na dito. Mas mabilis kang makakarating." Ako'y nagtiwala at sumakay sa kanyang tsubibo.
Kaya't heto ako. Malayo na ang nilakbay. Pero nandito pa rin.
photo credit : altfg.com
Sunday, January 9, 2011
Bakla Nga Ba Si John Travolta?
Bakit ba laman ng tabloid at showbiz balita ngayon ang sa kung bakla nga ba si John Travolta? Na isang malaking kasinungalingan daw ang pagsasama nila ng kanyang misis na si Kelly Preston? At mahilig daw siyang makipagniig sa kapwa niya lalake lalo na sa mga pribadong spa?
Naalala ko yung minsang napadala ako ng aming kumpanya para lumahok sa isang linggong training sa ibang bansa. Linggo ako dumating, nag-check-in, at sabay tumuloy sa health center ng hotel para mag-relax. Nag-treadmill ng kaunti para mabanat ang aking katawan na nangalay sa biyahe, sabay deretso ng sauna para ituloy ang pagpapawis.
Dahil siguradong walang makakakilala sa akin, iniwan ko ang aking pagkamahiyain sa locker at hubo't hubad akong nagpalipat-lipat sa sauna, steam room, at jacuzzi. Habang ako'y naka-upo sa loob ng sauna, may dumating na lalake. Caucasian, matangkad, matipuno, may itsura.
Naupo siya sa tapat ko, at magkaharap naming nilasap ang init. Nakatitig lang siya sa akin. Pinagmamasdan ang unti-unting pag-usbong ng aking pawis, kasabay ng pag-usbong ng kaniyang pagkalalaki. Ngumiti siya sa akin. Nagpakilala at inabot ang kaniyang kamay. May singsing.
Habang pumipitik pitik ang imbitasyong nakaturo sa langit, nag-usap kami nang sandali. Mga ilang segundo rin siyang hindi nakasagot nang kinumusta ko ang pamilya niya, pero inamin niyang naiwan sa bahay ang asawa't anak. Nang halos di ko na makayanan ang init, hindi lang ng sauna, tumayo na ako at nagpaalam.
Kinabukasan, nagsimula ang training. Iba't ibang mga attendees na noon ko lang nakilala. Dumating ang trainor at pareho kaming napatda. Ayos ang buhok, naka kurbata't amerikana, pero nakilala ko pa rin siya. At ang kaniyang singsing.
Kinagabihan, bumalik akong muli sa health center at inulit ang aking routine. Nagkita kaming muli sa sauna, pero maligamgam na ang singaw ng makina sa loob nito. Sandali uli kaming nagkwentuhan bago ako nagpaalam. Kumaway siya at napansin kong wala na ang kaniyang singsing.
So bakla nga ba si John Travolta? Hindi ko alam at ayaw ko siyang husgahan. Kung totoo man ito, napakahirap siguro ng kaniyang sitwasyon. Dahil para sa isang John Travolta, hindi sapat na hubarin lang ang suot niyang singsing bago maaaring magpakatotoo sa kaniyang sarili.
photo credit : 711sauna.blogspot.com
Parada Ng Mga Dancer
Biglang sumabog ang iba't ibang kulay na bumaha sa maitim na aspalto sa harap ko. Ito ang pakiramdam ko nang biglaang lumiko ang napakahabang prusisyon ng mga makukulay na lion dancers sa dulo ng kalsadang binabaybay ko nitong bagong taon. May mga leon na pula, bughaw, itim, ginto, at malamang lahat na ng kulay na nasa Crayola 64.
Ang kasabihan ay naitataboy daw ng mga nilikhang ito ang masasamang elemento na nagdudulot ng hirap at pagdurusa, at sila daw ang nagbibigay suwerte sa bagong taon. Actually, tapos na ang parada nang ito'y aking masalubong, at pauwi na ang mga leon nang kami'y aksidenteng magtagpo. Pero sana'y maambunan pa rin ako sa natapos nang pagbabasbas. Nang dumating naman sa akin ang swerte, at mawala ang malas.
Nanatili akong nakatayo sa gitna ng daan. Humina ang daloy ng parada hanggang sa tuluyang naglaho ang mga mananayaw. Maitim na naman ang aspaltadong daan, ngunit naiwan ang makukulay na bakas sa dating matamlay kong hapon.
photo credit : flickr.com - elainekatry, others taken with my phone
Thursday, January 6, 2011
Mga Munting Aral
Laboy akong bata noon. Di pa kasi uso ang mga PSP, wii at kung anu-anong gadget na kinalolokohan ng mga bata ngayon. Lagi kang bonding with nature kapag naglalaro sa labas, at ngayon ko lang naunawaan na ang dami ko palang munting aral na natutunan sa aking pakikipaglaro sa kalikasan.
Aratilis
Namimitas kaming magkakalaro ng aratilis sa bakuran ng aming kapitbahay. Usapan naming mga paslit ay ipunin muna ang mga ito sa plastic bago pagsaluhan. Masarap sipsipin ang matamis na katas ng mga maliliit at mapupulang perlas na ito.
Mga munting aral:
1. Kapag may nakitang maliit na mamula-mula, sipsipin mo.
2. Masaya pag pinagsaluhan ito. Pasipsip mo ang mga aratilis mo. Sipsipin mo rin ang sa kaniya.
3. Pag mas marami kayong gagawin, gumamit ng plastic bag.
Santan
Di na kailangang mangapitbahay dahil nagkalat ito sa labas ng aming bakuran. Kailangang maging matiyaga at isa-isang pitasin ang mga bulaklak, hilahin ang mala-karayom na tangkay sa gitna nito at doon sasama ang matamis nitong nektar.
Mga munting aral:
1. Kapag dinutdot mo ang bulaklak, may nektar.
2. Wag maging gahaman. Isa-isa lang ang pagpitas ng bulaklak.
3. Wag mangapitbahay para sa bulaklak. Baka ka mapatay ng may-ari.
4. Ang matiyaga, may nadudutdot.
Dati, nagagamit ko pa ang mga natutunan kong ito. Ngayon hindi na. Allergic na ako sa bulaklak.
Gumamela
Binabayo namin noon ang ilang pirasong dahon at bulaklak nito at sinasamahan ng kaunting Tide hanggang sa lumabas ang habol naming katas na malapot. Pagkatapos ay maghahanap ng mga pirasong tingting o tangkay ng papaya para sa panghipan. Ganun kadali at pwede na kaming mag-blowing bubbles ng walang sawa.
Mga munting aral:
1. Kapag nagbayo ka, may lalabas na katas na malapot.
2. Masaya kung tulung-tulong sa pagbabayo.
3. Tingting man o tangkay ang hipan, pare-pareho lang yan.
4. Wag maramot. Mas masaya kung ipapahipan mo rin ang iyong tangkay.
5. Masarap makipag-blowing. Di ka magsasawa.
Bayabas
Gumagawa ang kapitbahay namin ng mga trumpo mula sa puso ng kahoy nito. Lahat ng mga bata ay mahilig magpaikot at pagsabungin ang mga ito. Pwedeng mabiyak ang iyong trumpo kapag tinamaan ng iba. Pwede ka ring masugatan sa matalim na pako nito kaya't kailangang mag-ingat. Sa larong ito, matira ang matibay.
Mga munting aral:
1. Mag-ingat sa pakikipaglaro. Maaring ika-biyak ng iyong puso o ng sa iba.
2. Kapag may pinaikot ka, maaring ikaw rin ang masugatan.
3. Kapag natumba ka, ok lang yan. Laro ka lang ulit.
4. Basta matibay ka, may matitira ka rin.
photo credit : flickr.com (amadika, dejuice, mysoulinsurance2004, rx1031, vivianne del prado)
Wednesday, January 5, 2011
Namaluktot Sa Kumot
Narito ako sa bansang kinalakihan ng aking asawa. Taglamig dito at dahil hindi ako sanay, nagtatago ako sa ilalim ng mga kumot upang mag-hibernate. Dala ng matinding ginaw, pakiramdam ko ay unti-unting... bumabagal ang tibok... ng aking... puso. Blagg!
Biglang bumukas at humampas sa dingding ang pinto ng banyo. Isinuka nito ang nanginginig kong asawa. Bagong ligo at umaaso, gumagapang papalayo sa kaniyang katawan ang nagkukulutang singaw ng init. Pinilipit niya ang twalya at ako'y pinitik. Araaayy!
Bumalik ang kirot sa aking dibdib. Mabilis na gumapang pababa sa aking sikmura. Hanggang sa di na ako makahinga. Na kahit wala nang hangin sa aking baga ay pilit pa rin itong pinupurga. Sa gitna ng aking paghangos, napagtanto ko na sa aking paglayo, di ko pa rin natakasan ang pagpanaw ng isang mahal sa buhay. Nalunod ako sa kalungkutan, at tinakpan ko ng unan ang impit na paghikbi. Mmmmph!
"Huminga ka," bulong ng aking asawa, sabay hagod sa aking likod habang mahigpit niya akong yakap. "Ganito," at huminga siya ng malalim para sa aming dalawa. Paulit-ulit. Unti-unting lumalim ang dating mga singhap, hanggang natuto akong sumabay sa kaniya. Iniahon niya ako mula sa ilalim ng pinagtataguang mga kumot at binihisan upang sabay naming harapin ang dumating na taglamig.
photo credit : flickr.com - mestes76
Monday, January 3, 2011
Peklat At Nunal
Maaga siyang nakaidlip. Di alintana ang ingay ng natitirang putukan. Epekto marahil ng aming nainom sa pagsalubong sa bagong taon.
Kanina ay masaya kaming nag-countdown sa pagpapalit ng taon. At siyempre dala ng alak at pagdiriwang, marami ring ipinahayag na mensahe sa isa't isa. Pagmamahal. Pasasalamat. Magkayakap naming mga pangarap.
Pinagmasdan ko siya sa kaniyang pagkakahimbing. Tulad ng ilan niyang puting buhok, marami nang nagbago sa amin sa dumaang ilang taon.
Noon, dalawa kaming mapusok, walang takot na sumabak sa anumang adventure, bawal man o hindi. Dahil sa may sakit niyang ama at sa kapamilya kong pumanaw, napag-usapan namin ang aming pagtanda at pinag-awayan kung sinong mauuna. Kahit na isang araw lamang ang pagitan ay walang gustong bumigay.
Inilapat niya ang kaniyang mga palad sa aking noo. Marahan niya itong hinaplos at ipinikit ang aking mga mata. Itinuloy ang paglalakbay ng kaniyang mga kamay sa aking mukha.
"Peklat... nunal..." bulong niya sa sarili.
"Anong ginagawa mo?" ang tanong ko.
"Inaalala ka. Para mahanap kita sa kabilang buhay," sagot ng mokong.
Ngayon, mahimbing ang kaniyang tulog. Gusto ko siyang gisingin. Marami pa akong gustong sabihin. Mga bagay na nakalimutan kong sabihin kanina. Pero hinayaan ko na lang siya sa kaniyang paghihilik. Unang araw ng bagong taon, ng bagong dekada. Maraming panahon para sabihin ang aking saloobin. Hinaplos ko ang kaniyang noo. "Peklat... nunal..."
photo credit : laprogressive.com
Subscribe to:
Posts (Atom)