Friday, December 31, 2010
Pinaputok Ako ni Katy
Today everyone will be busy ringing in the new year with their loved ones. People are scrambling to complete the preparations for the festivities, reminisce the good times in 2010 and list down their new year's resolutions, plan last-minute gimmicks, and exhaust the last chance for hooking up this year. Before things get too hectic, I just wanted to post a brief and final entry for this year.
It is not easy being in the closet. I have dealt with the angst and confusion alone. Walang makausap, walang mapagtanungan, itinatago ang sarili maski sa iilang mga baklang kaibigan. What makes closeted life lonelier is that I had no friends to share the joy with for the few milestones in my gay life.
I have only been exposed to the world of blogging for around two months, and being part of your virtual lives and this online community has been liberating. It is ironic that except for the anonymity, I have never experienced this much honesty. And thank you for sharing and listening.
I just wanted to share this song, not just for its literal application. For me it is a modern and danceable variant of Cyndi Lauper's True Colors. I hope that 2011 is a better year for all of us. Another year closer to when we can all hopefully live outside our closets (and not just the gay kind).
Thanks again for the friendship that transcends space and time(zones). Happy new year to you and your loved ones!!!
photo credit : bighugelabs.com - LucaRam
Thursday, December 30, 2010
Eating Alone
Mag-isa na naman akong kumakain ng hapunan. Ilang buwan ko nang ginagawa ito, pero hindi pa rin ako nasasanay. Tamad pa man din akong magluto at maghugas ng pinggan para sa iisang tao kaya't eto na naman. Mag-isang nakaupo sa restawran. "Oo Miss. Mag-isa lang ako," halos araw-araw kong paliwanag sa waitress.
Masaya ang mga kwentuhan sa mga katabing lamesa. Pamilya, grupo ng mga kaibigan, o at least man lang dalawang taong magkasama. Pag puno ang lugar, may lalapit pa at magtatanong, "Sir, gagamitin niyo ba itong upuan?" Talaga namang ipagdiinan pa ang aking pag-iisa.
Pwede kong sabihin na I enjoy the quiet time o kaya nagagamit ko yung panahon para magbasa ng libro, mag-blog, magtrabaho at kung anu-ano pa. Pero hindi. Malungkot. Order na lang ng beer.
Dati, ang aking asawa ang nagdedesisyon kung saan kakain at ano ang oorderin. Pareho kaming makwento, pero mabilis talaga siyang kumain. Umoorder siya ng mainit na inumin habang inaantay niya akong matapos. Ngayon, nahihirapan akong pumili ng pagkain lalo na't para sa isang tao lang. Lagi tuloy isang putahe lang, at ang hirap pang ubusin.
Gusto ko siyang sumbatan. Ipamukha sa kaniya na lagi na lang siyang may kasamang ibang lalake. Na habang silang dalawa'y masaya sa kanilang pinagsasaluhan, mag-isa akong nagmukmok dito, mukhang tangang pinapanood sa telepono ang aming mga pictures sa kung saan-saang restawran.
Ngunit paano ko susumbatan ang isang mabuting anak na araw-araw nag-aaruga sa kaniyang matanda't sakiting ama?
photo credit: digital-photo.com.au
Tuesday, December 28, 2010
Sa Ngayon Tayo Pumara
Kahapon, hindi ko man lang naisip na hanapin ang ngayon. Ang miminsang saglit na pinakaantay ng marami. Ang sandaling sa ilan ay maaaring di mangyari.
Bukas, samakalawa at magpakailanman, pipilitin kong maging ngayon. Dahil ngayon, narito Ka. Narito Ako. Narito Tayo.
To my partner and best friend in life, happy anniversary! Years younger, we met on this day. We held hands. And since then, we've never let go.
photo credit : apapop.com
Monday, December 27, 2010
Nang Inipit Si Jose
What exactly is Rizal Day? All I know is that it is a public holiday between Christmas and the new year. I'm not one to complain about any excuse to not have to work, but who actually celebrates it? I don't see throngs of people buying gifts or noche buena fare in the malls for this auspicious day. Also, there has been nothing on TV of people losing precious digits for lighting firecrackers in his honor. I am equally sure that nobody received any "Merry Christmas and a happy Rizal day and a prosperous new year" greeting over the holidays. He may be our national hero, but how can one compete with Christmas or the new year?
While I don't understand its meaning, I personally like this holiday. The chaos brought about by the Christmas festivities has died down, and it provides a welcome respite just before the new year celebrations start picking up. It is the time when opened Christmas presents are most cherished and new year resolutions are drafted. The traffic is generally not as bad, and spending takes a very brief breather. There is also more time for myself. Whatever it is one does on this day, I don't think it is about good old Jose.
I feel for the guy though, for the importance of this man and his day seem lost on us. It's now more of an ipit holiday between Christmas and the new year. Nevertheless, he is still the face of the peso, the most important driver of the two major holidays that his day brings together.
For everyone that's taking a breather, have a good and hopefully quiet Rizal Day!
photo credit : thedoctorsindyshow.com
Wednesday, December 22, 2010
Spotlight's On Me
Nakaupo ako sa isang sulok. Tulala. Wala akong naririnig sa mga sinasabi ng mga tao sa aking paligid. Masaya sila. Nagkakantahan pa.
Nang tumagal, isa-isa silang umalis ng walang paalam. Isa-isa ring namatay ang mga ilaw. Nagdilim sa loob, ngunit may mumunting liwanag pa rin sa mga kandilang naiwan sa katatapos na pagdiriwang. Maging ang mga ito ay unti-unting naparam, hanggang sa ako'y mabalot ng dilim.
Nanatili lang akong nakaupo. Nakikinig sa katahimikan. Marahan ang paghinga. Blangko ang isipan. Nakikiramdam.
At doon ko siya naramdaman. Mahirap ipaliwanag, pero parang may liwanag na nakatuon sa akin. Liwanag na nanunuot sa aking kaluluwa at unti-unti akong pinupuno ng sigla. Sa gitna ng dilim, nanatili akong tahimik at walang laman ang pag-iisip. Matapos ang ilang sandali, unti-unting kumalat ang liwanag sa labas, at ako'y marahang tumayo at tumungo sa bagong gising na umaga.
Ganyan ang aking huling Simbang Gabi. Naghihintay na makadaupang-palad ang Panginoon. Tahimik, maski ang pag-iisip, walang kailangang hingin o sabihin dahil alam kong alam na Niya. At tulad ng sa bawat araw, ako'y Kaniyang pinagpala.
photo credit: flickr.com - MarkyBon
Monday, December 20, 2010
Diwa ng Pasko
Oo nga naman. Tuwing magpapasko, bakit ba stressed ang mga tao? Hindi ko alam kung dahil ba sa gastos, trapik, sandamukal na tao, at kung ano pang rason. Marami na ngang nakabakasyon sa kani-kanilang trabaho, ang iinit pa rin ng mga ulo.
Bakit ba kailangang ma-stress? Oo nga't may gastusin, pero tayo naman ang nagdedesisyon kung ano ang nararapat bilhin. Trapik ang mga daan, ngunit may MRT naman (wag ka nga lang makikipagsuntukan kapag siksikan - video). At kahit mabagal ang usad ng biyahe, enjoy namang panoorin ang mga ilaw sa daan at ang mga taong naghahabol para sa kapaskuhan. Kung maraming tao, hindi ba't mas nararamdaman natin ang excitement ng isa't isa?
"Where has the Christmas spirit gone?" inulit ko yung tanong nung ale. Di ko napigilang sumagot. "It never really left. People nowadays are just too blind to see." Kailangan lang nating makinig sa kahit anong Christmas song para maalala kung ano ang totoong diwa ng pasko. Mula sa isang tunay na bulag na iminumulat ang iba sa mensahe ng kapaskuhan:
photo credit: buzzhumor.com
Sunday, December 19, 2010
Toast Ng Best Man
Isinara ko ang pinto matapos niyong magpaalam. Dahan-dahan kong binuklat ang papel na nakapaloob sa sobreng inyong iniwan. Puti at ginto, maganda at mamamahalin.
Naka-ukit ang inyong mga pangalan sa itaas ng imbitasyon. Dalawang apelyidong pinagsama. Madaling bigkasin, nagpapatunay na sobrang bagay kayo sa isa't isa, tulad ng nabanggit ko kanina. Nakangiti pa rin ako, bakas ang saya para sa inyo.
Binasa ko ang iba pang mga pangalan. Sa ibaba ng napakahabang listahan ng mga ninong at ninang, nakita ko ang aking pangalan. Best Man. Pang-ilang beses ko na ito, at kailangan ko na namang maghanda ng sasabihin, ng aking toast para sa bagong kasal.
Madaling mag-isip ng mga kwelang bagay na sasabihin, dahil pinipili lang naman akong maging best man ng mga talagang malapit sa akin. Pero parati akong nagtatapos na may iniiwang taos-pusong mensahe para sa mag-asawa, at dito ako mas nahihirapan.
Ngunit alam ko na ang aking sasabihin. Uulitin ko na lang ang dating mga pangarap, ang dating mga pangako ng dalawang pangalang pinaglayo, hindi lamang ng mahabang listahan ng mga ninong at ninang sa hawak kong papel na ginto.
photo credit : weddingbee.com
Wednesday, December 15, 2010
Namamahay
Ako'y napabalikwas sa kama.
Madilim. Malamig. May marahang ihip ng hangin na nagmumula sa maingay na aircon.
"Gising, Sean, gising..." bulong ko sa aking sarili.
Unti-unting nasanay ang aking mga mata sa dilim, ngunit hindi humabol ang kalinawan ng pag-iisip. Hindi ko pa rin alam kung nasaan ako. Pigil ang umuusbong na takot, hinawi ko ang kumot upang umupo at binuksan ang nakapang munting ilaw sa tabi ng kama.
"Sean, come back to bed," lambing ng pamilyar na boses.
Nahawi ang dilim sa kwarto. Bagong lipat sa mas malaking bahay. Kaniya ang mga di pamilyar na kasangkapan. Isang buntong hininga at pinatay ko ang ilaw.
Ako'y bumalik sa kama at sumiksik sa ilalim ng makapal na kumot. Niyakap ako ng aking asawa. Pamilyar ang init ng kaniyang katawan, ang amoy ng kaniyang buhok, ang marahang hilik, ang magaspang niyang kamay, ang aming posisyon sa pagtulog. Ako'y napalagay at unti-unting nakatulog sa aming bagong tahanan ngunit pamilyar naming pagsasama.
photo credit: geekologie.com
Tuesday, December 14, 2010
Happy Ever After
A friend got engaged, and she hosted an informal party to celebrate with her friends. As she is based overseas, none of us really knew her fiance. Naturally, the first thing that people asked was how they met. Her audience gushed as the fairy tale was told, and everyone wished her a happy ever after.
Then the question that I have been bracing for came. The bride-to-be turned to me and asked, "Sean, when is your turn gonna come?" It was her defining moment, the first time in years that she was not in the hot seat for the question. For dramatic effect, she even placed her carat-laden hand on her chest. She should have just slipped her ring on a raised middle finger and shoved it in my face.
I have never had my own cheesy fairy tale. Never been charmed by a prince who would promise me the moon and the stars before we rode off into the sunset together. In my youth I always put the cart before the horse. I found "love" in the most unconventional places, and made love before there was love. At times before the first kiss.
We would lie there naked and spent, and only then start to get to know each other. There are no pretenses, no social hurdles to overcome, one just fights the urge to sleep. There cannot be a more raw and honest moment, and with the right person, we may just be able to connect.
I wanted to tell Bridezilla that there is someone in my life and inspire everyone with my own story. But they will never understand, even from the first question (and answer) of how we met. So I just shrugged, smiled and said, "In it's own time." But I am truly happy for my friend, for I know the joy she is feeling. I may not have had a fairy tale, but I am already living my happy ever after.
photo credit: qwickstep.com

Monday, December 13, 2010
Princess Boy (Ang Kabaliktaran ng Tomboy)
I will be looking for a copy of "My Princess Boy" this weekend. The book is about a 4-year old boy who likes sparkly dresses (and other things that are traditionally for girls) and his family's support for his behavior notwithstanding the criticism from the people around them. The book has sparked a debate between those that support acceptance and unconditional love vs. those that maintain that parents need to steer a child along the norms of society.
As a child, I didn't feel I was different, until I was told to change. My father told me to behave more manly. My grandmother also said that I should practice speaking with a voice that's an octave lower. Sadly, these sparked feelings of confusion and paranoia. I gradually saw more clearly how my father loved me less, as my mom and aunts tried to cover for the shortfall.
That said, my dad was a responsible father. He tried his best, given that he was an orphan who did not have the benefit of experiencing a loving family. His main goal was for each one of us to have a good future. And maybe that was in his mind when he told me to change.
I tried to conform to the norms of society, and it did make my teen and college years easier. I gained a wider set of friends and became more popular. But I never felt that any of these brought me closer to my father. Maybe because I was still the most effeminate of us siblings, the only one who couldn't say no to my parents.
My dad passed away around this time of the year. Just before he died, he told me that he was very grateful that I was their son. That among his children, I was the most selfless and the only one who was fearless in demonstrating my love for him and my mom. And that he loved me. It might have taken my dad a lifetime, but it was then that I finally felt I was my father's princess.
photo credit: maximooliveros.tripod.com
Saturday, December 11, 2010
My Grown Up Christmas Wish
Sandali na lang, pasko na. Andami ko pa namang pamangkin at inaanak at talaga namang may mga listahan pa ang kanilang mga stage mother. Pero enjoy naman akong mamili at magbigay ng mga regalo sa kanila. Kita mo naman kasi yung unti-unting pagbabago ng emosyon sa kanilang mga mukha.
Inip: may regalo kaya si Tito Sean sa akin?
Unawa: ay meron!
Usyoso: ano kaya nasa loob nito?
Excitement: buksan na! buksan na!
Ligaya: honggandaaaaaah! at agad sinuklay ni Lando ang buhok ng kaniyang bagong Barbie.
Kaya eto ako, nakapila sa kahera ng SM habang nagdarasal kay Santa para naman sa aking pansariling kaligayahan. (Di ba santo rin siyang mahaba ang hair at pwedeng dasalan? Dapat gawin siyang patron ng mga long hair.)
Dear Santa, ano kaya ang matatanggap kong regalo mula sa iyo? Inip.
Sa kabilang pila, may mamang medyo masikip ang t-shirt. Naku Santa, salamat. Ang bilis niyo namang dininig ang aking dasal. Unawa.
May kasama kaya siya? Usyoso.
Biglang napatingin sa akin at di bumibitaw ng titig ang loko. Parang ang sarap niyang hubaran na parang X'mas gift. Excitement.
Ligaya na nga ba ang kasunod? Tingnan natin kung pinakinggan nga ni Santa ang aking dasal. Pramis, ipagtatayo ko siya ng rebulto at sasayawan lingu-linggo sa Obando.
photo credit: leatherati.com

Thursday, December 9, 2010
Asawa vs. Kerida
May kumakalat na video ng isang supposedly kabit na inaway ng asawa nung lalake sa isang mall, at medyo nagulat ako dahil sa violence na aking napanood. Maraming nag-komento sa video na ala Team Jinkee vs. Team Krista, pero hindi ko makuhang pumanig sa isa sa kanila.
Kahit na di ko natikman magsuot ng trahe de boda, ilang beses na rin naman akong nakipaglaro ng bahay-bahayan. Minsan na rin akong iniwan dahil sa matagal na palang pakikipag-jackstone sa iba. Minsan rin akong naiwan dahil sa desisyong lumipat ng barangay at magkapamilya. Hulihulihoy, sinong matalo siyang unggoy. Ako na ang unggoy pero hindi ko nagawang manglampaso ng mukha sa mall.
Pero naaala kong ilang beses din akong nanghimasok sa ibang pagsasama. Neneng nene pa ako nang mapasok sa isang maikling relasyon. Hindi ko alam na asawa pala niya yung lalakeng pinakilala niyang "pinsan" niya. Minsan din akong consciously nakasira ng isang pagsasama. Dahil sa nakita kong paghihinagpis, hindi na ito mauulit pa. Pasalamat din ako dahil hindi nila parehong ipinanglampaso ang aking bigote't balbas. Asawa at kerida, parehong naging bahagi ng aking pagkatao. Parehong nagmahal, parehong sinaktan.
Kailan lang, nahanap ako sa Facebook ng "pinsan" ng dati namin parehong karelasyon. Masaya ang aming pag-uusap at di nababanggit ang dating pinaghatian. Ang dating asawa, ang dating kerida - nakakatawa nga naman ang tadhana. Nararamdaman ko, malapit na naming ilampaso ang isa't isa. Katawan sa katawan. Mapusok...
photo credit: regent.blogs.com
Tuesday, December 7, 2010
Si Yaya Simang
A colleague from one of our offices overseas is in town for business. He usually deals with me, so he invited me for drinks after work. He said he's been to Manila several times, so I didn't have to play the role of a tour guide.
Steve is a typical young caucasian guy set loose in an accommodating Asian country - adventurous and horny. We hailed a cab, headed to Burgos Street in Makati, bar-hopped a bit before settling in one.
"Man, the girls here are sooo hot! C'mon take your pick," he said excitedly. I scanned the crowd. Everyone fit the stereotype. Morena, slim, straight long-ish black hair, revealing outfits, high heels, heavy make up. I really don't know why, but I suddenly remembered my yaya. I braced myself and settled for Yaya Simang. Steve went for a taller and darker version.
Yaya Simang was all smiles, as giggly as her boobs were jiggly. She started to reel me in. "Are you from Japan?" she asked and said something in Nihongo. I answered in the negative as she quickly went through a list of other Asian countries. "I'm from Quezon Citeeeeh!" I said. There was a hint of disappointment in her eyes, probably as foreign currency was preferred in this place, but she quickly recovered.
The four of us had a lot of cocktails, danced and flirted. I actually had a good time but had to leave early on account of work the following day. Not surprisingly, Steve stayed behind.
The following day, Steve excitedly approached me at my desk. He started a video clip on his iPhone. It was of Yaya Simang's twin and himself and OMG! Ang lake!!! (Nung boobs nung bebot pare - hahaha.) No wonder namimilipit sa sakrap (sakit/sarap) si Yaya. Ang lake talaga! Steve said, "Next time, let's do a foursome." I nearly died.
photo credit: harrythehorse.com

Monday, December 6, 2010
Voyeur
Inaamin ko. Mahilig akong mamboso.
I get off on watching, just watching. I don't even need to touch, or be touched. I just silently watch.
In the gym. I pass by someone in shorts doing sit ups. Past the hemline, blurred by its shadow, aaaaannnnnd money shot.
In the loo. I'm pissing in the urinals, someone stands beside me, I do a quick shake, and as I turn away, click click click.
In the sauna. Animated conversation with a hunk, we do high fives, my eyes never leave his, he briefly looks away, and snap snap snap.
In the showers. Half-open curtains, he's rinsing his front, he turns around to rinse his back, and flash flash flash.
In the hot tub. I time it perfectly, he's been there a few minutes, I get in, he gets up aaaaannnnnd close up shot.
Just to make it clear, hindi naman ako garapal. I don't linger. Being able to catch that perfect but fleeting moment is where the excitement is. And then that's where my imagination cums.
photo credit: redbubble.com
Sunday, December 5, 2010
Ang Pagsikat Ng Mga Tala
Maingat kong itinali ang maninipis na mga patpat ng kawayan upang maiayos ang mga ito sa naaayong hugis. "Pwede mo nang lagyan niyan," turo ko kay Nene. Kumurot ng kapirasong pandikit ang bata at hinaplos ang kahabaan ng mga tadyang na kawayan.
"O Lito at Carlo, kayo naman," baling ko sa dalawa pang bata nang matapos si Nene. Marahan nilang inilapat ang mga makukulay na pira-pirasong cellophane gamit ang mga nanginginig na kamay. "Huwag kayong nerbiyosin. Makikita niyo mamaya, magiging maganda ito," konsuwelo ko sa kanila.
"Kuya Sean, bakit lukot po yung cellophane? May mali po yata kaming ginawa," malungkot na tanong nina Lito at Carlo. Kumuha ako ng mamasa-masang basahan at marahang hinaplos ang mga gusot na cellophane. "Gawin niyo ito, pero dapat maingat kayo," paliwanag ko sa kanila. Matapos ang ilang minuto, natuyo ang cellophane at napangiti ang dalawa, sabay sigaw ng, "Ay nabanat! Yehey!"
"Ting at Weng, tapos na ba kayo?" baling ko sa dalawa pang bata. "Opo Kuya," sagot nila sabay wagayway sa dalawang makukulay na buntot na ginawa nila gamit ang papel de hapon. "Itali niyo na dito sa ibaba. Yan ang bakas na iniiwan ng tala sa paglalakbay nito," paliwanag ko sa kanila. Matapos maitali ang mga ito, tulong-tulong naming isinabit ang nakumpletong parol, iniingatang di mabutas ng bumbilyang nakapaloob dito ang nakabalot na cellophane.
Responsibilidad nating hubugin ang ating mga kabataan at bigkisin ang mga halagahang magsisilbing patnubay sa kanilang buhay. Magsilbi tayong gabay sa kanilang paglikom ng mga pira-pirasong karanasan at paghahanda sa mararanasang mga gusot at pagtutuwid ng mga ito. Imulat natin ang kanilang mga mata sa kagandahan ng buhay at nang sila'y makapag-iwan ng makukulay na bakas sa kanilang paglalakbay.
Isinaksak ko ang plug ng koryente at nagliwanag ang samut-saring kulay ng parol. Namangha ang mga batang nakatingala sa malaking tala, sabay palakpak at sigaw ng, "Ang ganda Kuya!!!" Ako rin ay marahang pumalakpak habang nakatingin hindi sa parol kundi sa aking mga munting tala.
photo credit: care2.com
photo credit: care2.com
Friday, December 3, 2010
Sabit
"Kapeeeeet! Kapeeeeet! Hahaha!!!" sigaw ng dalawang batang nakasabit sa likuran ng humaharurot na jeep. Hangos na humahabol ang isa pa, sabay talon at hawak sa mga baras. "Kapit kayo ng mahigpit," payo ko sa mga bata. "Hoy! Baka kayo malaglag!" sigaw naman ng drayber na napakamot na lamang ng ulo.
Ganyan rin kaming magkakalaro noon. Kung anong magustuhang gawin, ayun hahabulin. Gagawin ng walang takot, kahit na ano pang sabihin ng ibang tao. At kapag nakuha ang gusto, di mapawi ang nag-uumapaw na saya.
Habang tayo'y tumatanda, mas nagiging komplikado raw ang buhay. Hindi lahat ng pangarap ay natutupad, kaya't maraming hindi na hinahabol. Marami na ring konsiderasyon lalo na sa mga mahal mo at ibang tao sa paligid mo. Baka may malaglag, baka may masagasaan. Madalas di rin tayo masaya dahil sa bawat makamtang bagay, mas marami ang kulang.
Mas komplikado nga ba ang buhay? O tayo lang ba ang nagpapagulo rito? Hindi ko alam ang kasagutan. Ako'y kumapit ng mahigpit at nakisalo sa saya ng mga batang bagong sabit, habang tuloy ang paghaharurot ng jeep sa aming mga patutunguhan.
photo credit: taong-grasya.blogspot.com
Wednesday, December 1, 2010
Titig Ng Chinito
Nahila akong mag-shopping at kumain sa HK. At dahil long weekend, ang daming nagkalat na mga kababayan nating dumayo ng HK na para lang itong kasinlayo ng Divisoria.
Masarap maglalalakad dahil ang sarap ng weather. Medyo malamig na pero malakas pa rin ang sikat ng araw. Para hindi naman ako nahuhuli sa porma ng mga chinito at di ako ipagtabuyan habang tumitingin sa LV, Hermes, Tod's, at Prada ng mga bagay na bibilhin ko mamaya sa Ladies' Market, isinuot ko ang aking pinaka high-end branded na get up from Surplus. OA nga minsan sa porma ang ibang tao sa HK. May mga aleng naka pekpek shorts pero naka-boots na halos hanggang singit. Di ba sobrang OA? Di ba sobrang alembong? Di ba?!!! Wait lang, "Excuse me, miss. Where did you get those awesome boots?"
Siyempre tingin-tingin ng mga bagay na mas mura o di mo mahahanap sa Manila. Patok lagi ang H&M sa akin dahil meron siyang mga stylish na damit na di kamahalan. And siyempre dinumog rin siya ng iba pa nating mga kababayan. Ilang minuto pa lang akong umiikot, ang dami nang nakikipagtitigan na mga gwapong Chinito at Pinoy. Sinabihan ko ang aking mga kasama na magkaniya-kaniya na kami sa loob para mas makapili ako ng
So dampot, tingin, tiklop naman ako habang umiikot sa mga hilera ng damit. Napansin ko na may isang Chinito na lagi kong nakakasabay sa pag-iikot. Madalas din na either magkatabi kami o nasa magkabilang side ng hilera ng damit. At siyempre, lagi kaming nagkakatitigan. I swear, pag iisa ang nahugot namin parehong damit, pwede na kaming gawan ng TV commercial.
Bago pa man din kami makaporma, dumating ang ibang mga tao na tingin ko'y mga kapatid at tatay niya. Narinig kong nagtatagalog ang kanilang angkan, at ako'y natuwa. Kababayan pala. Mas maige, dahil baka mas may future.
Dumating na rin ang isa sa aking mga kasama. Kailangan na raw naming makipagkita sa iba pang katropa. Sumakay na kami ng escalator. Pasimple kong sinulyapan ang kinatatayunan ni Chinito at nahuli ko siyang nakatingala at sinusundan ako ng tingin habang kausap ang isang kamag-anak. Gusto kong tumalon sa kaniyang matipunong mga bisig, pero ang pangit namang first impression nun sa aking future in-laws di ba?
Naglakad na kami palabas papunta sa aming mga kasama, pero kahit na hindi naman talaga ako malandi at kaladkaring tao, hindi ko talaga matiis na hindi makilala si Chinoy. Di ba't sobrang meant to be dahil sa HK pa kami pinagtagpo ng tadhana? Nagkunwari akong may nakalimutang bilhin at nagmamadaling bumalik ng H&M. Habang tumatakbo papasok ng entrance at pababa ng escalator, nabuo sa aking isipan ang mga dapat kong sabihin. Nilibot ko ang mga hilera ng damit pati na ang fitting room, ngunit huli na.
Mabigat ang aking mga hakbang pabalik sa aking mga kasama. "O asan na yung binalikan mong damit?" tanong ng aking kaibigan. Malungkot ko siyang sinagot, "Too late, 'pre. Wala na siya..."
photo credit: trendymen.ru, foxywalk - flickr.com
And Then It Hit Me
I was happy
I was free
I could smile
By merely saying "cheese"
I could jump
When I'm down on my knees
I could run
Like a tear down my face
I could fly
Flap my wings in vacuum space
I felt the wind
I fluttered with excitement
And opened my eyes
to the rushing pavement
I should be happy
I should feel free
In the shadow of what was once you and me
(Post ng laseng. A feeble attempt at expressing a loss that I've had for a while but which has only caught up with me today. I'm sure di ko maiintindihan to bukas.)
photo credit: www.energy-wise-homes.com
photo credit: www.energy-wise-homes.com
Monday, November 29, 2010
Si Tiyo Paeng
Bumukod ako ng tirahan nang mag-umpisa na akong magtrabaho. Dahil masama ang loob ng mga magulang ko, napapayag akong tumira sa katabing apartment ni Tiyo Paeng, ang kuya ng nanay ko at tatay-tatayan namin. Luma na yung apartment at ito yung tipong semento yung unang palapag at kahoy yung itaas. Gawa sa manipis na lawanit ang mga dingding sa ikalawang palapag kaya't dinig mo ang iyong mga kapitbahay.
Mabait si Tiyo Paeng at ang misis niya at araw-araw akong naiimbitahang kumain sa kanila. Pansin kong laging may kakaibang expression sa mukha niya tuwing kausap ako. May kaunting kunot sa noo, nag-iisip, waring may gustong itanong pero nagpipigil lang. Ganito rin ang nakita ko sa mukha ng tatay ko nang makita niya akong suot ang tutu ng kapatid kong ballerina noong grade 1 ako. (Oo na 4th year college na ako non haha!)
Isang gabi, dumalaw ang aking asawa (nang mga panahon na yon). Dinala ko siya sa itaas. Hinalikan. At nagsimulang gumapang ang apoy sa mitsang sinindihan. Hindi ko alam kung di ko lang napansin dati o talagang mapusok lang kami ng gabing iyon, pero anaknamp#&@ ang ingay niya! Kahit nahihiya ako dahil kakalamon ko lang ng longganisang vigan na sandamukal ang bawang, mariin ko siyang hinalikan nang matakluban ang kaniyang bibig. "Huwag khang mahingay. Mahnipis...hang...dhing... dhing," daing ko sa kaniya. Wala! Sumabog ang mga sinindihang kwitis at paputok at nangibabaw ang ingay ng mga naglalampungang pusang may boses binata.

Nagpaalam ang aking asawa at unti-unting nanumbalik ang huni ng mga kuliglig. Kinabukasan, mabait pa rin si Tiyo Paeng. Naimbitahan pa rin akong kumain sa kanila. Masigla pa rin ang kwentuhan at wari'y lumiwanag ang kaniyang mukha. Wala na ang kunot sa noo at nakikita ko na ang aking aninag sa kaniyang mga mata.
photo credit: corbisimages.com
Saturday, November 27, 2010
Nang Mag-Clubbing ang Klabing
Gusto kong maging isang gogoboy.
Mula nang makapanood ako ng QAF at makapunta sa isang NYC club na may mga sumasayaw nang walang pang-itaas ay pinangarap ko nang maging isang gogoboy. Topless lang, para wholesome pa rin naman.
Mahilig lang kasi ako sa club o dance music. At kahit di man kagalingan, mahilig din akong sumayaw. Di naman kasi kailangan tumambling-tambling sa club. Pa-sway sway ka lang to the beat na parang may sariling mundo. Adik ba ehehehe!
Inihanda ko ang mga naipon kong kagamitan para maisakatuparan ang aking matagal nang pinapangarap:
1. Maong (saka na ang pekpek shorts - baby steps po) - check!
2. Military butch - check!
3. Dog tags -check!
4. Aviators - check!
5. Leather cuff - check!
Pandesal na abs na lang ang kulang, pero pwede na siguro ang kaunting baby fats. Baka matunaw na rin sila sa kasasayaw bago mag-umaga.
Di bale, kapag pinagtabuyan ako sa club dahil sa aking baby fats, papasukin ko na lang ang ganitong trabaho (click to follow link - SFW pramis). Medyo mas malaswa nga lang.
Friday, November 26, 2010
Ang Day-Off ni Inday
Sa tuwing ako'y malungkot o hindi mapakali, nakaugalian ko nang mag-ayos ng bahay. Linis, laba, plantsa - mga simpleng bagay na di na kailangang mag-isip. Nakaka-relaks. Nakakapagpagaan ng loob. Patunay na gaano man kagulo ang aking mundo, meron pa ring mga bagay na kaya kong ayusin.
At dahil patapos na ang napakabigat na linggong ito, ayoko na munang mag-isip ng malalim at malayo. Tama na ang buong linggong pagkakalampaso, pagkakasabon at pagkakapaso.
Pawisan at habol ang hininga, inilapag ko ang lunes hanggang huwebes upang mayakap ng buong higpit ang inaabangang biyernes.
Happy weekend sa inyong lahat!
photo credit: fun-pics.com

Tuesday, November 23, 2010
Monday Blues
Mondays really take their toll on me.
I always wake up minutes earlier, anticipating the alarm but very much dreading the drone of weekday life. I lay silent in the dark, watching the second hand slowly pull the morning in as it sweeps across the clock's face. Tick, tick, tick... My entire being braces itself not for an explosion, but in knowing the absence of even a spark in the days to come.
The alarm goes off, and I extricate myself from my bed. I attend to the call of nature, take a quick shower, and put on a shirt and tie. Breakfast is quick, and the drive to the office uneventful. I trudge through the rest of the day's routine, feeling my spirit gradually dim with the light outside.
I have lost my senses, which to me are essential in experiencing life. In the past, I would be awakened by the deafening sound of the alarm and would linger in bed to savor the warmth trapped under the covers. Getting up, my skin would then be assaulted by pinpricks as I turn the airconditioning off. Numbers 1 and 2 felt as cleansing as the warm fragrant bath that followed. The smell and taste of buttered toast were heavenly, and dressing up was preceded by a difficult selection process. The view of the drive to the office would not be limited to the backside of the vehicle in front of me, and the rest of the day would be as much with friends as it was with colleagues.
XXX ### - that's the plate number of the car in front of me. As nameless as the thousands of commuters heading home at this hour. The car turned right into a McDonald's drive-through station, and under the bright yellow arches, I caught a glimpse of the male driver smiling at the kids who were ecstatic in the back seat.
I stepped on the gas to close the gap in front of me. A reddish light appeared on my dashboard.
I am empty...
photo credit: Deeraj Gupta
I always wake up minutes earlier, anticipating the alarm but very much dreading the drone of weekday life. I lay silent in the dark, watching the second hand slowly pull the morning in as it sweeps across the clock's face. Tick, tick, tick... My entire being braces itself not for an explosion, but in knowing the absence of even a spark in the days to come.
The alarm goes off, and I extricate myself from my bed. I attend to the call of nature, take a quick shower, and put on a shirt and tie. Breakfast is quick, and the drive to the office uneventful. I trudge through the rest of the day's routine, feeling my spirit gradually dim with the light outside.
I have lost my senses, which to me are essential in experiencing life. In the past, I would be awakened by the deafening sound of the alarm and would linger in bed to savor the warmth trapped under the covers. Getting up, my skin would then be assaulted by pinpricks as I turn the airconditioning off. Numbers 1 and 2 felt as cleansing as the warm fragrant bath that followed. The smell and taste of buttered toast were heavenly, and dressing up was preceded by a difficult selection process. The view of the drive to the office would not be limited to the backside of the vehicle in front of me, and the rest of the day would be as much with friends as it was with colleagues.
qwickstep.com |
I stepped on the gas to close the gap in front of me. A reddish light appeared on my dashboard.
I am empty...
photo credit: Deeraj Gupta
Sunday, November 21, 2010
Itim na Telon
Gamit ang mga munti at di-siguradong hakbang, unti-unti akong pumanhik sa hagdanan nang may pag-aagam-agam sa inaasahang pagkamulat.
Hinawi ko ang itim na telon.
Madilim. Tahimik. Mainit.
Amoy pawis. Maalat. Maasim.
Kinakabahan ako at napalunok bago pumasok ng lagusan. Walang dalawang pulgada ang aking nakikita sa aking harapan, ngunit unti-unti ring nasanay ang aking paningin sa kadiliman.
May liwanag na nagmumula sa malaking tabing ngunit aninag lamang ng mga laos nang artista ang makikita. Di rin malinaw ang mga katagang nagmumula sa mga basag na speaker. Mas malakas ang ingit ng makina ng malalaking bentilador kaysa sa ihip ng hanging nagmumula sa mga ito.
Maraming bakanteng upuan, ngunit maraming nakatayo sa pinakamataas na baytang. Gumapang ako sa dilim hanggang makarating sa dulo, na siya namang simula ng palibot ng prusisyon ng mga kalalakihan.
Amoy pawis. Maalat. Maasim.
Ako ay nakisama sa marahang parada. Umilaw ang ilang celphone at may mga nagsindi ng lighter sa aking mukha. Maraming nagtanong ng presyo at ilan ang namresyo. Marahan kong hinawi ang mga haplos sa aking pagkatao, habang pinagmamasdang mabuti ang bawat mukha na aking makasalubong.
May nakangiti, nakadila, nasa rurok ng kaligayahan. Ilan ang nagtatago sa likod ng hinubad na t-shirt, dibdib o puson ng kaulayaw, dilim o di kaya'y Ever Bilena. Nakarating ako sa dulo ng prusisyon ngunit wala siya.
Ako ay amoy pawis. Maalat. Maasim.
Naglakad ako patungo sa munting bitak ng liwanag malapit sa lagusang una kong pinasukan. Itinulak ko ang pinto. Napalingon ang lalakeng nakatayo sa harap ng lababo, pilit na ni binubura ang kulay flesh na mantsa sa dating puting pang-ilalim.
"Putangina!" direkta niya parehong kay Hanes at sa akin. Inakbayan ko siya at sinabing "alam kong nag-break kayo kanina, 'lika hatid na kita." Tahimik siyang sumama sa akin sa kabila ng itim na telon.
"Patatak kayo kung babalik pa," habol ng matandang aleng nagbabantay sa takilya.
"Salamat manang, pero uuwi na po kame."
photo credit: Davinia Miranda
Saturday, November 20, 2010
A Cup of Heaven
I hate it when I get sick on a weekend. I find it unfair. One can't file sick leaves and take a break from life itself right?
Just like any other day that I'm ill, I prepared hot cocoa to make me feel better. Now I don't think it has any health benefits, but it warms and cheers me up like a friendly hug. With nuzzling. And spooning. And... teka, teka, hindi na friendly yan!
I only use tableas, either the supermarket variety or the native and organic kind (in short, galing ng probinsiya). I like the raw full-bodied flavor plus I enjoy the process of preparing the beverage. Bringing water to boil, adding the ingredients, constant stirring, no shortcuts.
Maybe getting sick is life's way of telling us to slow down. To reflect on the rawness of life, what has been dished out, both bitter and sweet. Whether we have chosen the right decisions at the right time. Where to steer ourselves moving forward.
The hot cocoa's consistency is perfect, and I poured myself a cup of heaven. I topped it off with a piece of marshmallow and smiled in anticipation. Life is swell...
photo credit: marketmanila.com

Friday, November 19, 2010
Biyahe
Puno na ang jeep pagkasakay naming dalawa. Sobrang haba ng pila kaya't sabay kaming napabuntung-hininga pagkaupo sa makintab na linoleum.
"Buti na lang may upuan pa. Pagod na ang aking mga paa," ngisi niya sa akin.
"Ako rin. Salamat naman at lumarga na. Di bale, masahe lang ang katapat niyan," baling ko sa kaniya.
Matagal din kaming nakatayo sa init kanina. Marahang hinaplos ng kaniyang dila ang kaniyang mapulang mga labi. "Magaling ako diyan."
"Haha! Siraulo," bawi ko.
Medyo nahiya ako kaya't ibinaling ko ang aking tingin sa bintana, ngunit di ko matiis na muling tumitig sa kaniyang mapangusap na mga mata at mapanuksong mga labi. Hindi pa ganap na tuyo ang kaniyang t-shirt kaya't bakat pa rin ang kaniyang matipunong dibdib.
Gusto kong punitin ang kaniyang t-shirt at sibasibin ang kaniyang katawan habang siya's nakalambitin sa mga baras ng bubong ng sasakyan. Wari'y nabasa niya ang aking iniisip, at siya'y napaubo ng kaunti.
"Wag dito. Antay ka lang ng kaunti," kindat niya sa akin.
At dahil trapik, mabagal ang aming biyahe at lalong naipon ang aming pagnanasa sa isa't isa. Nang malapit na sa Quiapo, halos di na ako makapagpigil at siya'y nahabag sa nagmamakaawa kong mga mata.
Kasabay ng isang matamis na ngiti, inabot niya sa akin ang kaniyang kamay.
Nagliwanag ang aking mukha, at akin ring inabot ang aking kamay sa kaniya. Marahan niyang idinantay ang aming mga palad at kahit siksikan, parang kaming dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan.
Kumalansing ang sukling iniabot niya sa aking palad, at siya'y bumaba kasabay ng paghinto ng sasakyan. Siya ay marahang lumakad patungong Plaza Miranda, at muling humarurot ang sasakyan. Nakatingin lamang ako habang unti-unti kaming pinaglayo ng taong minahal ko sa kahabaan ng aming biyahe papuntang Quiapo.
photo credit: kamalayan - flickr.com
Tuesday, November 16, 2010
Blast From The Past
I was tidying up my ipod playlists when I came upon a set of 80s and 90s songs. I played a couple of upbeat tunes as I begrudgingly started cleaning my bathroom. Each verse triggered random memories of my grade school years, and I caught the beginnings of a smile in my reflection as my chest warmed.
Life was much simpler then. Friendships were forged over things like tex, jolens, gumamela bubbles, and bazooka joe comic strips. Neighbors played tumbang preso, patintero and piko on the streets at night. (Isama na rin natin ang jackstone at chinese garter para sa mga maagang namulat.) And there was no trace of malice when we showed our "birds" to each other especially during circumcision season. What can be more innocent than calling wannabe cocks "birds"?
A few more songs into the playlist re-awakened the familiar angst I felt during my teen years. Friendships became more of relationships involving deeper consciousness and stronger attachments. I went to an all-boys school and inexperience had me confuse friendship and sex with love (to be honest, I'm still confused haha). Yes, this was the period of sexual awakenings. We would brag about our heterosexual exploits with each other, explore beerhouses and massage parlors in Quezon Avenue together, while secretly wondering when you will have the chance to jack off again with the more adventurous lot.
Then the senti songs started playing, and a feeling of panic swept over me. I don't know how to describe it but I get the same feeling when I get into an elevator and it stops midway between floors. These songs take me back to the years of my first relationships. Extremely wonderful memories which are still difficult to reminisce as I would still physically feel the pain of these losses in my chest and abdomen. I could not breathe, so I left the cramped bathroom while struggling with my ipod controls to dispel the pain.
I am in a loving relationship, and I could not be happier. But there are still times when I feel I am stuck midway, with fears from past hurts limiting my future happiness. Club music finally started playing from the small speakers, and I moved wildly with the rhythm to shed the lingering depression. I gradually felt better, hopeful that the time will come when I can listen and smile through my 80/90s playlist.
photo credit: toteroclan.unlimitboard.com, reverseshot.com

Sunday, November 14, 2010
Pounds of Flesh
Hay... I look 5 months pregnant.
The holidays have not even started and I already gained close to 6 pounds. Aba, normal na bigat ng sanggol na yun ah!
I should start hitting the gym, pero sobrang nakakatamad if you go alone. Hirap naman makibagay sa schedule ng iba because of my unpredictable hours. Besides, I like weight training but completely hate doing cardio. Nakakahingal! (but yun nga yung point di ba?) I'd rather hit the steam room para pawisan haha!
Maybe I should jump on the running/marathon bandwagon. Baka naman I'll end up buying all the gear to look good in the coordinated sando, shorts, headband and wristband and end up strolling the airconditioned malls to load up on pasta and ice cream. Baka 5 months on the way with twins na itsura ko nyan!
Ano kaya magandang solusyon? Eto kaya?
photo credits: commons.wikimedia.org, sikatsifafa.multiply.com
Newbie
This is my first attempt at blogging, and I guess I'm what people call a newbie.
I have loved a handful of men. I am not publicly out though, maybe not even completely to myself. There are too many labels, and I get confused with all of them. Maybe I'm just in denial.
Don't get me wrong, I am happy. Maybe I could be happier out in the light, and writing may be the first step in that direction.
photo credit: lifesongcc.com
photo credit: lifesongcc.com
Subscribe to:
Posts (Atom)