Monday, November 29, 2010

Si Tiyo Paeng

Bumukod ako ng tirahan nang mag-umpisa na akong magtrabaho. Dahil masama ang loob ng mga magulang ko, napapayag akong tumira sa katabing apartment ni Tiyo Paeng, ang kuya ng nanay ko at tatay-tatayan namin. Luma na yung apartment at ito yung tipong semento yung unang palapag at kahoy yung itaas. Gawa sa manipis na lawanit ang mga dingding sa ikalawang palapag kaya't dinig mo ang iyong mga kapitbahay.

Mabait si Tiyo Paeng at ang misis niya at araw-araw akong naiimbitahang kumain sa kanila. Pansin kong laging may kakaibang expression sa mukha niya tuwing kausap ako. May kaunting kunot sa noo, nag-iisip, waring may gustong itanong pero nagpipigil lang. Ganito rin ang nakita ko sa mukha ng tatay ko nang makita niya akong suot ang tutu ng kapatid kong ballerina noong grade 1 ako. (Oo na 4th year college na ako non haha!)


Isang gabi, dumalaw ang aking asawa (nang mga panahon na yon). Dinala ko siya sa itaas. Hinalikan. At nagsimulang gumapang ang apoy sa mitsang sinindihan. Hindi ko alam kung di ko lang napansin dati o talagang mapusok lang kami ng gabing iyon, pero anaknamp#&@ ang ingay niya! Kahit nahihiya ako dahil kakalamon ko lang ng longganisang vigan na sandamukal ang bawang, mariin ko siyang hinalikan nang matakluban ang kaniyang bibig. "Huwag khang mahingay. Mahnipis...hang...dhing... dhing," daing ko sa kaniya. Wala! Sumabog ang mga sinindihang kwitis at paputok at nangibabaw ang ingay ng mga naglalampungang pusang may boses binata.

Nagpaalam ang aking asawa at unti-unting nanumbalik ang huni ng mga kuliglig. Kinabukasan, mabait pa rin si Tiyo Paeng. Naimbitahan pa rin akong kumain sa kanila. Masigla pa rin ang kwentuhan at wari'y lumiwanag ang kaniyang mukha. Wala na ang kunot sa noo at nakikita ko na ang aking aninag sa kaniyang mga mata.

photo credit: corbisimages.com 
    

7 comments:

Yj said...

at least hindi na siya confused..

confirmed na niya hahahaha

citybuoy said...

Baka yun lang yun. Kailangan lang ng confirmation. haha

glentot said...

Baka gusto ka nyang tiyopaeng. Bwahahaha jokelang.

bien said...

confeeeeeeermed!
chupaeng daw o hahahah

Ms. Chuniverse said...

at doon natapos ang pagwa-wonder ni tyo paeng.

ang kanyang nephew ay isa palang niece.

vongga ka. ang lakas lang ng loob mo. =)

Sean said...

@ Yj and citybuoy : sabi nga ni orally, confeeermed!

@ glentot ; langhiya! sobrang triple-x na yan hahaha!

@ orally : oo nga! baka pwede na talaga akong mag-tutu ngayon.

@ Ms. Chuni : ahahaha! korek! sayang lang, di na ko pwede mag-debut. baka sya na sumagot.

JEROME said...




IM CHINITO MAY DIMPLES MAPUTI NICE EYES LIPS TEETH 5 9 135 09204089906 FOR SER REL/SOP/SEB NO LNDLINE NO REPLY

GALING NG TAPING FOR SERIOUS RELATION/SOP/SEB TEXT UR LNDLINE 09204089906 NO LANDLINE NO REPLY

NEED KAUSAP SA LANDLINE AT YUNG MAGTETEXT NG LANDLINE 09204089906 FOR SER REL

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...