Thursday, December 9, 2010

Asawa vs. Kerida


May kumakalat na video ng isang supposedly kabit na inaway ng asawa nung lalake sa isang mall, at medyo nagulat ako dahil sa violence na aking napanood. Maraming nag-komento sa video na ala Team Jinkee vs. Team Krista, pero hindi ko makuhang pumanig sa isa sa kanila.

Kahit na di ko natikman magsuot ng trahe de boda, ilang beses na rin naman akong nakipaglaro ng bahay-bahayan. Minsan na rin akong iniwan dahil sa matagal na palang pakikipag-jackstone sa iba. Minsan rin akong naiwan dahil sa desisyong lumipat ng barangay at magkapamilya. Hulihulihoy, sinong matalo siyang unggoy. Ako na ang unggoy pero hindi ko nagawang manglampaso ng mukha sa mall.

Pero naaala kong ilang beses din akong nanghimasok sa ibang pagsasama. Neneng nene pa ako nang mapasok sa isang maikling relasyon. Hindi ko alam na asawa pala niya yung lalakeng pinakilala niyang "pinsan" niya. Minsan din akong consciously nakasira ng isang pagsasama. Dahil sa nakita kong paghihinagpis, hindi na ito mauulit pa. Pasalamat din ako dahil hindi nila parehong ipinanglampaso ang aking bigote't balbas. Asawa at kerida, parehong naging bahagi ng aking pagkatao. Parehong nagmahal, parehong sinaktan.

Kailan lang, nahanap ako sa Facebook ng "pinsan" ng dati namin parehong karelasyon. Masaya ang aming pag-uusap at di nababanggit ang dating pinaghatian. Ang dating asawa, ang dating kerida - nakakatawa nga naman ang tadhana. Nararamdaman ko, malapit na naming ilampaso ang isa't isa. Katawan sa katawan. Mapusok...

photo credit: regent.blogs.com
  

18 comments:

jc said...

love the last line... mukhang exciting! haha!

Jepoy Dee said...

u mean nagpaparamdam si "pinsan" OMG!!! ikaw na. hahaha

Mu[g]en said...

Isang beses. Gamitan. Ang katapusan, bumitaw kami pareho sa limang taong relasyon. Matapos ang palayain ang isa't isa, hindi na kami nagkita muli.

Sean said...

@ jc : haha! naku oo, sexciting nga!

@ jepoy : baka gusto niya akong maging cousin-tahan. bwahaha!

@ mugen : ang lungkot namaaaaannn!!!!

Yj said...

"At anong hinihintay mo? Na iwanan niya ang anak at asawa niya para sayo? Aba bakla, magising ka na sa kahibangan mo at nangangarap ka ng gising!"

yan ang mga salitang binitawan sakin ng bestfriend ko.... at tama siya... haaaaays

Sean said...

@ Yj : haaay. mahirap nga ang mga ganyang sitwasyon lalo na habang bulag ka sa pag-ibig.

glentot said...

Understandable yun kasi nga Nene ka pa nun (haha I love the term)...

Ako, naiintindihan ko both sides, naintindihan ko yung kabit (dahil may friends akong kabit) at naintindihan ko yung asawa. Pati yung lalaki, naintindihan ko, pati yung consintidorang friends naintindihan ko sila, pati yung may hawak ng camera. Pati guard inintindi ko.

Ang hindi ko kayang intindihin eh ang ganda nung kabit, pumatol dun sa lalaking mukhang HMPF!

orally said...

goodluck.
shet parang andami kong ginudlak ngayon sa blog, puro inlove ang mga bakla

engel said...

meron akong kilalang parang ganyan. pareho silang napaglaruan ng isang lalake. in the end, sila nagkatuluyan. :)

Désolé Boy said...

basta ang alam ko lagi daw mas maganda ang kabit kesa sa tunay na asawa. nyahaha
.
.
mag-ingat lang sa mga manggagamit!

my-so-called-Quest said...

saw that vid! haha. ang lutong ng mura. :P


and whatever's brewing between"pinsan" and you. make sure it's not because of thinking it's a payback time. :D

Sean said...

@ glentot : akala ko mag-iimpart ka ng wisdom sa comment mo. Katawa ka talaga!

@ orally : baka dahil ayaw ng malamig na pasko, kaya maraming in love. or baka naman libog lang haha! sana mainit ang iyong pasko.

@ engel : naku ha. pinapaasa mo ko hehehe.

@ db : di dapat lagi na lang akong kabit para maganda ako. salamat sa paalala.

@ doc ced : oo nga parang ako kung magmura haha! pero tama ka. baka naman may kinikimkim siyang sama ng loob sa akin after all these years!

Ester Yaje said...

hahahaha. natawa ako sa picture. LOL. ang taba kasi nung isa. LOL

Sean said...

@ Ester : mataba nga at may boobs pa.

hard2getxxx said...

na news na ang away nila hahahahahha sikat na sila

Sean said...

@ hard : haha! honga sikat na sila sa kahihiyan.

Seriously Funny said...

Relative to what Engel said, ganun kami nung first ko. Pareho kaming pinag-laruan ng iisang lalaki. Tapos naging kami nung nagkakilala kami.... Hehehe!

Sean said...

@seriously funny: tadhana nga naman ano?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...