Friday, November 26, 2010

Ang Day-Off ni Inday

Sa tuwing ako'y malungkot o hindi mapakali, nakaugalian ko nang mag-ayos ng bahay. Linis, laba, plantsa - mga simpleng bagay na di na kailangang mag-isip. Nakaka-relaks. Nakakapagpagaan ng loob. Patunay na gaano man kagulo ang aking mundo, meron pa ring mga bagay na kaya kong ayusin.


At dahil patapos na ang napakabigat na linggong ito, ayoko na munang mag-isip ng malalim at malayo. Tama na ang buong linggong pagkakalampaso, pagkakasabon at pagkakapaso.

Pawisan at habol ang hininga, inilapag ko ang lunes hanggang huwebes upang mayakap ng buong higpit ang inaabangang biyernes.

Happy weekend sa inyong lahat!

photo credit: fun-pics.com
  

3 comments:

rudeboy said...

I don't care if Monday's blue
Tuesday's gray and Wednesday, too
Thursday I don't care about you
It's Friday
And I'm not even in love

Mu[g]en said...

kapag may saltik ako, ugali ko rin maglinis ng paligid.

Sean said...

@ rudeboy : i love that song! teka medyo naiba yung huli.

@ Mugen : hahaha! ako nga sobrang linis ng bahay this week.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...