Saturday, November 27, 2010

Nang Mag-Clubbing ang Klabing

Gusto kong maging isang gogoboy.

Mula nang makapanood ako ng QAF at makapunta sa isang NYC club na may mga sumasayaw nang walang pang-itaas ay pinangarap ko nang maging isang gogoboy. Topless lang, para wholesome pa rin naman.

Mahilig lang kasi ako sa club o dance music. At kahit di man kagalingan, mahilig din akong sumayaw. Di naman kasi kailangan tumambling-tambling sa club. Pa-sway sway ka lang to the beat na parang may sariling mundo. Adik ba ehehehe!

Inihanda ko ang mga naipon kong kagamitan para maisakatuparan ang aking matagal nang pinapangarap:

1. Maong (saka na ang pekpek shorts - baby steps po) - check!
2. Military butch - check!
3. Dog tags -check!
4. Aviators - check! 
5. Leather cuff - check!


Pandesal na abs na lang ang kulang, pero pwede na siguro ang kaunting baby fats. Baka matunaw na rin sila sa kasasayaw bago mag-umaga.

Di bale, kapag pinagtabuyan ako sa club dahil sa aking baby fats, papasukin ko na lang ang ganitong trabaho (click to follow link - SFW pramis). Medyo mas malaswa nga lang.
   

11 comments:

Ester Yaje said...

di ko kayang ma imagine ang sang lalake na nakasoot ng boots. ewan! haha

Marhk said...

pwede private show? lolz

Ms. Chuniverse said...

Si Jollibee, bottom ang wala at top lang ang suot.

dapat ganun ka din.

hahaha!

paci said...

cute naman ang may baby fats ah. =)
jabee..puwede rin!

imsonotconio said...

Love ur posts keep blogging and thanks for following me, i followed u na rin heheh

glentot said...

Ay hahaha magsimula ka nang magchoreograph ng steps mo... wag mo nga lang maisayaw yung steps ni Jollibee kung sakaling palarin kang mag-Gogoboy

orally said...

ahahaha
nice nice.
aantayin namin na maisakatuparan ang pangarap na yan

Jepoy Dee said...

tara sa BED kapag nagbukas ulit. palitan mo ang mga gogoboys dun LOL

Arvel Soian GB. said...

napadaan lang ako.. :D hehe

matutupad rin ang pangarap na iyan. hehe.

ako? gusto ko mag mascot nalang.. haha.

para giling lang ng giling. haha

kaka tuwa si jabee. :)

Sean said...

@ Ester Yaje : Naku pag nakita mo akong naka-boots, hindi mo na ma-iimagine ang ibang taong naka-boots. Haha! Pwede na kong magbuhat ng isda sa palengke.

@ Marhk : Haha! Naku nakaka-pressure naman yan. Di pa nga ako nag-uumpisa sa bago kong karera, may booking na! Ehehe!

@ Ms. Chuni : Oo nga no! Hahaha! Nahiya naman ako (medyo umurong tuloy).

@ paci : buti na lang may mga katulad mong tumutulong na linlangin ko ang sarili ko. Hahaha! Thanks.

@ imsonotconio : Thanks for dropping by. Lagi kong sinusubaybayan yan.

@ glentot : Baka naman may natatago kang moves, tulungan mo ko! Pag may nakita ang mga tao sa clubs na parang si Jollibee sumayaw, ako na yon!

@ orally : Naku maraming salamat sa vote of confidence.

@ Jepoy Dee : Lol! Kaya ata nagsara dahil nabalitang gusto kong pumasok! Ehehehe!

Sean said...

@ Arvel Soian GB : Salamat sa pagdaan at sa suporta. Sige sabay tayong gumiling. Isang Jabee at isang Popo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...