Wednesday, December 22, 2010

Spotlight's On Me


Nakaupo ako sa isang sulok. Tulala. Wala akong naririnig sa mga sinasabi ng mga tao sa aking paligid. Masaya sila. Nagkakantahan pa.

Nang tumagal, isa-isa silang umalis ng walang paalam. Isa-isa ring namatay ang mga ilaw. Nagdilim sa loob, ngunit may mumunting liwanag pa rin sa mga kandilang naiwan sa katatapos na pagdiriwang. Maging ang mga ito ay unti-unting naparam, hanggang sa ako'y mabalot ng dilim.

Nanatili lang akong nakaupo. Nakikinig sa katahimikan. Marahan ang paghinga. Blangko ang isipan. Nakikiramdam.

At doon ko siya naramdaman. Mahirap ipaliwanag, pero parang may liwanag na nakatuon sa akin. Liwanag na nanunuot sa aking kaluluwa at unti-unti akong pinupuno ng sigla. Sa gitna ng dilim, nanatili akong tahimik at walang laman ang pag-iisip. Matapos ang ilang sandali, unti-unting kumalat ang liwanag sa labas, at ako'y marahang tumayo at tumungo sa bagong gising na umaga.

Ganyan ang aking huling Simbang Gabi. Naghihintay na makadaupang-palad ang Panginoon. Tahimik, maski ang pag-iisip, walang kailangang hingin o sabihin dahil alam kong alam na Niya. At tulad ng sa bawat araw, ako'y Kaniyang pinagpala. 


photo credit: flickr.com - MarkyBon
    

20 comments:

PluripotentNurse said...

wonderful post.

Amen!

Exhange link naman tayo sean!

thanks!:)

Mu[g]en said...

Wow, ikaw na ang makata Sean, hehehe. :)

Aris said...

wow, how nice. damang-dama ko ito. :)

Nimmy said...

ang ganda ng post na 'to Sean. :)

Sean said...

@ pluri : amen! 2 pala blog mo kasi na link ko na dati yung isa.

@ mugen : hehe. more like trying. hard.

@ aris and @ nimmy : salamat and meri krismas sa inyo.

fox said...

first time here.. nice blog sean!.. follow na din kita.. :-)

my-so-called-Quest said...

nice sean! :D a blessed holidays to you! :D

hard2getxxx said...

Merry Xmas and thats right dapat icount natin ang blessings natin to stay happy

jc said...

Sean, ang ganda nito.. be blessed! :)

Sean said...

@ fox : maraming salamat! hope you have a merry christmas!

@ doc ced : hi doc! hope you enjoy the holidays as well.

@ hard : merry christmas din! wish each one of us finds happiness.

@ jc : thanks parekoy. i wish you and your loved ones god's blessings.

Louie said...

This is a beautiful post Sean. Ang makata mo pala! I'm a fan now! Keep it up!

the geek said...

i am always a fan of silence...

orally said...

i wanna experience that feeling again
parang antagal-tagal na

Supladong Office Boy said...

It's the season to be chubby la la la la la. la la la la.

Happy Holidays Sean! Wishing you more blessings of love, good health, peace and luck ! :-)

Merry Christmas and Happy New Year!

Aris said...

maligayang pasko, sean! :)

Sean said...

@ louie : haha! thanks, nagpapaka lang naman. merry christmas!

@ geek : hope you have a blessed christmas.

@ bien : i hope ma-feel mo ngayong pasko. merry christmas bien!

@ supladong ofc boy : korek! andami ko nang na-gain di pa tapos ang mga kainan. happy holidays!

@ aris : sana maligaya rin ang pasko mo :)

Nielz said...

I hope you enjoyed your Christmas! Sana naging meaningful and very happy yung Pasko mo. :D

Advance happy new year too, wag magpaputok, baka maputulan. lol. :P

Sean said...

@ nielz: enjoyed mine, and i hope you enjoyed yours too. happy new year!

Nowitzki Tramonto said...

ang ganda :) hehe.

Sean said...

@ nowitzki : uy thanks sa pagbasa. :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...