Saturday, December 11, 2010

My Grown Up Christmas Wish

Sandali na lang, pasko na. Andami ko pa namang pamangkin at inaanak at talaga namang may mga listahan pa ang kanilang mga stage mother. Pero enjoy naman akong mamili at magbigay ng mga regalo sa kanila. Kita mo naman kasi yung unti-unting pagbabago ng emosyon sa kanilang mga mukha.

Inip: may regalo kaya si Tito Sean sa akin?

Unawa: ay meron!

Usyoso: ano kaya nasa loob nito?

Excitement: buksan na! buksan na!

Ligaya: honggandaaaaaah! at agad sinuklay ni Lando ang buhok ng kaniyang bagong Barbie.

Kaya eto ako, nakapila sa kahera ng SM habang nagdarasal kay Santa para naman sa aking pansariling kaligayahan. (Di ba santo rin siyang mahaba ang hair at pwedeng dasalan? Dapat gawin siyang patron ng mga long hair.)


Dear Santa, ano kaya ang matatanggap kong regalo mula sa iyo? Inip. 

Sa kabilang pila, may mamang medyo masikip ang t-shirt. Naku Santa, salamat. Ang bilis niyo namang dininig ang aking dasal. Unawa.

May kasama kaya siya? Usyoso.

Biglang napatingin sa akin at di bumibitaw ng titig ang loko. Parang ang sarap niyang hubaran na parang X'mas gift. Excitement.

Ligaya na nga ba ang kasunod? Tingnan natin kung pinakinggan nga ni Santa ang aking dasal. Pramis, ipagtatayo ko siya ng rebulto at sasayawan lingu-linggo sa Obando.

photo credit: leatherati.com
 

7 comments:

Yj said...

ahahahaha higad ka.

ako eh isang malaking double headed dildo lang talaga ang hiling ko ngayong pasko...

PAK!

Sean said...

Pag double headed doble din ba ang saya? Hahaha!

orally said...

mukhang pinagbigyan ka ni santa.
at may bonus pang
.
.
.
.
.
caladryl!

Alter said...

sana, kapayapaan. :)

Carlos said...

Ang lakas mo naman kay Santa, pinagbigyan ka agad. =)

my-so-called-Quest said...

wow naman ang bilis ng gift. hehe

Sean said...

@ orally : hahaha! lagi kasing kinakamot ang kati kaya lumalala.

@ alter : I, thank you bow. bigyan kita ng korona at scepter.

@ carlos & doc ced : haha! good boy kasi ako this year.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...