Wednesday, June 22, 2011

Blind Date


Dahil sa kabubuyo ng aking mga kaibigan, pumayag na rin akong makipagkita sa kaniya. May kapirasong excitement, kaunting kaba. Hindi tuloy naging mahimbing ang aking pagtulog. Sa mismong araw, nagbihis ako ng kaunti, para naman magmukhang guwapo at kaakit-akit.

Ok naman ang aming pagkikita. Masaya siyang kausap. Palagay ang loob namin sa isa't isa. At sa basa ko sa kaniyang mga kilos, mukha namang gusto rin niya ako. Sa tingin ko, smart and witty naman ako ng gabing iyon. Sana nga lang, ganun din ang nakita niya.

Ako ang nagsabi sa mga nag-reto kong kaibigan na no expectations. Pero eto ako. Ilang araw na. Naghihintay pa rin ng tawag niya. Tuloy, ang dami kong tanong sa sarili. Baka naman masyado akong maagang naging kumportable. O di kaya'y mali lang ang aking basa sa kaniyang mga baraha.

Hay letseng job interview yan! Makataya na nga ng Lotto sa kabilang kanto.

photo from here

21 comments:

Mugen said...

Hanap ulit ng bagong mapapagkakitaan. :)

Sean said...

@mugen: oo nga! sumusubok bumalik sa buhay pagpuputa. hay...

Leo said...

oh lotto, that one big jackpot prize that can save the problems of the world. but no. haaist.

bienvenido_lim said...

Kalokang entry yan. Good luck!

lonewolf said...

good luck sana makuha mo, if not its not meant for you.

egG. said...

kala ko totoong date talaga heheheh

anyway...

GOOD LUCK po koya sean.... kaw pa sa mga post mo pa lang dito eh ang talinhaga mo na hehehe :D

Mr. Chan said...

hehehe, akala ko tungkol sa lovelife?! :D

Goodluck sayo Sean! May u find the best job that suits you :D

Desperate Houseboy said...

Goodluck. Kaya mo yan papi. Hope all will be will with you.

Xall Percé said...

Is it just coincidence or this is really the time of the year when people think of getting a new job.

Interviewers are very annoying dates. they make you return a number of times, they don't dating exclusively and worse, they make you expect.

Sana magkatuluyan kayo.

Spiral Prince said...

kaya yan, kuya :)

greenbreaker said...

akala ko eyeball.

kaya mo yan noh! kaw pa.

Jj Rodriguez said...

come here... daming good opportunity for goodlooking handsome guys... hahaha...

Good luck!

JJRod'z

SweetIsh said...

kala ko naman anu na yun kuya sean...wahaha!!! good luck sa next interview!!! GO GO GO!!!!

Ms. Chuniverse said...

Hahaha! Nice. tumu-twist ng drama ang lolo.

Good luck sa job hunting!

:)

dabo said...

Lol! Ahahahaha

V1nC3 said...

Hahaha. Naloko ang ng konti - goodluck sa job hunting! =)

Sean said...

@leo: hahaha oo nga. money can't solve everything.

@bienvenido_lim: salamat sis.

@lonewolf: thanks papa milch. tama, so i shouldn't lose any sleep over it.

@egG: thank you eg!

@mr. chan: salamat sir!

@desperate houseboy: thank you dh!

@xall perce: ay season pala ngayon. i love your take on this haha. sana nga maging kami hehe.

@spiral prince: thank you spiral.

@greenbreaker: napaghahalata ang aking age. eb na nga pala ang tawag ngayon diyan haha! thanks gb.

@jj rodriguez: ay hahaha tara lipad na ako diyan! thanks jj.

@sweetish: hi ish! thank you!

@ms. chuniverse: maraming salamat ms. chuni!

@dabo: hahaha! hi dabo!

@v1nc3: salamat vince!

^travis said...

tayaan mo ito Sean: 3, 13, 14, 30, 40, 42. balato ha.

Kuya Kyle said...

nice... e kuya sean nasan pala asawa mo?

Sean said...

@^travis: salamat sa tip. hamo malaki balato mo hehehe.

@kuya kyle: andito sa tabi ko, binubugaw akong makipagkita sa mga interviewers :)

Anonymous said...

Good bye, sweet alternative other :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...